Crazier - 18

116 2 1
                                    

ELLA's POV

Nagising nalang ako na amoy ko ang tinatawag nila na hospital smell. Yung parang pinaghalong alcohol, antibiotix, at kung ano-ano pa sa hospital. Naka oxygen mask pa ako.

Pagtingin ko sa gilid ng kama ko andun si lola, sa paanan naman ay si lolo, sina Sab, Mich, at Kate naman ay nasa sofa sa pinakagilid ng room ko. Jusko, ano ba itong pinasok ko?

Napagalaw ako pero nagising ko si lola, "Apo!" Yakap at sigaw niya na siyang sanhi ng pagkagising nilang lahat.

"Ha? Ha- Apo! Jusko, salamat naman!" Ani lolo na yumakap rin saakin.

"Bes! Gising kana!" Sigaw ni Sab sa nasa likod nila lolo at lola. Sumigaw rin sina Mich at Kate nun kasabay ni Sab.

Nginitian ko lang sila kasi ang hirap makasalita dahil sa oxygen mask.

"Kumusta ka apo?" Ani lola.

"Nawalan kadaw ng hangin kaya nahimatay ka, dahil daw sa stress. Makakalabas ka naman mamaya pero hindi kapa pwede pumasok." Ani naman ni lolo

"Apo, mag-ingat kana sa susunod." Concern na sambit ni lola, tumango lang ako dun.

Bigla namang may pumasok na nurse sa room ko.

"Ah, ma'am, sir kukunin ko lang po yung oxygen mask niya." Ani ng nurse

Tumango naman silang lahat. Pagkatapos makuha ng nurse yung oxygen mask ko umalis na siya.

"Osiya, aalis na kami ni lola mo ah? May trabaho pa kami. Sorry ah?" Sabi ni lolo

"Oh-okay po." Medyo paos na boses kong sabi

Hinalikan lang nila ako sa ulo tsaka nagpaalam na. Nagkatinginan naman sina Sab, Mich, at Kate.

"Hindi ba kayo papasok?" Tanong ko sakanilang tatlo

"Ay, papasok kaso 6am pa eh kaya maya pa kami aalis." Ani ni Sab

"Sus, umalis na kayo. Si Kate nalang ang maiwan dito." Sabi ko na napa 'Ha?' naman si Kate.

"Ako nalang maiwan cou'z!" Sigaw ni Mich

"Hindi, ako!" Sigaw naman ni Sab

"HEP!" Pagtigil ko sakanila, naku! Yung boses ko! Buti naman tumigil sila. "Bato- bato pik nalang kayo. Sige na."

Nagkatinginan muna sila at ngumisi. Napa face palm naman ako, seryoso sila na gusto nila maiwan.

"BATO- BATO PIK!" Sigaw nila at pinakita na ang kanilang sandata. Sa bato- bato pik, hahaha!

Si Sab nakita ko nalang na nakasimangot at si Mich naka ngiting wagi. Tinignan ko yung mga kamay nila si Mich naka scissor at si Sab naka bato.

"Nanalo ako! Behlat!" Ani ni Mich at naka winner's pose pa, aba!

"Atleast sport ako. Sige na nga! Ikaw nalang, kainis naman!" Inis na sambit ni Sab at kinuha yung bag niya. "Oh, anong sasabihin ko sa school sainyo mga madame?" Sarcastic na sabi ni Sab.

"Well, ipadala mo daw 'tong letter para kay ma'am." Ani Mich at inabot yung letter habang ngumingiti parin. Inaasar niya ata si Sabie.

Umirap naman si Sab kay Mich, "Bes, may ipapagawa kapa?" Tanong ni Sab saakin.

"Ha? Ay, sabihin mo nalang kina Joy at Arcelie na kinukumusta ko sila." Sabi ko

"Osige, alis na kami ni Kate." Sabi ni Sab at nagbeso saakin.

Si Kate nauna na malapit sa pintuan si Sab ay kinuha pa yung ibang gamit niya.

Bigla namang nang-asar si Mich kay Sab, "Bye bye Sab! Natalo kita kaya uwi na."

Napalingon naman si Sab kay Mich na sasambatan pa sana si Mich pero sum igaw si Kate ng, "TAMA NA! BWISET!" Tsaka nag-walk out

Nagkatinginan kaming tatlo at tumawa.

"Wag nga kasing galitin ang may period." Sabay naming sabi at tumawa ulit.

~~~~                                                        

"Oh, cou'z kain na tayo." Sabi ni Mich nang pumasok siya galing sa labas.

"Sige, ano bang binili mo?" Tanong ko sakanya habang umuupo sa kama ng hospital.

"Kare-kare tsaka beef steak." Simple niyang sagot.

"Oh? Ang sarap na-" Naputol yung sinabi ko nang biglang nagring ang cellphone ko.

"Sino yan?" Aniya sabay tingin sa cellphone ko.

Bes Sabrina Morales calling...

"Oh, bes? Napatawag ka?"

"B-bes? Bes! Ano kasi, ah s-si. Ano, si-" Utal utal na sambit ni Sab.

"Bakit? Ano, easy lang. Breath in, breath out."

Narinig ko naman sa kabilang linya na humingal hingal siya.

"Si Francis kasi bes! Papunta diyan, gusto ka niyang makita! Bes, anong gagawin ko?" Natatarantang sabi ni Sab.

"Ano daw?" Ani ni Mich na nakikinig pala. Niloud speaker ko naman.

"A-ano yun bes?"

"Papunta diyan si Francis! Ano ang gagawin ko?! Shit! Paalis na siya!" Tumakbo na siya ngayon, naririnig ko.

Bigla namang napatay yung linya sa kabila. Tapos, nagkatinginan kami ni Mich.

Crazier (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon