Ayaw kong palabasin sa kwarto si Aquila lalo na at nasa sala pa rin si Fabros, hindi ko alam kung bakit doon ito nagtatrabaho dahil sa pagkakaalala ko mas gusto nitong sa office o library ng bahay asikasuhin ang ginagawa niya. Para maiwasan ang pagsasama nila ng anak ko ay pinagbasa ko muna si Aquila, tutal ay mahilig naman siya doon.
Nasa kusina ako ng pumasok ng bahay si Ad, diretso ito sa akin at ni hindi bumaling sa taong nakaupo sa sofa.
"Hi ma, asan si Aquila?" Nagulat ako sa tinawag nito sa akin.
"Nasa kwarto." Turo ko sa silid, agad itong pumasok sa sarili niyang kwarto, natanaw ko ang pagsunod ng tingin ni Fabros dito. Sumunod ako kay Ad sa kwarto niya.
Isinarado ko ang pinto. Nakaupo ito sa kama.
"Ad." I walk towards him.
"Ad."
"Bakit kailangan na nandito siya?" Umupo ako sa tabi nito. Hinawakan ko ang nakakuyom niyang mga kamay, pinagpatong ko ito at kinulong sa mga kamay ko. Naiintindihan ko kung bakit ito galit ngayon kahit napag-usapan na namin ang pagparito ni Fabros.
"H-he ruined your life, ourlives." Mariin niyang anas.
"Ad." Tumitig siya sa akin, nakita ko ang paggilid ng kaniyang luha.
"How can you be this cruel to yourself? Paano mo siya nagagawang makasama pa, tinaboy ka niya noon, hindi ka niya naprotektahan, he's one of the reason why Aquila is now suffering of being not able to see anything aside from darkness."
Agad kong pinunasan ang luha ko na nauna pang tumulo kaysa sa sakanya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin.
"Ad hindi ako nakakalimot, lahat ng galit at sakit ay nandito pa." Tinuro ko ang banda kung nasaan ang aking puso. "..ngunit kung papairalin ko iyon, hinding hindi na ako makakabangon sa nakaraan. Gustong gusto kong gumanti, kunin ang hustisya para sa buhay natin na sinira nila pero hindi ko kaya, walang walang tayo, at mas gusto kong unahin ang pag-iipon para sa pagpapagamot ni Aquila."
"K-kung pwede lang, kung kaya ko lang sana." Bulong ko, hindi na kayang tapusin ang gustong sabihin dahil sa pagbabara ng kung ano sa aking lalamunan at pagbigat ng kalooban.
Ang sakit pa rin, kahit anong pilit kong itago at ibaon ang lahat sa limot ay hindi ko magawa. Bangungot sa akin ang lahat, wala naman akong ginawang masama ngunit naranasan ko ang mga bagay na alam kong hindi ko dapat maranasan. Gusto kong manumbat, sa tuwing nakikita ko ang kalagayan ng aking anak, gusto kong maghiganti at saktan ng doble ang sumira ng buhay niya pero wala akong kakayahan, ang sakit sakit na ni hindi ko makuha ang hustisya para sa anak.
"Sorry Ad, k-kung may magagawa lang sana ako, kung kaya ko lang sana."
"From now own, tatawagin na kitang mama, he knows that I don't want to call you that before, ayoko na makilala niya tayo, ayoko na maging parte pa siya ng buhay natin kahit sa anong aspeto." Sunod-sunod akong tumango sa gusto niyang mangyari.
Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na rin ako upang ipagpatuloy ang pagluluto. Nasa dating pwesto pa rin niya si Fabros.
"Your son?" Napatigil ako sa paglalagay ng rekados sa niluluto dahil sa tanong niya.
"Oo." Maikling sagot ko.
"How old is he? Where is your husband?"
"13, patay na." Iyon naman din talaga ang alam ng lahat na patay na ang asawa ko, ang tatay ni Aquila, si Esme lang ang nakakaalam na buhay pa ito ngunit hindi ko naikwento sa kaniya ang parte tungkol dito dahil ayoko na ngang balikan ang kahit anong konektado si Fabros.
Hindi na ito nagtanong muli na lihim kong pinagpapasalamat. Pagkatapos ng sinabi ni Adriel tila ako natauhan. Kakausapin ko si ate Lordes bukas, sasabihin kong lilipat kami ng titirhan dahil hindi ako kumportable na may kasamang ibang tao sa bahay.
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)
RomanceSalve is a very simple, kind and cheerful woman who lives in the province of Estella Clarko. She likes kids that drive her to take Bachelor of Primary Education in college. She always loves their province which consists of 50% sea and 50% mountains...