Sabaw na sabaw itong update na'to. Sana naman basahin niyo parin! Hehehe, thank you sa matiyagang paghihintay. :)
——
ELLA's POV
May milagro ata ngayon?
Bakit?
Eh kasi, ang aga aga kong nagising. Paano ba naman, katabi mo yung isa sa mahal mo sa buhay matulog at magkayakap pa kayo.
Oy, wag kayo! Hindi kami nag ano, baliw. Pinatabi ko lang siya saakin kasi kawawa naman siya kung sa sahig siya matutulog. Sosyalens pa naman iyan, ke-arte arte kala mo bakla. Tsaka, alam ko naman na nirerespeto niya ako.
Minsan nga naiisip ko, Bakit ko kaya' to naging boyfriend 'no? Bakit kaya minahal niya ako eh hindi naman ako kasing ganda nila Liza Soberano, Nadine Lustre, Kathryn Bernardo, Cara Delevingne, Lily Collins, Sabrina Carpenter, at sa ibang mala goddess ang mukha diyan.
Masasabi ko ngang, blessed ako.
~~~~
Sabay kaming pumasok ng school ni Francis. Hawak hawak niya yung kamay ko ng dumadaan kami papunta sa flag ceremony. MWF lang kasi yung schedule ng flag raising para mas marami kaming time for classes, at Wednesday ngayon.
"Dito na ako." Sabi ko nang nasa tapat na ako ng linya namin.
Tumango naman siya at ngumiti, tsaka nagtungo sa kanilang linya. Nagtungo narin ako malapit kina Mich, Tina, Joy, at Arcelie.
Siniko naman ako ni Mich, "Ayiiee, may naghahatid na sakanya." Tsaka nag-ngiting aso siya.
Tinitigan ko naman siya, "Anong meron dun?" At tinaasan ng kilay.
"May lovelife kana." Diretso niya sagot.
Inirapan ko naman siya, "Ewan ko sa'yo, Michelle Perez." Tsaka tumungin sa ibang direksyon.
Nahagip ko naman si Tina na tulala. Anyare dito sa babaeng 'to?
I was about to ask her nang nag-ring na yung bell which means magstastart na yung flag raising ceremony. Okay, 'wag nalang.
~~~~
"Okay, Ms. Garcia. Please proceed to the principal's office." Ani ni ma'am Yanes.
Napatayo naman ako, "Huh? Bakit po ma'am?"
"Someone's waiting for you there. Please proceed now, Ms. Garcia." Mariin na sabi ni ma'am kaya lumabas nalang ako sa room at pumunta sa principal's office.
Seriously, what's going on? Wala naman akong ginawang masama ah?
Geez, nasa harap na ako ng principal's office. Papasok ba ako o hindi? Papasok? Hindi? Papasok na nga!
"Uh, goodmorning po." Bati ko nang makapasok ako sa principal's office. May kausap siyang schoolmate ko na nakatalikod.
Tumango naman si ma'am Aplesa, which is our principal. "Goodmorning rin, Ms. Garcia. Maupo ka sa tabi ni Ms. Valdez."
Wait, Ms. Valdez? Si Hope? Don't tell me may sinabi siyang masama tungkol saakin? Siniraan niya ba yung pagkatao ko kay ma'am Aplesa? At paano nalaman ni ma'am?
Umupo naman ako sa tabi ni Hope. She was just glaring at the ceiling, ayaw niyang lumingon kay ma'am Aplesa.
"So," Panimula ni ma'am. "who gave you the permission to do something horrible to your co-student Ms. Valdez? May marka pa ang ginawa mo kay Ms. Garcia." Seryosong tanong ni ma'am kay Hope.
Napairap naman siya, "Uh, myself?" Sarcastic niyang sabi.
Napahampas naman si ma'am sa lamesa niya, which made me jump a little. "Ms. Valdez, we don't tolerate something like that in this school! Alam mo bang makakasira rin ito sa reputation ng magulang mo sa business life?"
"Whatever-"
"That's it! You're going to be expelled in this school! I'm gonna call your mom, right now!" Galit na bulyaw ni ma'am at inabot ang telephone.
Oh, no. Hope, if I were you magsosorry na ako ngayon kay ma'am. Magiging malala to kapag umabot sa parents mo!
Hope, please.
Hope, please.
Hope, please.
Hope, please.
Hope, please.
Hope, please naman mag sorry kana.
Hope, please sige na.
Hope naman eh!
"Alright!" Sigaw ni Hope tsaka humarap saakin, napabitaw naman si ma'am sa telepono. "I'm sorry, okay?" Nagsimula na siyang maluha. "I'm sorry for doing bad things to you.. I was clouded with my envy and anger na handa akong mapatay ka to get Francis back in my arms. I was just freaking lonely when Francis left me. Wala nang may pakealam saakin, si mom at Francis lang noon. Pero, nawala si Francis saakin.. Hindi ko kinaya iyon, I nearly took pills para mamatay ako. My life was miserable when he left, I was miserable. I think the half of me died when he left." Aniya.
Napaupo siya dahil sa pag-iyak niya ng todo. I understand now why she's acting this way. That must've been really hard for her, she's out of tender loving and affection kasi.
"Iniwan niya lang kasi ako sa ere, without explainations. It hurt my damn heart, na iniwan niya ako sa ere. I felt like wala akong silbi sa mundo.. All I need is someone who picks me up when I'm down, at siya iyon para saakin." Tsaka humikbi siya ng todo sakanyang mga palad.
Nagkatinginan naman kami ni ma'am.
Lumapit ako sakanya at inalo siya, "You know Hope, ang buhay may ibibigay talaga 'yan na sakit. Sa ayaw mo at sa gusto, may dadating na problema. It will help you grow strong to face the future willingly with no 'what ifs'." I said kaya napatitig siya saakin. "Alam mo, may dadating pang iba para sa'yo. Marami pa tayong panahon para niyan, ang atin lang ay maghintay. Ika nga nila, "Patience is a virtue". May magmamahal pa sa'yo, I know that." Ani ko at ngumiti sakanya.
Nagulat nalang ako nang niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit at bumulong ng, "Thank you, Ella. Deserving ka nga para kay Francis, ang bait mo." Kumalas naman siya sa yakap. "Sorry talaga, Ella. I hope you can forgive me sa lahat ng nagawa ko."
"Wala 'yon Hope, I forgive you." Sabi ko at ngumiti.
Niyakap niya ako ulit ng mahigpit na mahigpit.
Hindi nga dapat natin husgahan diretso ang mga iba. Malay natin may pangangailangan lang sila sakanilang sarili kaya they are troubled. Kagaya ni Hope, she needs affection.
Pero, bakit nga ba iniwan ni Francis si Hope?
BINABASA MO ANG
Crazier (ON HIATUS)
FanfictionLove always have challenges. It has many reasons why you often meet those challenges, to make your relationship stronger. If you cannot complete these challenges, then, you two are just not meant to be. Ella Dianne Garcia is a typical high school st...