Nandito ako ngayon sa dining table, kumakain kasama ang mga magulang ko.
" How was your study, anak?" Tanong ni Mommy.
" Its OK Mom."
" Liar." Sabi ni Dad na ikinataas ng ulo ko.
" Alam mo Phine, di ko na alam ang gagawin ko sayo, puro na lang gulo ang inaatupag mo, baka di ka na maka-graduate ng Senior High niyan." Sabi ni Papa, puno ng sarkasmo.
" Makakagraduate ako sisiguraduhin ko yan."
" Talaga Daphine, impossible na kasi lalo na't last semester mo na at ang mga grade mo lahat bagsak."
" Ehhh ano naman ngayon kung bagsak, basta ngayong sem na'to makakagraduate ako."
" Hindi kita tutulungan kung mabagsak ka man, bahala kang pulutin sa kang-kungan. Ka babae mong tao, mas lalaki ka pa sa lalaki kung kumilos."
" I'm done." Sabi ko at umalis na sa hapag.
Di na talaga ako kakain pag nalaman kong umuuwi sina Dad at Mom sa bahay dahil kahit na anong gawin ko ay mauuwi sa bangayan ang pagkain ko ng tahimik.
Pumasok na ako sa loob ng room ko, kailangan makaisip ako ng plano paano ako makakagraduate.
Natulog ako ng maaga at pumasok ulit sa school.
" Phine, pi-pinapatawag ka raw ni Mr. Aguelas." Sabi ni Jet, Council President ng School.
Tumango lang ako sa kanya at pumunta sa office ni Panot.
Malakas kong ibinagsak ang pinto para agawin ang atensyon niya. Napatingin naman ito sakin.
" Umupo ka Ms. Estrella."
" Correction, Mr. po, hindi Ms."
Tumango lang ito.
" Bakit mo ako pinatawag?" Tanong ko.
" Gusto mo bang grumaduate Mr. Estrella?" Tanong nito.
" Oo naman." Naiinis na sabi ko. Sino ba ang hindi? Tsk.
" Well, I have a very few things to deal with you na alam kong di mo matatanggihan."
Tumango lang ako, nabobored.
" Tagilid ka sa lahat ng subject Mr. Estrella at alam kong hindi ka makakapasa, pag di ka makakapasa, di ka makakagraduate, hindi ba?"
" Just straight to the point, Mr. Aguelas."
" Ok. Gumawa ka lang ng research paper, thesis at ipasa mo ang Final Exam mo ay makakapasa ka at makakagraduate. Plus, lilinisin mo rin ang buong school ground ng isang araw. Maliit na bagay."
" What?! Are you dead serious Mr. Aguelas?"
" Yes Mr. Estrella, so deal? Wag kang mag-alala, may binayaran na akong magtuturo at gagabay sa'yo, paparating na."
Anong maliit dun, ang hirap kaya ng Research Paper tapos thesis, may Finals pa, anong kaliit na bagay dun?
Ginagago ba ako ng panot na'to?
Nakatalikod lang ako kahit na alam kong may pumasok na.
" Here he is ang tutor mo." Sabi ni Panot kaya napalingon ako at nagulat. Siya? Siya ang magiging tutor ko?
" Ikaw?" Sabay na saad naming dalawa.
" So magkakilala na pala kayong dalawa, nice. Alis na muna ako ha." Sabi nito.
" Tsk, well well well. Ikaw pala ang tutor ko, mas naghihirap ka ba ngayon para tanggapin ang alok ni Panot?" I asked.
" Kailangan ko lang ng pera, kung alam kung ikaw ang tuturuan ko, makakaatras na sana ako." Sabi nito sa malamig na boses.
" Tsk, mukhang pera talaga. Sana sinabihan mo na lang ako para naman mabigyan kita."
" Hindi ko kailangan ang pera ng isang taong hindi man lang sa kanya."
" Anong ibig mong sabihin?"
" Pera ng magulang mo ang ipinanggagastos mo hindi sayo kaya wag kang magmayabang na parang ikaw na ang mayaman sa buong mundo. Nag-aaral ka palang Miss at walang trabaho."
" I'm not Miss, Mister or just call me Phine." Sabi ko.
" Miss, Mister, Phine, pareho lang yun, ang mas importante sa tao ay kung anong laman nito Daphine. Hindi dapat nating hayaan na pera ang mag-kontrol sa'tin, dahil once na pera at hindi ito..." Turo niya sa puso ko.
" Walang araw na hindi magkakagulo ang mundo ng dahil sa pera, tandaan mo yan."
Sabi nito at iniwan akong nakatulala sa kawalan, pinipilit isiksik sa kokote ko ang sinasabi niya.
____________________________________________________________________________
Don't forget to follow me...
Luvlots Caps😘...
BINABASA MO ANG
Painful Goodbyes
Teen FictionLove hurt in every way. Yan ang ayaw maranasan ng isang tomboy sa buong buhay niya pero paano niya maiiwasang mahulog sa isang lalaking maysakit pala? Is her love enough just so that guy live longer? Date Started: March 18, 2022 Date Ended: March 19...