" Bakit saan na ba ang mga magulang mo?" Tanong ko.
" Halika tapusin na natin to para naman makapagsimula ka na sa thesis mo." Sabi nito, changed topic.
Bigla akong naawa sa kanya. Wala ba siyang magulang?
Tumango na lang ako at pumasok kami sa loob ng isang restaurant. Nag-order ako ng marami, sinadya ko talaga iyon para naman may maipakain siya sa mga kapatid niya.
" Ok, let's start." Sabi ko.
Tinuruan niya ako sa mga dapat gawin sa paggawa ng research paper.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Ngayon ko lang napansin na may dimples pala siya sa magkabilang pisngi everytime he speak. Ang ganda ng ngipin niya alagang-alaga. Ang ganda ng mata, Pilipinong-Pilipino. Medyo tanned ang kulay ng balat niya. Hindi siya mestiso, hindi rin moreno, right blend kumbaga. Hindi tulad sakin na may halo, Pranses kasi si Papa habang si Mama naman ay Pinay. Tapos yung labi niya, ang pula. Nakakaakit.
Ilang oras kaming nag-usap hanggang sa tatayo na sana siya kasi may trabaho pa raw pero pinigilan ko.
" Wait lang Knix, may pinapabalot pa ako for you." Sabi ko.
" Talaga Daph?"
Ghad bakit iba ang dating ng pagtawag ni Knix sa pangalan ko?
" Yes, it won't take longer naman. So let's just wait for a bit." Sabi ko at naghintay nga kami ng ilang minuto hanggang sa dumating na ang waitress para ibigay ang paper bag.
" Sakin lahat ng to?"
Tumango ako.
" Wow, thanks Phine, napakalaking tulong nito." Sabi niya at niyakap ako.
" Welcome Knix, masaya ako kasi nakatulong ako."
" Ihahatid kita. Pwede ba?" Sabi ko.
" Naku, wag na Phine, nakakahiya."
" Sos ok lang yan nohhh di ka naman na iba sakin ehhh."
Ngumiti siya ng matamis sakin at inaya na ako kasi baka ma-late siya, ayaw pa naman ng boss niya na nale-late siya.
Pinatugtog ko ang speaker at ang unang kantang lumabas ay yung sa Aegis.
🎶 Heto ako, basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan...ahhhh🎶
Papatayin ko na sana iyon ng pigilan ako ni Knix.
" Wag." Sabi niya.
" Paborito mo?" Tanong ko.
Tumango siya at sinabayan ang kanta. Ang ganda ng boses niya, nakakainlove masyado.
Ano ba yang mga pinagsasabi ko? Pero what if nga na nahulog na nga ako sa kanya?
Wala namang masamang magmahal so dapat di ko ikatakot na magmahal at masaktan. Dahil kong mahal ko nga siya, dapat ko iyong ipagmalaki kasi siya lang yung kaisa-isang taong bumago sa akin, sa pagkatao ko.
Ilang minuto lang ay natapos na ang kanta kaya pinatay ko na.
" Naging paborito ko ang bandang Aegis, Parokya ni Edgar, Eraserheads, April Boys at Rivermaya dahil kay Papa. Yan ang ginamit niya para makuha ang matamis na oo ni Mama." Kwento niya sakin.
" Dami naman." Reklamo ko napakamot pa sa ulo.
" Si Papa kasi."
" Buti namemorize mo pa yun?"
" Minemorize ko talaga kasi sabi ni Papa, isasali daw niya ako sa mga singing contest pero bakit sila umalis..."
Nakikinig lang ako.
" Masaya kami noon. Sobra." Sabi niya, ang lungkot ng boses nito, parang naiiyak na.
" Dito na lang ako Phine, ingat ka sa pag-uwi." Sabi nito. Tumango lang ako after niyang bumaba.
" Salamat ulit." Sabi niya.
Agad siyang pumasok sa loob ng hotel at aalis na sana ako pero parang pinipigilan ako ng puso ko.
Kaya hinintay ko na lang siya hanggang sa matapos ang shift niya.
Papungas-pungas pa ako kasi ang tagal niyang matapos. Hanggang sa nakita ko na lumalakad na siya sa ibang direksyon kaya iniliko ko ang kotse ko pinuntahan siya.
" Sakay Knix."
" Pero--"
" Sakay." Pinandilatan ko siya ng mata at sumakay naman ang lalaki.
" Did you go home?"
Umiling ako.
" Bakit ka nandito?"
" Obviously Knix, I'm here because ihahatid kita. So shut up."
Natahimik kami habang nasa daan. Nakita ko pang hawak-hawak ni Knix ang ulo niya.
" Are you ok Knix?" I asked.
" Yeah ok lang ako, masakit lang ang ulo ko."
" Palagi na lang masakit ang ulo mo Knix, ok ka lang ba talaga? Kailangan mo bang dalhin kita sa ospital?"
" Hindi, huwag!" Sabi nito.
May kinuha siya sa bag niya at ininom ang gamot ata yun.
Nakahinga naman na ako ng maluwag ng makitang ok na siya.
Tinuro ni Knix sakin ang daan patungo sa kanilang bahay pero may nakita akong foodtruck sa malapit kaya inihinto ko ang kotse ko at bumaba.
" Kain muna tayo, gutom na ako." Sabi ko ng nakangiti.
" Ililibre kita."
" Its ok Knix, ipunin mo na lang yan."
" Ok let's make a deal then, tayo ang magbabayad and oops wag ka nang umangal, pwede?"
Tsk, hands down ako sa lalaking to, daming alam.
" Oo na." Inis na saad ko.
" Halika na, gutom na rin ako ehhh."
I ordered a 1 tapsilog and rice.
" Saan na yung paper bag?" I asked him sa kalagitnaan ng pagkain ko.
" I have it with me Phine so no worry." Sabi niya.
" Good. Naniniguro lang."
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin kami at naglakad patungo sa bahay nila.
Napasinghap ako sa aking nakita. Isang trapal ang nagsilbing bubong nila at mga pinagtagpi-tagping yero ang dingding.
" Sana di ka na lang sumama Phine, nakakahiya."
" No, its ok. Wala namang nakakahiya dito." Sabi ko.
Ngumiti lang siya sakin at pumasok na sa loob.
" Gusto mong pumasok Phine?" Nagulat ako kasi may ulong sumulpot sa kabilang bahagi.
" Fuck." I cursed.
" Di ba sabi ko no cursing? Pitikin mo bibig mo o hahalikan ko yan?" Nagulat ako sa sinabi niya.
Tulad noong una, unti-unting lumalakas ang pintig ng puso ko dahil lang sa pagsabi niya ng ganun.
____________________________________________________________________________
Don't forget to follow me...
Luvlots Caps😘...
BINABASA MO ANG
Painful Goodbyes
Teen FictionLove hurt in every way. Yan ang ayaw maranasan ng isang tomboy sa buong buhay niya pero paano niya maiiwasang mahulog sa isang lalaking maysakit pala? Is her love enough just so that guy live longer? Date Started: March 18, 2022 Date Ended: March 19...