Ivy's POV
Halos isang oras din ang lumipas bago dumating ang rider. Dito na kami sa labas ng bahay kakain, dito naman ang may table tas may ilaw din naman.
"Jollibee jollibee jollibee...." kanta ni captain habang inilalabas namin sa paper bag ang ini-order at inilagay namin yun sa table. "Love ko 'to...."
"Lets eat na." sabi ko at naupo na kaharap si Anthon.
Si captain naman ay nasa isa pang side ng table.
Its a jollibee spaghetti, chicken joy, two rice each, and coke.
"Tika lang parang kulang," may hinahanap si captain sa table at sa paper bag. "Wala yatang sandie?"
"Bukas pa yun, saturday palang eh." wika naman ni Anthon at nagtawanan sila kaya tumawa nalang din ako. Sa tingin ko ay magkasing gulang lang ang dalawang ito na pariho din ng pangangatawan.
Sumubo naman na ako tas may naalala kaya agad nalang nilunok.
"Ahm....captain," napatingin sa akin si captain, nakakagat ito sa joy.
Chicken joy.
"Kung si 13 ay nalipat sa philippine military at si z16 ay may bana na, kamusta naman po kayo?"
"I became spy in the underground." napainom ito ng coke na parang nahirapan lunukin ang kinakain.
"I remember our team was the top performing and you're the best captain the ivies department ever had, becoming spy is not bad at all."
Bigla naman akong binatukan nito.
"Anong not bad? Kung hindi dahil sayo malamang general na ako ngayon!" hay! Lahat nalang ng kamalasan nila sa buhay sinisisi sa akin. "Anong plano mo ngayon?"
"Matutong magitara," sagot ko.
"Tapos?" si Anthon ang nagtanong na parang Genie na nakahandang isakatuparan lahat ng pangarap ko sa isang kisap mata lang.
"Ah....gusto kong tumalon sa buildings, bridges, aircraft, slide on rope—"
"Lagi mo naman yung ginagawa, walang bago doon." sabat ni captain.
"Captain, ginagawa ko lahat ng iyon ng tahimik lang kaya gusto kong gawin yun ng sumisigaw." pangungumbinsi ko dito.
"How about us?" Anthon ask in a hard tone.
"What about us?" balik tanong ko naman dito. Di ko kasi gets.
Ang sama makatingin nito. Tumayo ito at iniwan kami dala ang pagkain nito at coke, pumasok siya sa loob ng bahay tas lumabas din papunta sa dagat.
"Anong problema non?" tanong ko naman.
Tahimik nalang kaming kumain ni captain.
____
Maagang nakatulog si captain. Ako naman ay nandito parin sa labas nakahiga na sa misa na kinainan naman kanina. Mabuti nalang talaga na kahit out of service pa itong resort ay may mga kagamitan parin dito gaya ng inuunan ko ngayon na hindi na dinala ng dating may ari.
Ayun kay Anthon ay ang PhilCon corporation daw ang bagong may-ari at pinapatayuan ngayon ng hotel. I wonder how my life be when I was Rose, the CEO of PhilCon with a husband and two kids.
If I wasn't just Ivy but a atleast a seductress Rose, this might be easy for me to handle. Masyado ng maraming nalalaman si Anthon, any minute the city will wipe him and take the kids.
Tika, kanina pa palang umalis yun, bakit hindi pa bumabalik.
Bumangon na lamang ako at pumunta narin sa dalampasigan na kahit medyo malalaki ang alon ay parang napakapayapa nitong pakinggan.
BINABASA MO ANG
Mysterious Wife
Aksiwhen a human weapon woke up from a coma and found her self with a husband and two kids. ____________________ Ivy B25 is my code name, my name is...I have alot of that. I was in a scape then woke up at the hospital and found out that I have a husband...