Edited chapter napo ito, pakibasa nalang ulit for better experience. Thank you!
--------
ELLA's POV
"Sino yung naghatid sa'yo?" Tanong ulit ni lola nang nagmano ako
"P-po? Ah, k-kaibigan ko po." Nauutal kong sagot, naku! Patay ako ngayong araw na ito!
"Sinong kaibigan?" Tanong niya na humahakbang papalapit saakin
"A-ah, s-si Francis po." Sabi ko tsaka yumuko, alam ko na ngayon na papagalitan na talaga ako
"Francis?" Masungit niyang tanong
"Rivera p-po." Sabi ko tsaka yumuko na ng tuluyan
"Rivera? Kaninong anak-" Bigla naman naputol si lola sa sasabihin niya nang sumigaw si lolo galing sa balkonahe, "Theresa! Ano na naman ba iyang sinasabi mo sa apo mo? Bakit nakayuko iyan?" Ani lolo
"Nagtatanong lang kung sino yung naghatid sakanya. Ikaw, Theodore, kinokonsinte mo talaga itong apo mo!" Ani lola na parang sasabog na dahil sa galit
"Eh bakit ba, dahil lang may naghatid sakanya na lalake, ganyan na? Naku Theresa, pabayaan mo na iyang apo mo! Magsisixteen na iyan! Hayaan mo na!" Bulyaw ni lolo kay lola
"Aba't ewan ko sa'yo Theodore! Nag-aalala lang naman ako kay Ella, eh ayaw mo! Bahala ka na nga sa buhay mo!" Ani lola sabay walk out
Bago makapasok si lola sa bahay humirit pa si lolo, "Dapat nga yung iniintindi mo ay si Kate! Kailangan ka nun ngayon, may period na ata!" Sabi ni lolo na ikinagulat ni lola kaya tumakbo na si lola patungo sa loob, dahil doon tumawa kami ni lolo
"Ikaw lolo ha, inaaway mo nalang palagi si lola." Sabi ko sabay tawa.
"Naku! Palagi nalang iyong highblood apo, pagpasensyahan mo na ulit." Ani lolo at tumawa ulit, "O, sino ba kasi yung naghatid saiyo apo?"
"Ay lolo, si Francis Rivera po." Pormal kong sagot sakanya
"Sana pinapasok mo, gusto ko sana makilala yung boyfriend mo." Aniya sabay simangot.
Lumaki naman yung mata ko, "Lolo! Hindi ko po iyon boyfriend! Kaibigan ko lang po iyon!"
"Kaibigan nga ba? O, ka-IBIGAN? Hmm?" Ani lolo tsaka ngumisi na parang baliw
Inirapan ko naman siya, "Ikaw lolo ah! Iniinis mo yata ako!" Sabi ko nang sabay kaming naglalakad patungo sa loob ng bahay
"Joke, pero seryoso." Dun napatingin ako sakanya, "Gusto ko magkatuluyan kayo niyon." Aniya sabay ngisi
Binatukan ko na siya, napa-angal naman siya doon. "Sorry po 'lo pero iniinis niyo talaga ako eh!" Sabi ko tsaka nag walk out, narinig ko naman siya na tumawa dahil dun.
~~~~
Nasa kwarto ako ngayon, ngek ngek. Boring dito, gusto ko pumunta kina Sab pero gabi na eh. Bihira lang ako payagan ni lolo at lola na gumala pag gabi kaya pagkatapos ng dinner nagkulong ako dito sa kwarto.
Panay internet lang ako dito. Facebook doon, twitter dito, instagram doon, wattpad dito, at ano pang kaweirduhan na pwede gawin. Baliw na ata ako eh! Kanina nga nabaliw talaga ako dahil sa compliments na nakuha ko sa facebook at instagram sa picture namin ni Francis. Sabi nila 'cute', 'bagay', 'perfect couple', 'gwapo at maganda', at kung ano ano pa! Naku, aasa pa ako ng todo nito!
Pero nabigla ako nang tumunog yung notification tone ng Iphone ko. Ask.fm notif, oohhh. Bihira 'to ah.
Question:
What is your ideal type of boys? Btw, hi!
Dahil dun, ang naisip ko kaagad ay si Francis "gwapong" Rivera.
Answer:
Hello! :) Well, I like boys who is gentlemen, sweet na maangas, relihiyoso, pinapakain ako sa favorite kong restau or food, and that text or chat me everyday.. Marami pa 'yan pero yan nalang muna baka may gumawa niyan. :D Btw, do I know you? May kutob akong kilala kita.
May nagsend naman saakin ulit ng question.
Question:
Yup, you know me pero di muna ako magpapakilala. For the mean time you can call me, "spiderman". ;)
Omg, nakakadiri siya. He winked! Eww!
The only person lang na pwede mag wink saakin ay si Francis. Grrr!
BINABASA MO ANG
Crazier (ON HIATUS)
FanfictionLove always have challenges. It has many reasons why you often meet those challenges, to make your relationship stronger. If you cannot complete these challenges, then, you two are just not meant to be. Ella Dianne Garcia is a typical high school st...