This is the time nung buhay pa si Knix at yung cleanup drive na pinapagawa ng Dean. Nakalimutan kong ilagay kaya sa Special Chapter na lang baka kasi pag isisingit ko masisira ang flow ng story.
***
Tagaktak ang pawis ko dahil sa sobrang init ng panahon. Naglilinis kasi ako sa buong field sa loob ng isang araw dahil yun ang requirements ko para makapasa.
Lintek.
Pinunasan ko ang pawis ko, muntik na sana akong matumba ng may umalalay sakin.
Napatingin ako sa kanya and shucks biglang tumibok ang puso ko.
" Ok ka lang Phine?" Tanong nito, puno ng pag-aalala.
Tumango lang ako.
" Umupo ka muna Phine, pinagpapawisan ka na ohhhh." Sabi nito at binigyan ako ng panyo.
" Thanks Knix." Sabi ko ng nakangiti.
" Welcome Phine." Sabi niya at binigyan ako ng tubig at makakain.
" You should drink a lot of water Phine, baka madehydrate ka at magka-heat stroke." Sabi nito na ikinangiti ko.
Shuccckkks.
Nginitian ko lang siya at tumango.
Kinuha ko ang pagkain at hinati ito. Binigay ko sa kanya ang kalahati kaya nagulat siya.
" You should also eat Knix, masamang magpagutom." I said.
" Kumakain kaya ako."
" Liar, nakita kaya kita na nakatingin sakin buong magdamag. Ikaw talaga," sabi ko at piningot ang tenga niya.
" Aray naman Phine ehhh, masakit."
" Talagang masasaktan ka sakin, kainin mo yan o tatadyakan kita."
" Oo na." Sabi nito at huminga pa ng malalim.
" Nagtataka na talaga ako kung sino ba talaga ang lalaki sa'ting dalawa. Ang amazona mo kasi."
" Ang sabihin mo bakla ka."
" Hindi ako bakla, gusto mo halikan pa kita dyan ehhh." Sabi nito na ikinagulat ko.
____________________________________________________________________________
Don't forget to follow me...
Luvlots Caps😘...
BINABASA MO ANG
Painful Goodbyes
Teen FictionLove hurt in every way. Yan ang ayaw maranasan ng isang tomboy sa buong buhay niya pero paano niya maiiwasang mahulog sa isang lalaking maysakit pala? Is her love enough just so that guy live longer? Date Started: March 18, 2022 Date Ended: March 19...