Grabe! Sumikip din yung dibdib ko sa pagsusulat nito! Naku, apo!
---------
ELLA's POV
"Ano yun Francis?" Tanong ko sakanya, ang bilis ng tibok ng puso ko
"Magpapatulong sana ako." Mahinahon niyang sabi
"A-ano yun?" Naku, pinagkakaba mo ako Francis! Ano ba kasi 'yon?
"Magpapatulong sana ako, may liligawan kasi ako." Aniya na diretso lang na nakatingin
Nabasag yung puso ko, naiiyak ako. Ano ang gagawin ko?
"L-liligawan?" Naiiyak, nauutal kong sabi
"Oo El, tulungan mo ako." Aniya
"S-sino?" Sabi ko at tumulo ang luha ko, pinunasan ko naman ito ulit, buti nalang nakatingin parin siya ng diretso
"S-si H-hope." Hope? Hope Valdez? Yung maganda? Wala na talaga akong panlaban dito..
Pinunasan ko ang panghuling luha na tumulo at umayos, "Ah, ganun ba? Sige tutulungan kita. Btw, congrats in advance! Siguradong makukuha mo siya, promise!" Sabi ko at ngumiting peke
"T-talaga? S-salamat ah?" Aniya
"No problem." Sabi ko at umalis na ayoko na dito, baka mabulgar ko nang wala sa oras ang feelings ko
"T-teka El." Aniya at pinigilan ako
Nilingon ko siya, buti nalang hindi na ako umiiyak. "Oh bakit?"
"Ah, hihingin ko sana ang number mo." He paused. "Kung pwede?" Then he smiled and handed me his phone
"Oh, sure." Tsaka inabot yung cellphone niya at pinindot yung number ko, "Oh, ayan. Una na ako ah?" Sabi ko at tuluyan nang umalis, di ko na hinintay ang sagot niya.
Basta narinig ko lang nang malayo na ako ay sinigaw niya ang pangalan ko. Kasabay din roon ang pagbuhos ng malakas na ulan.
~~~~
Nagkulong ako sa kwarto ko, nakita ako ni lolo at lola kanina at sinabi ko sakanya lahat. Kinausap rin nila ako at nagbigay sila ng advice pero umalis din sila kasi kailangan ko daw mapag-isa.
Ang sakit, naman nito.. Ayan, tumulo na naman ang luha ko.
"Bes?" May biglang kumatok sa kwarto ko, si Sab.
"Bes, andito kami ni Mich. Pwede bang pumasok?" Aniya at kumatok muli
Tumayo ako at pinagbuksan sila ng pinto, I really damn need a shoulder to cry on today. Pagkakita ko palang sakanila, niyakap nila ako ng mahigpit.
"Ano ba kasi ang nangyari cou'z?" Tanong ni Mich at pinaupo ako ni Sab.
"Eh kasi..." Malumanay kong sagot. "Si Francis kasi, nagpapatulong siya saakin na manligaw." Sabi ko at umiyak na
"Sshhh.." Ani Mich sabay hagod sa likod ko
"Sino ba yung liligawan niya?" Tanong ni Sab
"Si Hope, Hope Valdez." Sabay landas ulit ng luha ko sa pisngi ko, "Bakit? Ano ba yung problema saakin? Bakit di niya ako nagugustuhan? Hindi sa nagyayabang pero, damn! Halatang halata na yung feelings ko para sakanya! Ano siya? Bulag? Na para hindi niya makita yung feelings ko?" Frustrated kong sinabi. Pinunasan ko ang luha ko nang parang galit. "Nakakainis rin kasi siya, pinapaasa niya ako. Pero ang saklap is, alam niya bang madali lang akong umasa? Alam niya bang madali lang ako ma-fall? Hindi! Kaya, ganyan, pinapaasa niya ako! K-kung alam niya lang!" Humagulgol na ako pagkatapos kong bitawan ang mga salitang iyon.
Inakap naman kaagad ako ni Sab at Mich. Naramdaman ko ring pumatak ang luha nila sa t-shirt ko. "Sshhh.. Tahan na bes, alam naming mahirap." Ani Sab at hinagod yung likod ko. "Alam rin naming gusto mong takasan ito lahat pero wala tayong magagawa cou'z eh.. Mahal mo siya, minahal mo siya." Pagdudugtong ni Mich at tumulo ulit ang luha niya sa t-shirt ko.
"A-ang sakit eh.." At umiyak ako ulit, hinagod naman nila ng sabay ang likod ko.
"Tahan na, andito lang kami." Ani Sab
Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko. Sumisikip ito at sumasakit. Feeling ko mawawalan ako ng hangin kaya hinahabol ko yung hininga ko.
Bumitaw naman sila sa pagkayakap at bumaling saakin, "Teka? Okay kalang? Anong nangyayari sa'yo?" Ani Sab nang patuloy kong hinahabol ang hininga ko. Niyugyog niya naman si Mich, "Mich! T-tawagin mo sina lolo at lola! Ngayon na!"
Nataranta naman si Mich katulad ni Sab tsaka tumakbo pababa habang ako hinahabol parin yung hininga ko. Hawak hawak na ako ni Sab ngayon.
Bigla namang kumalabog ang pintuan at sumigaw si lolo, "Ella? Ella?! Anong nangyayari?!" Sabay hawak niya sa kamay ko.
Naging blurry naman ang paningin ko kaya pinaliit ko ang aking mata pero naging black naman lahat ito.
Ang huli ko lamang na narinig is sumigaw si lola ng, "Apo! Apo!" At biglang wala akong nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Crazier (ON HIATUS)
FanficLove always have challenges. It has many reasons why you often meet those challenges, to make your relationship stronger. If you cannot complete these challenges, then, you two are just not meant to be. Ella Dianne Garcia is a typical high school st...