"Why are you smiling?" Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko.
"Wala lang." Sagot ko kay Fabros na nag dadrive ngayon papasok sa kompanya. Pagkatapos ko siyang alagaan kagabi, kaninang umaga ay maayos na ang lagay niya kaya nagdesisyong bumalik na sa trabaho.
"Stop staring at me will you?" Magaspang na anas nito, he is giving me a glance from time to time.
"Wala ka ba talagang naaalala?" Wika ko, agad ang pagkunot ng noo niya.
"Did you do something to me yesterday night?" May pagbabanta sa boses nito.
"Kapal mo, baka ikaw ang may ginawa sa akin." Mas lalong sumimangot ang mukha nito. I giggled because of that.
"Ang cute mo pala pag may sakit, you'll becoming so clingy, ayaw mo nga akong paalisin sa tabi mo kagabi eh."
"Stop talking, will you? I don't remember anything you're saying." Nagkibit balikat na lang ako at sinupil ang ngiti.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng makitang parang hindi naman kami papunta sa kompanya nito dahil iba ang dinadaanan namin.
"To the orphanage, I will check the preparation for the event." Halos tumalon ang puso ko sa tuwa. Sa wakas may ibang lugar na akong mapupuntahan bukod sa bahay at opisina.
"Bukas na nga pala yung event noh, basta isasama mo ako hah!"
"Tsk, wag matigas ang ulo mo at baka magbago ang isip ko." Maligaya akong tumango ng ilang ulit sa kaniya. I saw how his lips formed a small smile. Marunong din naman pala itong ngumiti.
NAKARATING kami sa orphanage, malaki ito ngunit bakas din ang pagkaluma, marahil dahil sa matagal ng panahon na nakatayo. Maganda pa rin naman ang establisyemento dahil halata namang naaalagaan.
"Malawak ang lugar, wag kang saan saan pupunta." Bilin ni Fabros ng makababa kami sa kotse, tila ito isang tatay na pinapangaralan ang anak, napaismid na lang ako.
Nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko, he pulled me inside the building.
"Mr. Alcozar." Bati ng isang ginang ng makapasok kami sa building. Agad nabuo ang kagalakan sa puso ko ng makita ang napakaraming bata, ngunit mabilis din ang pagdaloy ng kalungkutan sa akin ng mapagtantong ang mga batang nandito ay inabandona na ng kanilang mga magulang.
"Good morning Mrs. Ason." Bumaling ako sa matandang ginang at ngumiti. Ganon din siya sa akin.
"Magandang araw po, ako po si Adelle, asawa po ni Fabros." The ginang smiled widely at me. Inumang niya ang kaniyang kamay sa akin na agad ko namang kinuha.
"Ako si Ason ang tagapamahala dito sa orphanage."
"Kinagagalak ko po kayong makilala nay."
"Ako rin ija, matagal ko ng alam na may asawa itong si Mr. Alcozar ngunit ngayon ka lang naisama kaya ngayon lamang din kita nakita." Malawak akong ngumiti dito at inilibot ulit ang paningin ko sa mga bata.
"Mr. Alcozar samahan ko na po kayo sa garden kung saan po gaganapin ang event." Anas ni Nanay Ason, I looked at Fabros who's now intently looking at me.
"Pwede bang maiwan muna ako dito, gusto kong makipaglaro sa mga bata." He first narrowed his eyes on me. I gave him puppy eyes and a pout. Maawa ka please.
He hist. "Just don't go far, babalikan kita dito mamaya." Wika niya na ikinangiti ko.
"Sige." Binitawan na nito ang kamay ko.
"Bye hubby." Paalam ko bago tumakbo palapit sa kumpol ng mga bata na may kasamang babae.
"Hello." Agad na bati ko sa kanila. Tumayo ang babaeng kasama nila. She warmly smiled at me na ginantihan ko agad.
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)
RomanceSalve is a very simple, kind and cheerful woman who lives in the province of Estella Clarko. She likes kids that drive her to take Bachelor of Primary Education in college. She always loves their province which consists of 50% sea and 50% mountains...