Dedicated to my beloved cousin, wala lang naalala ko lang kita. See you soon Ynaloves! (Chareng, may nickname na naman ako sa'yo)
————
ELLA's POV
"Ella! Ella, apo!"
Kinusot-kusot ko pa yung mata ko, "Bakit po la?"
"Aba'y bumangon ka na diyan! May naghihintay sa'yo sa baba."
"Po? Sino naman?" Walang gana kong tanong. Inaantok pa ako, ang aga naman ng bisita.
"Naku apo, yung boyfriend mo!"
Agad akong napatayo sa higaan. Patay, bakit hindi sinabi ni Francis na susunduin niya ako? Nakakahiya naman, ang tagal kong nagising.
Pumasok na ako sa banyo at naligo, pagkatapos nagbihis at nagdry ng buhok tsaka binun ko ito.
Agad agad naman akong bumaba. Pagdating ko sa kusina, nandoon nga si Francis. Nakapwesto na sa hapag kainan kasama sina lolo, lola, at Kate. Wow, pinanindigan niya talaga yung "welcome to the family" nila lolo at lola ah?
Take note, sarcastic 'yun.
"Oh, andito ka na pala apo. Now, let's eat?" Ani lola.
Tumango naman ako tsaka nagtungo sa tabi ni Kate. Nakita ko naman sumimangot si Francis.
"Ate, dun ka tumabi kay kuya gwapo!" Tsaka tinuro niya yung katabing upuan ni Francis.
Wala akong choice, kaya tumayo ako at tumabi kay Francis. Ayaw ko patulan ang may PMS. Lalo na't maldita na 'yan noon pa, kaya MAS MALDITA kapag may PMS.
Simple akong kumain kahit feel kong may nanonood saakin na sumubo.
Eh, sino pa ba? Alam niyo na kung sino siya.
Nang matapos akong kumain tumayo kaagad ako, "Alis napo kami lo,la, Kate." Paalam ko.
"Sige, mag-ingat apo ah?" Ani lola.
Tumango naman ako.
"Ingatan mo 'yang Ella ko, iho. Nag-iisa lang 'yan." Ani lolo kay Francis.
Tumango naman ito, "Oo naman po."
Bigla namang nagsalita si Kate, "Eh, ako lolo? Andito pa naman ako ah?"
"Napaka-selosa mo talaga Kate." Yun lamang ang sinabi ni lolo kay padabog na tumayo si Kate at kinuha yung gamit niya.
Napatawa naman kami ni Francis habang naglalakad papunta sa sasakyan niya.
"Your sister is so cute." Aniya nang makaupo na siya sa driver's seat.
"Ayun cute? Ha ha ha." Fake laugh ko.
Napalingon naman siya kaagad saakin, "Ikaw, ang hard mo sa sister mo." Aniya.
"Hay, nako. Ewan ko sa'yo."
Napatingin naman ako sa cellphone ko. Hmm, this moment is one of the memories kaya makikipagselfie ako sakanya.
Siniko ko naman siya, "Uy, selfie tayo."
"Sure." Tsaka ngumiti siya saakin, hindi sa camera. Yieee!
Pinwesto ko naman sa tamang angle yung IPhone 5c ko tsaka nagpose kami ng smiley face. Tinanaw namin yung picture.
"Isa pa." Aniya.
Pinwesto ko naman ulit at nagwacky kami.
Dun lang ako natauhan na may pasok pa pala kami...
Tinapik ko naman siya agad, "Uy, may pasok pa tayo!"
Natauhan rin naman siya kaagad, "Oo nga! Malapit kong makalimutan!" Tsaka agad niyang pinaandar yung sasakyan.
~~~~
"Salamat naman at tapos na ako sa love poem na ito!" Malayang sigaw ni Joy na parang nawala lahat ng pasan niya na problema.
"Ikaw, Ella? Natapos naba yung love poem mo para sa recitals?" Tanong ni Tina saakin nang naglalakad kami patungo sa canteen. Tumango naman ako at ngumiti si Tina.
Yup, sumasabay na si Tina saamin. Bale, parang siya yung pumalit kay Sab sa barkada namin. Pero, we still love Sab so much na to the point iiyak nalang kami minsan kapag pinag-uusapan namin siya.
"Speaking of love poem..." Sabi ni Arcelie. "Ano yung selfie niyo ni Francis kanina sa insta? At... sabay pa kayong makarating."
"Sabihin mo nga... Kayo naba ni Francis?" Usisa ni Joy kaya mas lumapit pa sila saakin. Well, except for Mich kasi alam na niya.
Gulp.
Sasabihin ko na ba? Arg, bahala na nga si spiderman.
"Oo, kami na." Sabi ng pamilyar na boses sa likod ko.
Alam niyo na kung sino, alam niyo na.
Napalaki naman yung mata ni Tina, Joy, at Arcelie.
"Talaga?!" Sigaw ni Arcelie.
"Omg." Reaksyon ni Joy na gulat na gulat.
"Congrats sainyo insan." Simpleng sabi ni Tina.
Napangiti naman ako sa reaksyon ni Tin— WAIT? Insan?!
"Magpinsan kayo?!" Sabay na sabi namin ni Mich at ang kambal.
Tumango naman silang dalawa, "Oo eh." Ani Tina.
"Bakit hindi niyo sinabi?" Tanong ni Joy.
"Kailangan pabang sabihin?" Tanong ni Tina pabalik.
"Yes girl! You should!" Ani Mich.
Nagpeace sign naman siya, "Sorry, promise sasabihin ko na ang lahat ng kailangan sabihin sa susunod." Assure ni Tina saamin.
Tumango naman kami.
"So, what are you doing here?" Tanong ko kay Francis.
"Uh, susunduin ka?" Aniya
"Bakit naman?" Lito kong tanong.
"Because I'm your boyfriend and we'll have lunch together?" Aniya.
"Eh, sila? Iiwan ko?" Tanong ko.
Tumango siya, "Okay lang naman, right girls?"
"Yup!"
"Talaga ah?" Tanong ko sakanilang apat.
"Yup!"
"So, we'll go ahead?" Aya ni Francis saakin.
Tumango naman ako tsaka pumunta na kami sa pupuntahan namin. Which is sa rooftop kasi naghanda siya ng lunch namin doon.
Kinilig naman ako doon.
~~~~
Habang naglalakad ako papuntang parking lot kasi andun si Francis at uuwi na kami bigla akong sinalubong ni Jane, isa sa mga circle of friends ni Hope.
"Ella right?" Aniya.
"Yes, bakit?"
"Pinapatawag ka ni ma'am Jaresan. Pumunta ka daw ng gym." Aniya.
Ay, pinapatawag na naman ako ni ma'am? Ang suki ko na talaga kay ma'am Jaresan ngayon. Siguro may ipapabigay na naman ito sa kapitbahay naming si Benjie. Gay friend niya iyon eh, at ako ang tagapagbigay niya kasi magkapitbahay lang kami.
"Sige, pupunta na ako." Tsaka umalis na ako sa harapan niya.
Tinext ko muna si Francis.
To: Francis Rivera
Uy, susunod lang ako. Pinapatawag pa kasi ako ni ma'am Jaresan sa gym eh... May ipapabigay siguro sa kapitbahay namin. Susunod lang talaga ako, promise.
*Sent: 04:58pm
BINABASA MO ANG
Crazier (ON HIATUS)
FanfictionLove always have challenges. It has many reasons why you often meet those challenges, to make your relationship stronger. If you cannot complete these challenges, then, you two are just not meant to be. Ella Dianne Garcia is a typical high school st...