Mabilis sumalang sa examination si Fabros at Aquilla. The doctor informed us that the result will come out the day after tomorrow. Desididong desidido na talaga ito na gawin ang plano niya.
Mula sa couch ay nakamasid lamang ako sa mag amang masayang nagki-kwentuhan. Madalas silang nagbubulungan at pagkatapos ay hahagikgik ang bata samantalang nakangiti lamang si Fabros.
Kahit kailan hindi ko naisip na darating ang araw na ito. Yung araw na makakasama ni Fabros ang anak. Nag-iwas ako ng biglang lumingon si Fabros sa akin.
"Talaga Fabros?" Bulong ni Aqui na umabot sa pandinig ko kaya di ko naiwasang bumaling sa kanila. Nagtama ang paningin namin.
"Oo." Marahang sagot nito sa kung anong tinatanong ni Aqui sa kanya.
"Ano naman ang nagustuhan mo kay mama?"
Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang pisngi ko sa narinig kaya mabilis na naman akong nag-iwas ng tingin mula sa kanilang dalawa."Lahat"
"Talaga?!" Tili ni Aqui. Mariin akong napapikit.
"She's nosy, gusto niyang lagi siya ang nasusunod, madali siyang magtampo at magselos."
"Huh? Bakit parang hindi naman magaganda ang sinasabi mo Fabros." Mahina ang tawa nito dahil sa sinabi ng anak.
"Di ko alam. Basta ang alam ko, ayaw ko siyang mawala."
"Hmm? Pero bakit wala ka ng matagal? Bakit ngayon ka lang?" Gusto ko man silang balingan ay tiniis ko ang sarili.
"Dahil sa pagkakamali ko. Dahil hindi ako nag-ingat."
"Hindi ko naiintindihan pero ang mahalaga ay nandito ka na at hindi na aalis, diba?"
Dahil walang sagot si Fabros ay talagang bumaling na ako sa kanila. Naabutan ko itong yakap yakap sa bisig si Aquila at nakahalik sa noo ng anak.
"Mahal na mahal kita, kayo ng mama mo."
"I love you too Fabros." Yumakap na rin dito si Aquila.
"Masasaktan siya." Pagkatapos mapatulog si Aquila ay umalis si Fabros, sinundan ko ito at si Ad muna ang pinagbantay sa bata.
"Masasaktan at mabibigo siya kung itutuloy mo ang balak mong gawin."
Nakatalikod parin ito sa akin.
"I've been selfish. Alam kong masasaktan ang anak natin dahil sa hiniling kong lumayo ka sa amin. Fabros hindi ko kayang makitang nasasaktan siya kaya handa akong isantabi ang galit ko para sa kaniya."
Nanatili siyang nakatalikod.
"What will happen after the surgery?"
Ngayon ay bumaling na siya sa akin. Agad sumalubong ang mga mata niyang punong puno ng iba't ibang emosyon.
"She cannot afford to lose you. You told me na kapag tapos na ang operation aalis ka. What will happen to our daughter after you left?"
Iniwas niya ang mga mata. Tinagilid niya ang ulo upang itago ang luha na hindi naman nakawala sa paningin ko.
"Don't decide impulsively. Alam ko na kapakanan ni Aquila ang iniisip mo pero naisip mo na ba kung anong mangyayari kung bigla ka na lang aalis at mawawala ulit? Fabros nasanay na siya sayo, nasanay na siyang nandiyan ka."
"Kung aalis ka rin pala sana, sana dimo na pinaranas sa kaniya ang pagkakaroon ng ama." Iniwan ko siyang walang kibo. Pumasok na ako sa kwarto namin no Aqui. Alam ko na ako ang may gusto na umalis na siya ngunit pagkatapos kong iproseso ang mga sinabi niya, na realize ko na kailangan siya ni Aqui. Kailangan siya ng bata at siguradong masasaktan ito kapag nawala siya.
Mabilis lunipas ang mga araw. Nakuha namin ang result at gaya ng inaasahan, 99.9 ang porsyento na compatible silang dalawa. Hindi na hinayaan ni Fabros matapos ang isang Linggo at agad ng inayos ang mangyayaring operasyon.
"Pagkatapos nito magiging maayos ka na." Bulong ko kay Aquila na nakatulog matapos ma injection bago sumailalim sa operasyon.
Fabros is also with us. Nakahiga din ito sa bed katabi ng anak.
Nararamdaman ko ang titig nito sa akin. Nang hindi nakatiis ay tumingin narin ako sa kaniya.
"Bakit?" Tanong ko.
"I just want to look at you, I want you to be the last one I see with my eyes." Nag-iwas ako.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi pa rin niya ako binigyan ng sagot sa mga tanong ko kaya hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong nasa isipan niya.
He reached for my hand. I look at him.
"You are the best thing happened to my life." Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa.
"After six years, walang nagbago, ikaw parin."
Agad kong pinunasan ang mga luha na dumaloy sa mga mata ko. Tuluyang inacknowledge ang pangungulila sa kaniya. Akala ko ay wala ng pagmamahal ngunit nakatago lamang pala ito sa galit na matagal kong inalagaan.
Mabilis kong tinakpan ang mukha na puno ng luha gamit ang isang kamay na wala sa hawak niya.
Natatakot ako, natatakot ako sa pwedeng mangyari.
"Fabros." Ang munting nasabi ko, hindi na kayang magsalita dahil alam kong ano mang oras ay magsisimula narin ang paghikbi.
Ilang taon, ilang taon akong nagpakatatag, sa ilang taon na yon ni minsan hindi ko hinayaan ang sarili na umiyak at aminin na nasasaktan ako, nasasaktan parin ako.
Kinuha nito ang kamay ko na nakasapo sa aking mukha. Kinulong niya ito sa kamay na nakahawak din sa isa kong kamay, while his other hand cares my face, pinupunasan ang luha ko.
"Stop crying."
Hindi ko masabi na wag na siyang umalis, na manatili na lamang pero natatakot ako. Gusto kong sabihin na mahal ko parin siya hanggang ngayon ngunit hindi ko maibuka ang aking bibig.
Unti-unti niyang dinala sa labi ang mga kamay ko.
Dumating ang doctor, marahang niyang binitawan ang aking mga kamay. Lumayo narin ako dahil ano mang oras ay magsisimula na sila.
Nanatili kami sa labas ng silid ni Ad. Sabi ng doctor ay baka abutin ng 15 to 20 hours ang operasyon.
"Everything will be okay tita." Marahang tinapik ni Ad ang balikat ko. Hindi ko maitago ang kaba at takot.
"Thank you Ad." He smiled at me na ginantihan ko.
Nakatingin lamang ako sa orasan na nasa wall malapit sa amin, matiyagang naghihintay. Kada may lalabas na nurse ay napapatayo ako ngunit hindi nakakapag tanong dahil mabilis ang mga kilos nito.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa paghihintay. Nagising na lamang sa marahang pag-uga ng kung sino.
"The operation is successful. Maari na kayong pumasok sa loob." Mabilis akong tumayo, katulad ko ay nakatulog din si Ad at kagigising lang.
Sabay kaming pumasok sa loob. Natutulog parin si Aquila at may nakabalot sa mata nito. Tumulo ang luha ko. Sa wakas ay makakakita na siya.
Binaling ko ang paningin sa katabing bed ng anak. Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mga labi.
He's gone.
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)
RomanceSalve is a very simple, kind and cheerful woman who lives in the province of Estella Clarko. She likes kids that drive her to take Bachelor of Primary Education in college. She always loves their province which consists of 50% sea and 50% mountains...