"LOLA!!"
Sigurado magagalit nanaman yun dahil maaga akong umuwi. Ang boring kasi magturo ng isang prof namin kaya di ko pinapasukan.
"Lola! I'm home!"
Pumasok ako sa bungalow namin, charot! Maliit lang talaga ang bahay namin, kalahating kongreto lang at plywood na ang kalahati pero okay lang, masipag naman kami mag halaman ni lola kaya maganda ang disenyo ng bahay.
"Salve bakit ang aga mo na namang bata ka! Bukas ay siguradong ipapatawag nanaman ako sa eskwelahan mo!"
Natatawa akong lumapit dito at yumakap sa kaniya mula sa likod. Nakatalikod ito sa akin dahil naghihiwa ng pantanghalian.
"Ehhh hindi ka naman po pinapatawag dahil bagsak ako diba? Okay lang lola!"
Kumalas siya sa akin at kinurot ang tagiliran ko. Natatawa na lang ako dahil imbis na masaktan ay nakiliti pa.
"Hay nako ka talagang bata ka! Pumunta ka muna kila Marita at umutang ng toyo."
"Si lola kahilig sa utang, May pera po ako, ako na ang bibili."
Tinutukan ako nito ng sandok sa ulo kaya agad na akong tumakbo palabas ng bahay.
"Inyong!"
Tawag ko sa batang kakilala."Ma'am Salve!"
Sigaw din nito at tumakbo palapit sa akin, inabutan ko siya ng chocolate. Lagi talaga akong may dala dala para pag nakakakita ako ng bata ay na aabotan ko."Salamat ma'am Salve!"
Tinawag niya ang ibang bata kaya nagsitakbuhan din palapit sa akin.
"Oh dahan dahan! Lahat mabibigyan!"
"Oh ito na po lola."
"Siguro namigay ka nanaman ng candy sa mga bata diyan sa labas hano! Ang tagal mo muntik ng masunog ang manok wala pa ang toyo."
Naghatak ako ng upuan sa lamesa at pasalampak na naupo.
"Hindi basta candy lang yun lola, chocolate yun, especial dahil dos isa!"
"Hay jusmiyo kang bata ka, kaya nagagalit ang mga nanay nung bata dahil nananakit na ang mga ngipin kabibigay mo ng kung ano-ano!"
"Hayaan mo na sila Lola, masaya naman ang mga bata saka tag iisa lang naman ang binibigay ko."
Pinapanood ko lang ito habang inaayos ang kakainin namin.
Hinanda ko na ang mga plato na pagkakainan namin pati baso.
Nakaayos na at kakain na lang kami, ngunit tumalikod si lola at may kinuha sa isang istante, inabot niya sa akin ang kulay green na kutsara.
"Lola!"
Halos nanginginig pa ako ng abutin ito. Wahhh!"Pinasadya ko pa sa tatay ni Inyong yan, kung ano ka naman na kasing bata ka."
Tumayo ako at yumakap sa kaniya. Hinalikan ko siya sa noo ng ilang beses.
"Salamat lola! I love you!"
"Oh siya kumain kana diyan."
Nakangiting anas nito. Agad naman na akong excited na nagsimulang kumain.
"Ayan nga yun!"
"Oo na Maya, wag mong ituro turo mamaya mo makita ka makahiya."
Kanina pa kasi nito pinipilit na kabit daw ng Governor namin yung babaeng nakaupo sa harapan naming mesa. Malayo naman ang pagitan namin dahil nasa gitna namin ang soccer field.
"Pero alam mo makaawa rin yan, nakasabay ko minsan sa C.R, umiiyak."
Ilang beses ko na rin itong nakakasabay sa parehas na sitwasyon katulad ni Maya. Umiiyak din ito. Syempre naaawa din ako, di ako makapaniwala na may mga college students pa na pumapatol sa mga ganung issues at nambubully pa talaga.
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)
RomanceSalve is a very simple, kind and cheerful woman who lives in the province of Estella Clarko. She likes kids that drive her to take Bachelor of Primary Education in college. She always loves their province which consists of 50% sea and 50% mountains...