Chapter 39:

725 13 0
                                    

"Happy Birthday, baby."

Nasundan ko na lamang ng tingin ang aking anak na binuhat ni Fabros. Nakaupo na ito sa kaniyang bed, ang mga paa ay nasa sahig.

"Sorry if Papa made you cry. It's so childish of me."
Kinalong nito ang anak, at mahigpit na yinakap.

"D-do you remember me now?"
Nagsumuksik si Aquilla leeg ng kaniyang ama, mas humigpit ang yakap ni Fabros dito.

"I never forget about you baby. Makakalimutan ko lahat pero hindi kayo." Tumingin sa akin si Fabros hindi ko alam kung ano ang expression na pinapakita ko ngayon. Hinatak niya ako palapit sa kaniya at mahigpit na yinakap. Tila naman nabato ako sa kinakatayuan.

"I love you so much baby. Mahal na mahal kita. I'm sorry."

Nang matauhan ay agad akong bumitaw sa kaniya at malakas siyang sinampal.

"Ma'am!" Sigaw ng mga nurses.

"Mama?" Gulat na anas ni Aqui, di makapaniwala sa ginawa ko sa kaniyang kagigising na ama.

Bumuhos ang panibagong luha sa aking mga mata. Ngayon ay halo halo na aking nararamdaman.

Nakangiting bumaling sa akin si Fabros.

"I'm sorry baby. Please?" Hinatak niya akong muli at ikinulong sa kaniyang braso. Paulit ulit na hinagkan ang aking pisngi.

"Sorry, please."

"Bakit mo yun ginawa!"

"I just want to surprise you. Please forgive, I didn't mean to hurt you wife."

"Bitawan mo ako!" Pumiglas ako ngunit marahan lamang. Ayaw rin makalas sa kaniyang yakap. Siguro nga ay bobo talaga ako.

"No way. I love you so much." Naramdaman ko ang isang malamig na bagay na isinuot niya sa aking daliri.

"I no longer want to spend my life surviving. Please marry me, please love me and promise to never leave me."

"Ayoko."

"Kumain ka na." Inilapag ko sa bed table niya ang kaniyang pagkain. Mamaya ay makakauwi na kami.

"Wife" Marahang tawag niya, tila tinatansiya ang magiging reaksyon ko. Masamang tingin ang binaling ko sa kaniya.

"Ano?" Umamo pa ang mukha niya.

"Still mad? Sorry baby, Hindi na yon mauulit. Please?"
Inirapan ko siya at pumunta na sa sofa malapit lang din sa bed niya. Nakasunod ang tingin nito sa akin.

"Sorry please?" That's what you get.

"I didn't mean to hurt you. Please marry me?" Tumingin ako sa aking daliri kung nasaan ang singsing. Nandon iyon ngunit hindi ako pumayag na pakasal pa sa kaniya. Hindi magandang biro ang ginawa niya.

"Di naman kita boyfriend paano kita papakasalan?"

"You want me to court you?" May paglalaro sa tinig niya kaya isang masamang tingin nanaman ang binigay ko dito.

"Just kidding, of course I will court you baby, for the rest of my life. Pakasalan mo lang ako." Umirap ako.

"Please?"

"Kumain ka na Fabros at wag kang maligalig."
Dahan dahan siyang kumain pero ang mga mata ay nasa akin parin. Wala ang mga bata at nasa school, pagdating nila ay lalabas na rin kami ng hospital.

"Salve." Tumingin ako sa kaniya. Tapos na ito. Tumayo ako at inayos ang pinagkainan niya.

Aalis na sana ako para maayos ang mga pinagkainan ng hawakan niya ang braso ko. Seryoso ang mga mata nito.

INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon