NANG tumuntong ang oras ng alas-nwebe ay lumabas na ako sa kwarto ni Fabros. Hindi na naman ito tumupad sa napag-usapan namin. Hindi ko alam pero may umusbong na inis sa kalooban ko at pagkadismaya.
Pumasok ako sa sariling silid at doon nagkulong. Marami kaming napapanood ni ate Anna na mag-asawa sa telebisyon ngunit kahit saang parte ko talaga tingnan ay ibang iba talaga kaming dalawa ni Fabros. Gusto kong maging katulad kami ng mga nasa palabas kasi parang ang saya saya ngunit parang ayaw naman ata ni Fabros ng ganon.
"ATE Anna umuwi po ba si Fabros?" Tanong ko ng makaupo sa hapag. Inaayos nito ang pagkain kasama pa ng iba naming kasambahay.
"H-hindi po ma'am." Mas bumigat ang pakiramdam ko. Ewan kung bakit nakakaramdam ako ng ganitong pakiramdam kahit wala naman akong na aalala tungkol sa kanya. Parang matinding pangungulila sa kung kanino at saan. Hindi ko maiwasang malungkot.
"Talaga po bang ganon na si Fabros dati pa?" Tanong ko ulit dito pagkatapos ko silang paupuin sa harap ko sa hapag, sabay sabay kaming kumakain dahil yun ang gusto ko, nung una ayaw nila at nagmamatigas ngunit napilit ko rin naman sila kalaunan. Apat na kami ngayon sa hapag.
"Opo ma'am, k-kayo rin po dati ma'am madalas wala po sa bahay."
"Po? Saan naman po ako nagpupunta kapag ganon?" Nagtinginan silang tatlo.
"Sa bar ma'am." Sagot ni ate Anna. Bar? Siguro masaya doon kaya lagi akong nandon?
"Punta kaya tayo ate?" Excited na wika ko, fully healed naman na ang mga paa ko kaya tingin ko naman ay pwede na. Saka matagal na akong nababagot, ni hindi pa ako nakaka-labas ng bahay.
"Pero po…"
"Sige na ate, punta tayo mamaya."
Nagtinginan ulit silang tatlo."Tayong apat punta tayo." Ng makita nila ang excitement sa akin ay wala na silang nagagagawang tumango.
"ANG ganda pala ng mata mo ma'am." Sabi ni ate Isay ang nag aayos sa akin, hindi ko alam na kailangan pala mag-ayos at magsuot ng magandang damit kapag pupunta sa bar.
Napatitig ako sa salamin na nasa harap namin, I can see how my brown eyes turned to yellowish ng matapatan ng ilaw.
"Kailangan po ba talaga na ganito ang suot?" Sila ang pumili ng dress na pina-suot sa akin sa closet ko. Dark blue ito na sleeveless, backless at gagahita lang ang haba. For some reason I'm not comfortable with the dress and how it hugs my body.
"Ma'am mga ganyang style po talaga ang suot niyo kapag pupunta sa bar, saka po wala naman na pong mas conservative pa diyan na damit sa closet niyo." Kahit naiilang ay tumango na lang ako.
"Tara na po." Aya ko sa kanila, sabi nila gabi lang daw nagbubukas ang mga bar kaya 7 namin napagdesisyunan na pumunta.
Pababa kami ng hagdan ng biglang pumasok si Fabros sa pintuan ng bahay. He is wearing a black suit and he has a suitcase on his right hand. Sabay sabay kaming napahinto sa paglakad.
Like the usual, wala na naman itong emosyon at reaksyon kung hindi ang ka seryosohan.
Bumaba na ako at sinalubong siya. I don't know what to say and how to approach him, medyo nagulat ako dahil maaga siya ngayon.
Dapat ba akong magpa-alam or hindi na kasi mukhang hindi naman siya interesadong malaman. Kahit nagtatalo pa ang isip ay ngumiti na ako sa kanya.
"Pupunta kaming bar, bakit maaga ka?"
Tanong ko, he studied my body bago binalik ang tingin sa mga mata ko."I finished my work early today." Tumango tango ako, wala nang masabi.
"Sige alis na kami."
"No." Matigas niyang anas kaya napatigil ako.
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)
RomanceSalve is a very simple, kind and cheerful woman who lives in the province of Estella Clarko. She likes kids that drive her to take Bachelor of Primary Education in college. She always loves their province which consists of 50% sea and 50% mountains...