Hindi ko alam kung anong nakain ko at pinuntahan ko siya sa lugar kung saan siya kumakain mag-isa.
Nilutuan ko pa nga siya ng maraming pagkain.
Huminga ako ng malalim para mapakalma ang puso ko.
Habang papalapit ako ng papalapit ay mas lalo akong kinakabahan ng hindi ko alam.
Nang makarating doon ay nakita ko ulit siya, kumakain ng isang de-latang sardinas na may kasamang tuyo ata?
Pumunta ako sa harap niya at inabot sa kanya yung pagkain na niluto ko.
" Para sayo."
" Hindi na kailangan may pagkain naman na ako."
" Gusto mo saluhan mo ako, di pa kasi ako nakakakain." Sabi ko.
Napabuntong-hininga siya at tumango, napipilitan.
" Thanks." Sabi ko ng nakangiti.
Kinuha ko ang mga pagkain mula sa paper bag at nilatag sa tabi niya.
Nagluto ako ng adobo, afritada, may mango float at cake.
" Ang dami naman, sigurado ka ba talaga na sayo lahat ito?" Tanong niya.
" Sa mga kabarkada ko sana pero dahil sa tutulungan mo ako, ayan, prize ko."
" Hindi ko naman kailangan niyan Phine, nakakain naman ako ng tatlong beses sa isang araw."
" Tanggapin mo na Knix, minsan lang ang ganitong biyaya kaya grab it." Sabi ko.
Nakita ko na nakangiti siya kaya napatulala ako. Ngayon ko lang nakita na nakangiti siya, kahit na tipid lang na ngiti yun pero kitang-kita mo talaga na hindi peke.
" Pwede ka bang dalhin to sa bahay?"
" Maaari naman, kung anong gusto mo."
Sinaluhan niya ako, madami pang natira sa pagkain kaya binalot ko at binalik sa paper bag sabay bigay sa kanya.
" Magkita na lang tayo mamaya sa library, dun natin pag-uusapan ang mga dapat mong gawin." Sabi nito at nagpaalam na.
Sumunod naman ako papunta sa classroom namin at pumasok.
Gusto kong hilahin ang oras hanggang sa uwian para makasama ko na si Knix.
Naguguluhan na ako sa sarili ko. Tsk.
Nung uwian ay dali-dali akong lumabas at nakipagkarerahan sa mga estudyanteng nakakasabay ko. Nakita ko si Knix na naglalakad patungong Library kaya hinabol ko siya at tinawag.
" Knix teka lang, hintay!" Sigaw ko dito.
Huminto naman na siya at lumingon sa gawi ko.
Biglang huminto ang paligid ko, nawala lahat ng mga tao sa paningin ko. Tanging kami lang dalawa ni Knix ang magkaharap.
" Halika na?" Tanong niya na nagpabalik sa ulirat ko.
" Tara." Sabi ko ng nakangiti. Pupunta na sana kami sa Library ng biglang umulan.
" Shit."
" Kababae mong tao nagmumura ka, itigil mo yan." Sabi nito. Napalapat ang labi ko at natahimik ako.
" May payong ka?" Tanong niya na ikinailing ko.
" Saan ba napupunta yang pinagmamalaki mong pera mo pati payong di ka makabili. Tsk." May kinuha siya sa lumang bag niya at isang payong na wala ng hawakan ang nakita ko.
" Pinagmalaki pala ha, bumili ka ng bago, ang luma na niyan ehhh."
" Hindi pwede may mas importante pa na dapat kong pagtuunan ng pera kaysa sa pagbili ng bagong payong." Sabi nito.
" Dami mong alam, halika na nga."
Pumunta na nga kaming library at nagulat ako kasi siya pala ang may hawak ng susi so ibig sabihin siya ang Student Assistant ng Librarian.
" Mukha ka talagang pera nohhhh? Pati dito sa school naghahanap ka ng mapeperahan."
" Wala kang alam kaya pwede ba na tumahimik ka." Sabi nito na may halong sakit sa boses.
Nakonsensya na naman ako sa sinabi ko, hayst. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong feeling at sa isang lalaki pa na hindi ko kilala.
____________________________________________________________________________
Don't forget to follow me...
Luvlots Caps😘...
BINABASA MO ANG
Painful Goodbyes
Teen FictionLove hurt in every way. Yan ang ayaw maranasan ng isang tomboy sa buong buhay niya pero paano niya maiiwasang mahulog sa isang lalaking maysakit pala? Is her love enough just so that guy live longer? Date Started: March 18, 2022 Date Ended: March 19...