Crazier - 2

1K 19 1
                                    

Edited chapter napo ito, pakibasa nalang ulit for better experience. Thank you!

--------

ELLA's POV

Habang naglalakad kami napaisip ako. Ano kaya pangalan ng lalakeng yun? Ano kaya-- aish! Tumigil ka nga Ella.

"Bes, nung tumitingin ka sa classroom ng grade 11. May nakita ka bang gwapo? Yung parang anime ang dating." Tanong ni Sab na ngumingisi.

Binatukan ko naman siya, "Sira ka din noh? Diba sabi ko classroom ang tinitignan ko? Tsaka pati lalake, hanap mo ay parang anime?" Sabi ko.

"Syempre, dapat ideal boy ko ang magiging future ko no." Aniya.

"Aral muna bago landi, bes." Natatawa kong sabi.

"Heh! Inggit kalang sa beauty ko kasi wala ka nito." Tsaka nagflip siya ng hair. "Hayaan mo hahanapan kita ng sa'yo." At nagwink siya.

"Hampasin kita nitong bag ko eh." Sabi ko at inirapan siya.

Tumawa lang siya. Nang nakita na naman namin ang information board ng grade 10 agad kaming nagtungo doon.

Hinanap ko kaagad ang pangalan ko sa section list at natagpuan ko ang pangalan ko sa Cassiopeia.

"Bes, anong section ka?" Tanong ni Sab sa bandang likuran ko.

"Ikaw muna." Sabi ko.

"Ganito nalang, sabay tayo. 1,2,3 go!"

"CASSIOPEIA." Sabay naming sabi.

"Omg, pareha tayo ng section! Yes naman!" Sigaw ko at tumalon-talon pa kami ni Sab.

May bigla namang nagsalita sa gilid ko, "Ang ingay niyo talaga kahit kailan." Tsaka tumawa pa ito.

Crazier (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon