Crazier - 14

162 2 3
                                    

Edited chapter napo ito, pakibasa nalang ulit for better experience. Thank you!

--------

ELLA's POV

Pagdating namin sa parking lot pinatunog agad ni Francis ang sasakyan niya at nakita niya naman ito. Agad niya akong pinagbuksan ng pintuan sa passenger seat, "Thank you." Sabi ko at tumango at nagsmile siya

Sinarhan na niya yung pintuan tsaka lumibot naman siya at pumasok na sa driver's seat. Pinaandar na niya ang makina tsaka umalis na kami.

"Saan pala yung sainyo Ella?" Tanong niya

"Ah, sa Ayala Heights lang. Thank you ah?" Sabi ko

"Oh, no problem." Sabi niya na nakatutok parin sa daan

Niliko niya yung sasakyan niya sa EDSA, teka? Malayo ito pag dito dadaan, mga 19-20 mins pa kami makakadating. Aangal sana ako pero napagtanto ko, siguro gusto niya matagal pa kaming magsama. Ah- AISH! Kainis, lumalandi kana naman Ella Dianne Garcia!

"Mag kwento ka nga sa sarili mo Ella." Biglaang sabi niya

"H-ha? Eh, uhm.. Ako si Ella Dianne V. Garcia, anak ni Christian Garcia at Hilary Joan Villegas. Kung nagtataka ka na bakit hindi kami pareha ng apilyedo ni mama eh kasi magkahiwalay sila." I paused, gusto ko ata umiyak. Wag ngayon please.

"I'm sorry to hear that Ella. Kung gusto mo, wag nalang ituloy yung pagstory." Sabi niya at lumingon sandali saakin

"Hindi, okay lang." Pagtatanggi ko tsaka ngumiti, "I lived with my lola and lolo because of that. May kapatid akong babae, her name is Kate Beatrice. She's as brat and annoying as ever pero she's very malambing and sweet. Well, I live at Ayala Heights pero originally sa Bulacan kami with Sab that's why I met her."

"Oh, I see. Favorites? He asked

"Hmm.. I like the color pink, white, and black. I really love to eat pizza, burger, and lasagna. Gusto ko rin ang nutella at ferrero. I love to play volleyball and swim but I'm not very good in swimming." Sabi ko

"Ayaw mo ng basketball?" Tanong niya ulit

"Well, gusto naman pero hindi ako marunong. Hindi nga ako maka-shoot eh kasi ang liit ko, hahaha!" Sabi ko

"Gusto mong turuan kita?" Offer niya sabay smile. Btw, nasa Capitol Hills Drive na pala kami so it means malapit na kami

"Talaga? Sure sure! Kelan naman?" Tanong ko

"Next Saturday? Sa bahay?" Yaya niya

Napaawang naman yung bibig ko, "Sa bahay niyo? Nakakahiya naman. Baka nandun yung parents mo." 

"Nah, mommy won't bite. Mabait 'yon." Aniya

"Okay, sabi mo eh." 

Nandito na kami sa village namin. Bumusina si Francis sa kay manong guard sa gate tsaka binuksan ni manong kaagad yung gate.

"Nakapasok ka kaagad? Bakit?" Nagtataka kong tanong

"I have a friend who lives here. Tapos may sticker ako kaya ganun." Aniya at ngumiti, "Btw, saan yung sainyo?"

"Ah, liko kalang diyan sa right tsaka sa pangkapitong bahay sa right." Sabi ko

Tumango naman siya at nagpatuloy sa pagdrive. Tinignan ko siya sa pagdadrive. Ang maamo niyang mukha, matangos na ilong, mahabang pilik mata, tsaka yung nunal niya sa baba ng kaniyang mata. Omg, ang gwapo niya talaga. Ewan ko ba, nahuhulog na talaga ako sakanya. Ang inaasam ko nalang ay yung saluin niya ako sa pagkahulog at suklian niya iyon. Pero parang, wala akong pag-asa nito eh, maraming nagkakandarapa sakanya.

"Nandito na tayo." Aniya na ikinabigla ko kasi nakatitig ako sakanya

"A-ah, salamat ah? S-sige, b-bye!" Sabi ko na natataranta. Binuksan ko na kaagad ang pintuan tsaka kumaripas na papasok sa bahay, narinig ko yung busina ng sasakyan niya at umalis. Hingal hingal pa ako ngayon, naku! Bakit kasi tinitigan mo yung tao Ella eh! Alam mo naman na baka makita ka nun!

"Sino yung naghatid sa'yo?" 

Lumingon ako sa nagsalita at biglang lumaki yung mata ko.

Oh, noes! Nakita ako ni lola!

Crazier (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon