CHAPTER 47 - Handcuff

262 7 5
                                    

Chapter 47- Handcuff

[Natalie’s POV]

“huhuhu Troy.. naiihi na ko! Gumawa ka ng paraan para matanggal ‘tong handcuff na ‘to please..”

“sorry Nat, wala eh nasa Candy yung key.. tara samahan na lang kita, di kita sisilipan promise!”

+_+

“ayoko nga..”

Naku naman super badvibes na ang araw na ‘to! Nagiging bad na tuloy ako. Almost 5 hours na rin mula nang iposas kami kanina ni Candy, at sa mall pa yun. Mula doon talagang pinagtitinginan kami ng mga tao kasi naman hawak hawak niya ang kamay ko para daw hindi halatang nakaposas kami. =_=

Hindi ko nga alam kung matutuwa o magagalit ako eh. Pero aaminin ko, kinikilig rin naman ako. kasi naman e, yung feeling na hindi naghihiwalay ang mga kamay namin. Tapos hindi lang kami magkasama, magkadikit pa kami.

Gusto ko sana medyo lumayo sakanya pero hindi nga niya pinapakawalan ang kamay ko eh.

Mabuti na lang nung nagdrive siya hindi na kami magkahawak, pati na rin nung nagluto siya at kumain kami.

Hindi pa rin kami nakakapagpapalit ng uniform, paano naman namin magagawa yun diba? Kanina pa rin ako nakasimangot, super badvibes nga e samantalang siya parang tuwa-tuwa pa. Sabagay sa inakto niya kanina halata ngang nagustuhan talaga niya at nagpasalamat pa siya kay Candy.

“Sabihin mo nga sakin Troy, bakit tuwang-tuwa ka pa na nangyari ‘to?”

“syempre ikakatuwa ko talaga yun Nat..”

“bakit nga!”

“wag ka namang sumigaw, magkatabi lang tayo o..”

“sagutin mo kasi nang maayos!”

“kasi makakasama kita ng matagal..”

“ano ulit?”

“gusto kong makausap ka, makasama ka at hindi mahiwalay sayo. Kuha mo ba?”

Kung makapag-salita siya akala mo manliligaw. Eh bestfriend lang naman turing niya sakin. As if naman di ko alam yun. Naku ha, yung mga salitang ganyan ang nakakapag-paasa sakin at naiirita  ako sa mga ganyan.

“ano Nat, di ka naman maniniwala? Akala mo---“

“naniniwala na po Bestfriend!” hindi ako tumitingin sakanya, naiinis lang ako.

“sinabi ko na nga ba e..grabe naman Nat, tanga ka ba o manhid ka lang talaga?”

“oh please Troy gasgas na yang linyang yan at bakit nga pala hindi mo yan itanong sa sarili mo no?”

“ano bang ibig mong sabihin? Na manhid ako ganun ba?”

Wag mo ngang itanong, baka masabi ko lang ang matagal ko nang itinatago masira pa lahat  ng pagmomove-on ko.  Nadadala ako masyado ng emotions ko sa usapang ito. Usapan pa nga ba o sumbatan na?

“Nat, humarap ka naman sakin. Please tumingin ka sakin..sabihin mo ang gusto mong sabihin.”

Tumingin ako nang masama sakanya.

“wala akong sasabihin sayo kasi wala naman talaga, tama na nga ‘to! ang drama eh”

“bakit ka kasi ganyan Nat, hindi mo naman sineseryoso ang sinasabi ko sayo eh..palagi ka na lang ganyan. Umiiwas, nagtataray, hindi kita makausap ng maayos, nagbabago ka ng pakikitungo sakin. Akala mo ba hindi ko napapansin? Akala mo wala lang sakin yun? Hindi Nat, kasi nasasaktan ako!”

I WISH IT WAS METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon