CHAPTER 28:

940 42 22
                                    

Tahimik kaming kumakain ni Aquila, wala si Fabros, hindi siya umuwi, si Ad ay maagang umalis ni hindi na ito kumain bago umalis ng bahay at pumasok sa eskwela. 

"Anak, kausapin mo ang kuya mo, mag-usap kayo ng maayos." Marahan niyang inilapag ang kutsara sa kaniyang plato. 

"Tapos na po ako mama. Pupunta ako sa plantasyon at titingnan ko si Fabros."

"Aquila huwag na anak, delikado doon." Kinuha niya ang stick niya at tumayo na. Wala akong nagagawang pinagmasdan na lamang siya palabas ng bahay. 

Hindi ko na alam ang gagawin at dapat unahin. Galit para kay Fabros ang nararamdaman ko ngayon, kung sana hindi na lang siya dumating dito at nagpakitang muli, kinasundo pa ang anak ko, sana tahimik at mapayapa ang buhay namin ng mga bata. 

"Bakit hindi ka umuwi kagabi?" Muli akong napabaling sa pinto ng marinig ang boses ng anak. Pumasok sila ni Fabros, karga nito sa bisig si Aquila. 

Deretso ang tingin ni Fabros sa akin, agad akong nag-iwas at sinimulang ayusin ang pinagkainan namin at ilagay sa lababo para mahugasan na. 

"I need to do something at home." 

"Ahm, pinapauwi ka na ba ng asawa mo or ng anak mo?" 

Napatigil ako sa paghuhugas ng mga plato. 

Fabros laughs after what Aquila asked him. 

"I don't have a wife little girl."

"Talaga? Pero matanda ka na." Mas lalong natawa si Fabros. 

Agad kong kinastigo ang sarili ng marealize ang ginawa. Ano Salve, curious ka pa talaga sa taong yan!

Napailing na lamang ako at pilit kinalimutan at ibaling sa iba ang isip. I don't want to dwell about what he said. Ano naman kung wala pa siyang asawa na impossibleng mangyari. He was married with Adelle, bakit ito nagsisinungaling sa bata?

"I have gifts for you." 

"Talaga?" 

Kahit makatingin tingin sa kanilang dalawa ay hindi ko ginawa. Nagpatuloy na lang ako sa paghuhugas ng mga pinggan.

"Wow!" Napalingon na talaga ako ng marinig ang excitement ng anak. 

Nasa limang paper bag yata ang nasa harap nila ngayon at sinisimulang buksan ni Aquila. Reading books, dresses, dolls at bagong stick ang nakalaman sa paper bag.

Aquila hugged Fabros na agad sinuklian ng huli.

"Kumain ka na ba Fabros?" 

"Not yet."

"Nagluto si mama. Kumain ka."

Gusto ko sanang suwayin ang anak pero alam kong pagtatalunan lang namin kung ipipilit ko ang akin. 

Akay akay ni Aquila si Fabros papasok ng kusina. Nagkatinginan kami at ako na ang unang pumutol. 

"Aquila halika na, si ate Lordes ang magbabantay sayo at mag-aayos na kami ng karenderya."

"Dito na lang po ako, kami ni Fabros."

"May trab… "

"I'll do my paper work here, wala akong trabaho sa site. Ako ng bahala sa kaniya. "

Malalim akong nag buntong hininga, ayoko sana ngunit nakayakap na ang anak sa bisig ni Fabros. Hindi ko alam pano sila mapaglalayong dalawa kung sana ay si Fabros na ang gumagawa ng paraan. 

"Hindi mo naman kailangan… "

"I know pero gusto ko."

Ilang saglit muling nagkahulihan ang mga mata namin at ako ulit ang na unang magbaba.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon