CHAPTER 21 - Hot Headed

376 11 8
                                    

Chapter 21 –  Hot-Headed

Troy’s POV:

Kauuwi ko lang pero hindi ako sa bahay nagdiretso kundi sa bahay nina Natalie. Worried kasi si Chloe sa kalagayan nya ngayon at kahit ako din naman. Nakita kasi naming sya kanina na bigla na lang umalis. Masama daw ang pakiramdam sabi ni Ivan.

Aalamin ko lang kung okay na sya tapos ibabalita ko kay Chloe.

Si Chloe. Syanga pala puro si Chloe laman ng isip at puso ko ngayon. Parang nakatanim na sa isip ko ang masayang mukha nya kanina. Napasaya ko sya! Yes! Liligawan ko na sya simula ngayon at sisiguraduhin kong mapapaaya ko sya lagi. Ngayon lang ako naging ganito. Yung mainlove sa isang babae, tinamaan talaga ko. Dati naman kasi madami nga akong naging girlfriend pero sila lahat ang lumapit sakin, I mean di ko sila niligawan. Hindi ako naghirap sakanila. Tsk. Yabang ba? Eh ganon talaga gwapo eh!

 Teka, Gabi na ah, bakit bukas pa ang gate nila? Ahh siguro kadarating lang ni Tito.

Pumasok na ko at dirediretso sa bahay nila. At home na at home lang..para naman kasing dito na rin ako nakatira eh.

“O, Troy gabi na ah..kauuwi mo lang?” si Tito lumabas mula sa kusina, kasunod nya si Tita.

“ahh opo, Tita, Tito, good evening po!”

“Aakyat ka ba ng ligaw..gabing gabi na ah.?”

“po?” kanino naman ako manliligaw? Wala naman si Chloe dito. Si Tita talaga..

Nakita kong pasimpleng siniko ni Tito si Tita at saka napatakip ng bibig nya si Tita. Ano naman kaya yun?

“a-ah wala. Sabi ng Tita mo, dito ka na daw magdinner. Diba Hon yon ang sinabi mo?” si Tito ang sweet pa rin talaga kay Tita. Para silang bagong mag-asawa.

“Oo, yun nga ang sabi ko, masarap ang niluto ko, dito ka na kumain Troy!”

“eh, di pa po kasi ako nakakauwi samin.  At saka I’ll just check on Natalie lang po kasi. Masama daw po pakiramdam nya kanina eh"

“ang sweet mo naman Troy..” siniko ulit ni Tito si Tita. “este ang bait mo hehe..”

Napakunot-noo na lang talaga ko. Ang weird nilang mag-asawa.

“Nasa kwarto sina Nat at Debs, puntahan mo na lang ha then bumaba na kayo para makapagdinner na tayo okay?”

“okay po!”

Nagdiretso na ko sa second floor ng bahay nila at agad pumunta sa kwarto ni Natalie.

Woah! parang may concert ni Taylor Swift sa loob ah..hanep ang boses, ganda!..sinong kumakanta?

Click. Bukas ang pinto.

“Bulaga!” whahaha! Nanggulat pa ko!

O_O <--- mukha ni Nat

O_O < --- mukha ni Debbie

“Kuya Troy??!” makasigaw lang ‘tong si Debbie wagas! Tss..

“Oo, gwapo ako! Tss.. pakihinaan ang volume mo, sakit sa tenga!”

“Anong masakit sa tenga ang pinagsasabi mo! Bad ka! Ang ganda kaya ng boses naming! Hmp!” si Debbie nakapout pa, mana sa Ate.

Yung sigaw naman nya tinutukoy ko ah.

“Aha! So kayong dalawa ang kumakanta? Akala ko naman andito si Taylor Swift at nagcoconcert..hanep ganda ng boses! Kelan pa?”

I WISH IT WAS METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon