CHAPTER 3:

1.1K 20 1
                                    

NAMANGHA ako ng makarating kami sa bahay. Malaki ito, tatlong palapag.

Napatingin ako kay Fabros nang lumabas ito ng kotse at nag tuloy tuloy sa loob. Wala sa sariling napatingin ako sa mga paa na hanggang ngayon ay may benda pa dahil sementado.

Wala ba itong balak tulungan ako?

"Ma'am."

May nagbukas ng kotse, isang lalaki at isang babae.

"Ma'am Adelle," Nakayuko silang parehas na tila ang pagtingin sa akin ay kasalanan.

"Ate at kuya, nandito po ako sa harapan niyo wala sa lapag."

Napabungisngis na lang ako ng gulat na gulat sila na nagtaas ng tingin sa akin. I smiled at them.

"M-ma'am tutulungan ka na po namin para makapasok ka na po sa loob."
Anas nung lalaki, Akmang hahawakan na ako nito ng umusog ako paatras.

"M-ma'am s-sorry po."

Ilang beses itong nag bow. Diko maiwasang kunutan ng noo.

"Hindi po kuya, okay lang po, ahmm gusto ko lang po sanang sabihin kung pwedeng pakitawag si Fabros para siya ang tumulong sa akin."

Ngayon naman ang babae ang gulat na gulat na napatingin sa akin.

"Pakisabi naman ate."

"S-sige po."

Umalis na ito, sumandal ako sa upuan habang naghihintay, samantalang na ka tayo lang sa gilid yung lalaki.

"Ilang taon kana kuya?"

Pag-uumpisa ko ng usapan sa pagitan namin.

"28 po ma'am"

"May asawa ka na kuya?"

Tanong ko ulit dito.

"W-wala pa po ma'am"

Tumango ulit ako.

"Ganon ba? Ako hindi ko alam kung ilang taon na ako hahaha."

"24 po ma'am."

"Talaga? Nakalimutan ko kasing itanong kila Mommy at Daddy hehehe. Mabait po ba ako dati, ano po ba ako dati."

Matagal itong hindi nagsalita.

"M-mabait naman po ma'am."

"Ibig sabihin hindi?"

Diko maiwasang malungkot. Kaya ba parang takot sila sa akin kanina.

"H-hindi po sa ganon ma'am."

Tinawanan ko na lang ito dahil dumating na ang pinakiusapan kong si ate.

"M-ma'am a-ayaw po ni sir eh. Kami na daw po ang bahala po sayo."

Bumigat ang pakiramdam ko.

"P-pakisabi po ate na hindi ako aalis dito kung hindi po siya ang tutulong sa akin."

"S-sige po."

"Magkaaway ba kami ni Fabros kuya bago ako maaksidente?"

Iyon talaga ang pinaka gumugulo sa isip ko. Bakit ang lamig niya akong itrato, hindi naman ganun ang mga mag-asawang nakikita ko sa hospital.

"H-hindi naman po ma'am."

"Bakit kaya ganun sya sa akin?"

Hindi ito sumagot, marahil hindi rin niya alam ang dahilan.

Maya maya ay bumalik si ate. Napansin ko ang bakas ng luha sa mga mata nito.

"A-ate bakit po?"

"M-ma'am kami na lang po ang tutulong po sa inyo, b-busy po kasi si sir."

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon