CHAPTER 34:

698 27 5
                                    

"Fabros ang tigas nanaman ng ulo mo! Hahaha."
Napahinto ako sa kalagitnaan ng pagbaba sa hagdan.

"Sige na uminom kana ng gamot."
Crystal touch his arm. Pinipilit niya ito sa pamamagitan ng pag-uga dito.

Nasa sala sila. Si Fabros ay nakaupong muli sa couch at naka upo naman sa ibabaw ng hand rest ang nurse nito.

"Ma."

Nakangiti akong lumingon sa anak.
Nasa itaas pa ito at nagsimula ng bumaba papalapit sa akin.

"What are you looking?"
Sumilip ito sa sala. She blankly stare at them.

"Let's have our breakfast. Tawagin mo na ang kuya Ad mo."
Tumango siya bago ako talikuran.

Tumuloy ako sa pagbaba sa hagdan.

"Good morning ma'am Salve."
Tumayo ito mula sa pagkakaupo.

"Good morning." Bati ko din dito.

"Kain na po kayo ma'am. Nauna na po kami ni Fabros dahil kailangan niyang uminom ng gamot." Malawak ang pagkakangiti nito. Pilit akong ngumiti pabalik sa kaniya.

"Sige." Anas ko.

"Good morning Ad! Morning Aquila!"

"Morning." Bati ni Ad. Habang si Aqui naman ay walang imik na pumunta sa kusina.

Agad na rin naman akong sumunod kasama si Ad sa kaniya.

"Aquila anak. We will talk later okay?" Balak ko itong kausapin tungkol sa pinapakita nito. Ayokong lumaki siyang masyadong malamig at mailap sa tao. Gusto kong bumalik ito sa dati. Yung makulit at jolly na bata.

"Sige po ma."

"Siya nga pala. Pupuntahan ko mamaya yung bahay na pinagawa ni Fabros para satin. Baka matatapos na daw iyon, malapit na tayong lumipat."

Tumigil sila sa pagkain.

"Why? We are not welcome here?"

"Huh? Hindi naman Aqui anak. Mas maganda rin kasi na may sarili tayong bahay. Mamaya baka maghanap ako ng school na papasukan niyo ni kuya Ad."

"Why don't we go back to Paraiso? Ayoko dito mama."

"Aqui. We still need to stay here, mas magiging madali ang paggaling mo kung dito tayo magpapagamot."

"Bakit pa tayo pumunta dito? We should have stayed abroad."

"Aqui."
Tumayo ito.

"Talk to him mama. Umalis na tayo dito."
Paalis na siya ng kusina ng napahinto siya. Napatingin ako sa pinto. Fabros is standing there with Crystal on his side.

Nagpatuloy siya sa paglabas.

"Excuse me." Wika ng anak. Agad lumihis si Crystal.

"Susundan ko siya tita." Nagbuntong hininga ako bago tanguan si Ad.

"Ahmm. Kukuha lang kaming tubig." Pagbasag ni Crystal sa katahimikan.

Inalalayan niya paupo sa mesa si Fabros bago pumunta sa refrigerator.

"You heard her. Mas maganda siguro kung bumalik na lang kaming Paraiso, she likes it there. Hindi rin naman palagi ang check up niya kaya pwedeng once a month na lang kami lumuwas dito."

Inilapag ni Crystal ang tubig sa mesa.

"Crystal, can you leave us, saglit lamang ito."

"Sige Fabros, sa labas muna ako ma'am Salve." Umalis na ito pagkatapos magpaalam.

"I think it is better if you would stay here. Kung sa Manila sila mag-aaral."

"If I were to choose. Gusto ko din dito kami sa Manila pero kung mas gusto nila sa probensiya mas maganda na doon sila idala especially si Aquila."

Seryoso lamang ito at walang imik.

"Fabros, you have to understand na mahirap ito para sa bata. She's been hurt ng umalis ka. You broke your promise to her. She always hope for you,  bumalik at puntahan siya but 2 years have passed at hindi ka dumating."

Pinunasan ko ang luha at tumikhim upang maibsan ang bumabara sa lalamunan.

"Until she stopped hoping. She slowly accepted na baka dika na nga dumating. She slowly accepted na iniwan mo na siya."

Tahimik lamang ito.

"Bukas aalis na kami."

"No." Mariin niyang anas.

"Hindi pwede Fabros. You have to understand na mas masasaktan lang siya, kami kung mananatili kami dito."

Tahimik siya.

"Let's stop pretending can we? You want us gone right?"

Mula sa pagkakayuko ay bumaling siya sa akin. Deretso ang tingin sa akin, kahit alam kong hindi niya ako nakikita ay bumalot parin ang kaba sa aking sestema sa uri ng kaniyang pagtitig.

"What do you mean?"

"The first thing you told me was your plan on giving us a house to stay. Fabros, tama ang anak mo, you shouldn't have ask us to come back here kung ganito. Mas mababantayan ang kalagayan ni Aqui sa ibang bansa."

Mariin kung anas. Pilit kong tinatago ang sakit na nararamdaman ko. He told me before how much he wanted to have us again, pero hindi ko iyon maramdaman sa pinapakita niya ngayon.

"Fabros huwag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin. Settle your mind. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari. Nakakapagod na kasi na pabalik balik tayo sa simula. Nakakapagod ng mabigo ng paulit ulit sayo." Mabilis ang pagpahid na ginawa ko sa nakatakas na luha.

"Salve."
Nag-iwas ako ng tingin ng na kita ang kaniyang nagsusumamong mga mata. I think the eyes he has was her daughter's eyes. Kulay berde rin ito.

"I told you before that I'm ready to let you go, na ayokong maging pabigat sayo, sa inyo ng mga anak natin kaya kahit ayoko, umalis ako. Iniwan ko kayo ulit. I don't want to tell you this kasi ayokong maawa ka sakin, but I can't hold my feelings anymore. Before the operation happened years ago, kinausap ko ang doctor. I made up my mind Salve, I have decided to stay with you kahit mabulag ako, but the operation doesn't guarantee 100% of my survival. The doctor told me na mas delikado ang gagawing operasyon sa akin, nakakapanghina dahil kung kailan pinili ko ng manatili, ito nanaman at meron nanamang problema."

Kahit nahihirapan ay pinilit ko ang sariling pagmasdan siya.

"Nabali nanaman ang desisyon ko. Kinausap ko ang doctor at sinabi ko na kapag naging kumplekado ang kalagayan ko ay ialis nila ako and I guess hindi naging maganda ang result sa akin dahil 5 months after being in a comma, paggising ko wala na kayo sa tabi ko."

Pinunasan niya ang kaniyang luha.

"And now, Salve I wanted to be selfish again. Gusto ko nanaman na nandito kayo. Gusto ko ulit, na kontento na ako kahit di ko kayo makita basta maramdaman ko lang but after feeling your presence here, naisip ko na hindi ko kayang ikulong kayo sakin. Salve I am hopeless, there's no way for me to see again."

Napahawak ako sa aking labi upang takpan ang paghagulgol.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko ng makita si Aquila na tumakbo papalapit kay Fabros, binalot nito ang ama sa maliit niyang braso.

"P-papa" I saw how shock he is.

"I'm so sorry. Sorry for causing you so much pain and doing this to you."

"B-baby."

"I want to stay with you, I want to be with you papa. Please let us stay with you." Halos madurog ang puso ko sa pakiusap nito.

"You should not have left papa.  You will never be a burden to us. Aalagaan kita papa, I will take care of you the way you take care of me nung dipa ako nakakakita."

Sinuklian ni Fabros ang yakap nito.

"I love you so much papa. Please let me take care of you." She kissed him on his cheeks. Paulit-ulit. I can see a sweet smile slowly forming on Fabros' lips.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon