Crazier - 22

129 1 0
                                    

ELLA's  POV

Nasa bahay ako ngayon nagsasagot sa mga missed assignments ko. Ang stressed stressed ko na kasi hindi ko alam kung papaano itong Math na ito.

"Aish! Kainis naman ito! Paano ba ito?" Reklamo ko sabay kamot sa ulo dahil sa frustration.

Huhuhu, ayoko na talaga neto. Naiiyak na ako, may problema na nga ako tapos meron pa ito? Naisip ko na naman si Francis, ano ba naman. Paano ba mag move-on? Turuan niyo naman ako. Nakakasawa na kasi, nakakasawa nang masaktan ng husto at umiyak..

Calling Bes Sabrina Morales...

"Oh, bes? Napatawag ka?"

"Bes, kailangan kita ngayon. Pwede kabang pumunta dito sa bahay?"

"Bakit? Anong problema? Sure, pupunta ako diyan. Teka, bakit pumipiyok yung boses mo? Umiiyak kaba?" Tanong niya na halatang concerned na concerned siya.

"Basta bes, I'll tell you everything here."

"Okay, as you say so." Aniya

"Thank you bes."

"Anything for you bes." Tsaka binabaan niya ako ng linya.

Hay.. Ano ba 'tong buhay ko? Bakit nagkaganito 'to? Is this some kind of curse or what? I wish this could stop.

~~~~

Naglalakad ako sa hallway ngayon papuntang high school department. Ang sakit ng tiyan ko kakakain ng pagkain, busog na busog ako! Tataba na naman ako neto, bahala na si batman. Makaupo nalang nga sa mga puno doon, tutal maaga pa naman.

"Ewan ko na, ang gulo-gulo ng buhay ko." Sabi ko tsaka huminga ng malalim.

"Ah, miss, okay kalang?"

Hm? Sino 'yon? Ah, may lalake pala sa likod ng puno.

"Pasensya kana, um, akala ko kasi ako lang ang nandito." Sabi ko sabay peace sign.

Ngumiti naman siya, "No worries, okay lang. Ako nga pala si Sian Fervenman." Aniya at naglahad ng kamay.

"Oh, I'm Ella Dianne Garcia." Tapos inabot ko yung kamay niya tsaka ngumiti.

"What brings you here?" Tanong niya tapos nagsmile. Awwe, lagi siyang nakasmile at ang cute ng dimples niya.

"Nothing much, wala kasi akong magawa."

"Oh, pareha lang pala tayo." Aniya. "Pwede ba tumabi?"

"Sure, you can." Sabi ko at umusog ng kaunti.

Tumabi naman siya sa akin and I had the uneasy feeling na naramdaman. I can't explain why, wala namang problema.

"So, what grade kana dito?" Tanong niya bigla saakin.

"Grade 10, bakit?"

"Grade 10 karin? Ako rin eh!" Masigla niyang sabi, uh, I didn't see him noon.

"Really? Bakit 'di ka familiar saakin. It's just, ngayon lang kita nakita." Ani ko at tumawa lang siya.

"Transferee kasi ako. This day lang ako natapos mag-enroll at next week ako papasok." Aniya na ikinagulat ko.

Why does this school kept accepting late enrolees? First si Christina and now, si Sian.

"I thought you were gonna snob me earlier, I thought, but hindi pala." Dugtong niya.

"I like to make friends kasi." Sabi ko naman sakanya.

Ngumisi siya saakin, ba't gwapo ang mga lalake ngayong generation na ito? Noon ang chaka naman, joke! Hihihi, labyu lolo, lola!

Naging awkward naman ang atmosphere. Okay? Anyare?

"Are you with someone before we met? Kasi I've noticed may nag de-death glare saakin." Ani ni Sian na nakatingin sa harap.

Tumingin naman ako kung saan siya tumitingin and guess what? Totoo nga yung sinabi niya. Si Francis yung nagdedeath glare sakanya.

Inirapan ko naman si Francis na nakatingin na saakin ngayon at bumaling ako kay Sian, "Pwede favor?" Napataas naman siya ng kilay dahil doon. "Pwede mo ba akong dalhin sa isang lugar na malayo dito?"

"H-ha? Bakit naman?" Naguguluhan niyang tanong.

"I'll explain on the way, just, please help me. Please?" Sabi ko. Nagmumukha ako netong tanga, ugh.

Kinaladkad niya naman ako papuntang parking lot. Bago kami nakaalis sa punong iyon nakita ko si Francis na nainis ng todo, klarong klaro sa mukha niya eh.

Nang makarating kami sa parking lot, pinatunog niya kaagad ang kaniyang sasakyan. It was some kind of porche car, wow naman rich kid. Pinagbuksan niya naman ako ng pintuan sa passenger's seat at pagkatapos nun, pumasok narin siya sa driver's seat.

"So, what about it? I'm so freaking lost." Tanong niya nang pinapaandar niya yung sasakyan.

"Ah, eh, I'm avoiding him kasi." Sagot ko

"Why? What's wrong with him? Rapist, obsessed, crazy-"

"Nothing's wrong with him. Basta, I'm avoiding him." Nainis ako, so ganun ang tingin niya kay Francis? He's a decent man.

"Bakit nga?" Tapos nagtaas siya ng kilay.

"Basta ngae. You'll never understand if sasabihin ko sayo." Cold kong sabi.

Kumunot naman yung noo niya, "Wow, you've hurt my ego. Big time, big time." Tumingin naman siya saakin at nakita ko sakanyang mga mata na nasaktan ko nga siya. "You know, I can understand. I'm not that dumb and insensitive to understand you girls." 

"Eh-"

"Kahit na gago kaming mga lalake, we can understand you girls. Ang problema lang sainyo, you don't give us a chance to prove it. You always want us boys to be under. I believe in equality. We're all human and we all have hearts so pare-pareha lang tayong makakaintindi." Aniya nang nakatingin lang sa daan na patutunguhan namin.

Nasaktan ko nga si Sian, big time. Grabe ang sama-sama ko, I've hurt someones ego. Is this what I've become because of that silly favor Francis asked me? Ang bitter, bitter ko na ba? And, I've never let Francis hear my inner thoughts and feelings. Selfish naba ako? Sian's right, boys could understand us girls, we just got to let them prove it.

"So? Are you gonna tell me about it?" Tumaas ulit yung kilay niya. "I'll be under if gusto mo." Aniya

So much of getting boys under us, ngayon sila na naman yung iintindihin ko.

"I'm sorry, Sian. Sorry.." Sabi ko tsaka yumuko.

Nabigla nalang ako nang itinigil niya ang sasakyan sa gilid, "Hey, did I upset you?" Aniya at tinignan ako ng maigi. "I just said that para marealize niyong nakakaintindi rin kaming mga lalake at nahihirapan na kami sa mga 'di niyo pagbibigay ng chance." Hinawakan niya naman yung chin ko, "I really didn't mean to upset you that bad, sorry din. " 

Naputol naman yung sinabi niya nang may kumalabog sa pintuan ng kaniyang sasakyan.

What is wrong?

Crazier (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon