ELLA's POV
This is beyond super amazing.
Dinala lang naman ako ni Francis sa isang lugar na overlooking ang buong syudad. Ang mga ilaw ng mga building ay tanaw na tanaw mula dito.
I know this is so cliché, but for me it's amazing. Ngayon lang ako sinurpresa nang ganito.
"You like it?" Tanong ni Francis, smiling.
"I don't like it, I love it." I said, still in an awe. I went closer to him tsaka hinalikan ang pisngi niya. "Thank you so much." Then I smiled.
Nanatili naman siyang tulala dahil doon. Sus, hindi pa ba siya nasanay? Eh ako nga nasanay na ako sakanya eh.
Napatawa naman ako ng mahina,"Asus, parang hindi ka naman ata— hmmp." Napatigil nalang ako sa pagsasalita ko nang halikan niya sa ako labi.
Waah, lupa lamunin mo na ako. Pumupula pisngi ko, swear!
Itinigil niya naman iyon at pinagdikit yung noo namin, "Sorry, nabigla kasi ako sa paghalik mo sa pisngi ko eh." At tumawa siya ng mahina.
Sinapak ko naman yung balikat niya, "Ikaw ah, nakakarami kana. Pasalamat kang lalake ka."
"Salamat." Pang-aasar niyang sabi.
Sumimangot naman ako, "Kahit kailan, nakakainis ka parin."
"Mahal mo naman." Proud niyang sabi, "Tsaka, oh! Pumupula pisngi mo para kanang kamatis." Natatawa siyang sabi.
Humiwalay naman ako sakanya at pinandilatan siya, "Eh kung ihulog kaya kita diyaan sa bangin?" Pagbabanta ko.
"Ayoko diyan sa bangin. Nahulog na naman ako sa'yo eh." Aniya at kumindat.
Inirapan ko nalang siya. Minsan talaga lumalabas yang pagka-korni at makulit niya. Sarap tuloy sapakin ang gwapo niyang mukha.
~~~~
"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Naiinis kong sabi.
Eh kasi naman pagkatapos naming magpicture taking at mag sight-seeing doon sa lugar kung saan niya ako dinala kanina ay nagmaneho na naman siya papuntang hindi ko alam na lugar.
"Francis naman eh.. Makikipagbreak talaga ako sa'yo kapag hindi mo sinabi." Pagbabanta ko.
Hinalikan lang niya ng madalian ang pisngi ko habang nagdadrive.
"Kung maaksidente tayo, papatayin talaga kita!" Sigaw ko sakanya. Tumawa lang siya at nagpatuloy magdrive.
Tumahimik nadin ako at nanood nalang sa mga dinadaanan namin sa bintana ng kotse.
Last kong nalaman, inaantok ako at dumilim ang paligid.
~~~~
"Ella, Ella." May tumatawag saakin, yung boses niya ay mahina pero lumalakas. Agad naman akong napamulat.
"Gising na, andito na tayo." Ani ni Francis sabay ngiti. Napatingin naman ako sa bintana ng kotse niya.
Woah, kaninong bahay 'to? Or should I say mansion.
"Mom and dad said na ipakilala na kita sakanila."
Automatic naman na napalingon ako sakanya, "What?"
"Ipakilala na kita sakanila." Casual niyang sabi.
"Francis naman. Sana sinabi mo para lang man formal akong tignan." Sabi ko. "Tignan mo nga, naka-jeans lang ako tsaka naka t-shirt."
Hinawakan niya naman yung balikat ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko, "Alam mo, maganda kana kahit anong isuot mo." Aniya at ngumiti.
"Francis naman! Hindi ko sinabing maging korni ka. Tsaka, paano na yung first impression nila saakin?" Kinakabahan kong tanong.
"Alam mo, gusto kana nila simula nung kinukwento pa kita sakanila. Kaya, alam kong bet ka nila." Aniya at ngumiti.
Bakit hindi kinakabahan 'tong mokong ito? Nakakainis ah!
"So, tara na?" Tanong niya habang naglalahad ng kamay. Hindi ko man lang namalayan na lumabas na pala siya ng sasakyan.
Nagdadalawang isip ako. Sasama ba ako sakanya o hindi?
Ah! Bahala na ang mga goddess saakin!
Tinanggap ko yung kamay niya at lumabas na, hawak hawak niya yung kamay ko at nilalaro ito nang diretsong nakatingin. Tumingin ako sa paligid ng bahay nila at kitang kita na mayaman na mayaman yung moko kong boyfriend.
Nang malapit na kami sa pinto ng bahay nila, sinalubong kami ng nakalinyang maid nila. Nginitian ko sila at ngumiti rin sila pabalik.
Nako, maimpluwensya naman talaga ng bongga yung kasintahan ko.
Agad kaming nagtungo sa kusina at doon ko nakita ang mom at dad ni Francis.
Grabe, ang ganda at ang puti ng mom niya. Yung dad niya naman, moreno at gwapo. Alam ko na kung saan nagmana si Francis, doon sa dad niya.
Ngiti ngiti sila nang makita nila yung anak nila. Agad ring nagtungo si Francis at nakipagbeso sa mom niya at tinapik ang likod ng dad niya.
"Mom, dad. Eto po si Ella Dianne Garcia, girlfriend ko." Ani ni Francis at tinignan ako.
Agad naman akong sinalubong ng mom niya at nakipagbeso, "Hi! Ang ganda mo hija. No wonder nahulog si Kiko sa'yo." Aniya at ngumiti. "I'm Gina, by the way. Call me tita Gina-- wait, I prefer mom or mommy." Then nakipag-shake hands siya saakin.
"Mom." I said and smiled to her.
"That's better!" Masigla niyang sabi at umatras.
Inapproach din ako ng dad ni Francis, "Sakto ang napili ni Kiko. Ako pala si tito Edu mo, dad nalang din." At nakipagbeso siya saakin.
Tumango lang ako at ngumiti. Agad ko naman naalala na naka-jeans lang pala ako. Si mom(charot), naka formal dress siya.
"Sorry po talaga na hindi ako naka-formal ngayon. Eto kasing si Francis hindi ako ininform." Sabi ko at tumingin kay Francis na ngayon ay kinakamot at likod ng kanyang ulo.
"Naku, ikaw talaga Kiko. Okay lang yun hija, hindi mo yun kasalanan." At pinandilatan ni mom(nasanay na ako ah) si Francis. "Tara na nga at kumain. Late na at alam kong gutom na kayo." Sabi ni mom.
Hinawakan naman ulit ni Francis ang kamay ko at nagtungo na kami sa hapag.
~~~~
"Alam mo, sobrang saya ko ngayon." Sabi ni Francis.
Andito kami ngayon sa gilid ng pool nila, binabad namin ng paa namin sa tubig.
"Bakit naman?"
"Eh kasi, dalawang step nalang magiging official na tayo." Aniya at ngumiti.
"Anong dalawang step? Official na kaya tayo." Sabi ko na nakakunot ang noo.
"Hindi pa tayo official sa mama at papa mo." Aniya.
Agad naman akong napatigil, "H-- ha? Eh pwede namang hindi na."
"Ella, kahit anong gawin mo may karapatan padin silang malaman ang tungkol saating dalawa." Sabi ni Francis ng seryoso.
"Kinakabahan ako." Mahina kong sambit.
"Andito lang naman ako." Aniya at pinatong niya yung ulo ko sa balikat niya.
Sige na nga.
--------
BINABASA MO ANG
Crazier (ON HIATUS)
FanfictionLove always have challenges. It has many reasons why you often meet those challenges, to make your relationship stronger. If you cannot complete these challenges, then, you two are just not meant to be. Ella Dianne Garcia is a typical high school st...