CHAPTER 13:

968 29 5
                                    


"Hubby ang pogi mo lalo." I can't help but to compliment him, sobrang pogi sis, his wearing dark blue suit na katerno talaga ng gown ko.

"You're beautiful too." Pilit ko mang pinigil ang ngiti ay kumawala pa rin talaga.

"Thank you."

He reached for my hand.

"Let's go now, I don't want to be late." Iginaya ako nito papasok sa backseat ng kotse na sasakyan namin papunta sa event. Tumabi na rin siya agad sa akin.

"Hubby sila Mommy at Daddy nasa event din ba?" Although tumawag na sakin si mommy kanina para ipaalam na envited daw sila sa event, I still want to make sure.

"Yah." Kahit maikli lang ang naging sagot niyo ay masaya parin ako, syempre makakasama ko nanaman ang parents ko, sobrang miss ko na kasi sila.

"Sino sino ba ang nandon hobby? Marami bang malalaking personalidad?"

"Yes, all of the envited were top with their businesses. This event is very important." Tumango ako ng ilang beses.

"You need to behave when we are in there, stick to me."

"Okay hubby." He gave me a glance. Tila nagdududa ang tingin nito na ikinangiwi ko.

"Oo nga promise!" He tsked, ayaw talaga maniwala.

"Try your best not to ruin the party, understood?"

"Yes hubby, promise." He nodded his head. Tumingin naman ako sa bintana para eenjoy ang panggabing itsura ng siyudad.

PAGKARATING namin sa orphanage ay dumeretso na agad kami sa mismong paggaganapan ng event. Agad bumaling sa amin ang mga tao ng maglakad kami sa red carpet.

"Mr. Alcozar good evening." The man looked at me and smiled. "And good evening also, Mrs. Alcozar." I smiled back at him.

"Good evening too, Sir."

"Wife, this is Mr. Andrade, the CEO of Highlands 5 star hotel all over the world. "

"I'm so glad to meet you sir." I offered my hands to him na agad naman niyang kinuha. Napansin ko ang pa simpleng pagpisil pisil nito sa kamay ko.

"I think that's enough." Anas ni Fabros bago hatakin ang kamay ko palayo sa hawak ni Mr. Andrade, Mr. Andrade looks like in his mid 30 or something, pero muka itong matanda lamang ng ilang taon kay Fabros.

"Hahahah, forgive me for that." Wika nito, binigyan ko lang siya ng kiming ngiti.

"We need to go now, marami pa kaming kakausaping bisita." Paalam ni Fabros dito na tinanguan naman ng kausap.

Ng makalayo, hinawakan ni Fabros ang kamay kong hinawakan ni Mr. Andrade at pinunas sa gilid ng coat niya.

"Hubby bakit?" Takang tanong ko.

"You don't have to shake hands with the people in here, we are here to raise funds for the orphanage at hindi para magpakilala sa isa't isa." Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Pero ikaw ang host ng event diba? Asawa mo ako, a-ayaw mo ba akong ipakilala sa kanila?" May kung ano yatang pumiga sa puso ko.

"Damn, that's not what I mean, wife all of the people here knows you, huwag ka ng makipagkamay sa kanila, you don't know where they hold their hands last."

"Muka namang malinis…'

"You promised to behave." Natigil ko agad ang pagsasalita.

"Sige na nga."

Tinigil na nito ang pagpupunas sa kamay ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad ngunit may iilang bisita pa ang humarang sa amin. We are heading to the front of the stage where our table is assigned, which was placed in one corner of the orphanage's garden.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon