4

556 38 2
                                    

Anthon's POV

Bumalik nalang muna ako ng opisina total hanggat ginagamit ni Rose ang card ni Arthur ay malalaman parin naman namin ang location niya.

Pinag-aaralan ko ang location ng propose resort na nasa screen ng laptop ko, this is inline with the PhilCon corp. na pinapangasiwaan ko din pansamantala mula noong maaksidente si Rose ng tumawag na naman ang kapatid ko.

"Kuya, wag mo akong sisisihin kung malaki ang gastos ko ngayon dahil hindi lang ako ang gumagamit ng card ko." agad nitong sabi.

"Bakit?"

"Namili ulit si Ate Rose. Hindi ko alam na mahilig din pala siya sa bigbikes, with S yun kuya dahil tatlo binili niya, tatlo kuya."

"Anong paggagamitan niya?" naitanong ko naman at napahilot nalang sa batok at nanakit yata.

Tatlong bigbike, magkano kaya iyon? Si Rose ang nag-iisang anak ng Gutierrez pero hindi ito gastador ng wala lang.

"Ah kuya baka pwede kong hingin ang isa?"

"Sige at ibibinta ko ang mga motor mo sa bahay."

"Uy! Wag yon. Ay kuya tika andito siya."

Arthur does not end up the call.

"Kuya." narinig kung tinig iyon ni Rose.

"Ate Rose, maupo ka muna." si Arthur yun.

"Salamat....ito nga pala card mo....medyo napalaki ang gastos ko....bayaran nalang kita pagnakuha ko na pera ko. Sinabi ba ng lalaking yun sayo na Rose ang pangalan ko?"

"Ha? I'm Arthur. Marunong ka palang mag-motor."

"Iniiba mo naman ang usapan. Madeline ang pangalan ko, sa wakas ay nakapag-renew narin ako ng driver's license ko, see?"

"Ma-madeline Reyes, Madeline Reyes nga ang pangalan mo."

"Ngayon naniniwala ka na? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang daming tumatawag sa akin na Rose, doon kanina sa mall kala nila bibili ako ng dresses, sandals and other girly staff, grabe ako talaga? Kanina doon sa inuwian kong condo, yung Rose din daw ang may-ari non. Yaman pala ng rose na iyon no, siya pala ang may-ari at ng CEO ng PhilCon? Kaya naman pala hindi magkamayaw ang mga taong nakakakilala sa kanya pagnakikita ako." nahihimigan ko ang pagkainis at mangha sa tinig nito.

"Ang astig mo nga ngayon."

"Kilala mo ba ang Rose na iyon?"

"Ah oo."

"Sino bang maganda? Ako o yang Rose na yon?"

"Syempre naman ikaw!" tas narinig ko ang pag-apir ng dalawa.

"Yan ang gusto ko sayo eh, magkakasundo talaga tayo." dati pa man ay magkasundo na talaga ang dalawa kaya hindi na ako nagtataka. "Siya nga pala, itong motor na sinakyan ko ay regalo ko sayo bilang pasasalamat."

"Pero pera ko naman ang pinambili mo dyan."

"Ano ka ba? Babayaran nga kita sa lahat ng nagastos ko pagnakuha ko pera ko."

"Kung ganoon ay salamat, saan ka kukuha naman ng pera?"

"Inipon ko yun noon, I had live a life by command and order. Ngayong nakalaya na ako ay gagawin ko na lahat ng mga gusto kong gawin. I know my days of freedom are counted, pero uubusin ko iyon para gawin ang hindi ko nagawa noon."

"Gaya ng?"

"Gaya ng maglaro....tulad ng mga bata na nasa park na walang inaalalang pinaglalaban para sa kinabukasan ng bansa....gaya ng mga teen agers na mga iyon na nauubos lang ang oras kaharap ang cellphone, gaya nila na ginagawa lang kung ano ang makakapagpasaya sa kanila."

Mysterious WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon