"Bakit ganiyan ka makatingin?"
May bahid ng pagkainis na tanong ko. Nasa sala kami ngayon at nanononood ng telebisyon. Kung hindi ko lang paborito ang palabas sa TV ay hindi talaga ako magta-tiyaga na makasama siya dito.
Ngumisi lamang ito bago ibalik ang tingin sa anak kong nakatulog na sa braso niya.
"Ipasok mo na si Aqui sa loob ng kwarto." Utos ko, kanina pa kasi nakakarga sa kaniya ang bata, wala naman akong pakealam kung mangawit siya, parang nahihirapan kasi ang anak ko sa pwesto niya.
"Later." Umirap na lang ako bago ibalik ang mga mata sa TV.
Parehas kaming napabaling sa pinto ng bumukas ito.
"Ad!" Agad akong napatayo ng nakita ang kalagayan nito. Madungis ang suot na puting polo at may galos sa mukha.
Pagkatapos tumungin sa akin at bumaling ang mga mata nito kila Fabros, nakataas ang kilay ng huli, habang wala namang reaksiyon si Adriel.
Lumapit ako dito upang mas makita ang itsura niya. Hindi lang pala sa mukha ang galos, maging sa mga braso niya, ang kamao ay may mga sugat din.
"Anong nangyari sayo? Alasyete na, kanina ka pa dapat nakauwi, tapos pag-uwi mo ganiyan pa! Sino na naman ang naka away mo?"
"Ma okay lang po ako. Pasok na po ako sa silid ko."
Wala na akong nagawa ng umalis ito sa harapan ko at pumasok sa kwarto niya.
"Don't worry too much. That's a normal thing for a boy. "
Galit ang mga matang bumaling ako kay Fabros.
"What normal thing na sinasabi mo?!"
"Engaged into a fight."
"Sayo normal pero para sakin na nanay hindi. Bakit pa nga ba ako magtataka diba, sa sama ng ugali mo. Saka wag kang nagsasalita ng ganiyan dahil hindi ka naman magulang!"
Hinigitan ng galit nito ang galit na pinapakita ko sa kaniya. Mabilis ang kilos niya sa pagtayo, tila hindi hadlang ang bata sa bisig. Halos mapaatras ako ng mabibigat ang hakbang na lumapit ito sa akin.
"I'm not a parent? You're not sure with what you are talking about because last time I checked, I've planted mine... " Napahawak ako sa tiyan ko ng magtagal ang titig niya doon.. Nakangisi na ito ng binalik ang paningin sa mukha ko. Doble ang naging pagtibok ng puso ko. Kabado sa susunod niyang sasabihin.
"Ipapasok ko na ang bata sa kwarto. I bought first aid kit. Give me a minute, kukunin ko pagkahiga ko kay Aquilla."
Ng makapasok ito sa silid namin ng anak ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Diko alam kung konektado ba sa amin ang sinabi nito, sana lang hindi.
Hindi nito isinara ang silid kaya ng bumaling ako sa kanila ni Aquilla, nakita ko kung paano niya hinalikan sa noo ang anak ko. Mariin akong pumikit.
"Let's go to my room."
Nagmulat ako. Nakataas ang kilay nito tila nagtataka sa naabutan sa akin."M-mag hihintay na lang ako dito." Tumango siya bago ako iwan at pumasok sa sariling silid.
Hindi din naman siya nagtagal. Inabot niya sakin ang kit.
"Magtatrabaho na ako. Call me if there's a problem. "
"Bakit ko naman gagawin yun? I can handle my own issues di kita kailangan."
Iritasyon ang bumalot sa mga mata niya at walang sabi sabing tumalikod sa akin.
"Kapal." Bulalas ko ng mabigat nitong sinara ang pintuan ng sariling silid.
BINABASA MO ANG
INNOCENT SEDUCTION SERIES #2 (Fabros and Salve)
RomanceSalve is a very simple, kind and cheerful woman who lives in the province of Estella Clarko. She likes kids that drive her to take Bachelor of Primary Education in college. She always loves their province which consists of 50% sea and 50% mountains...