Sorry ngaun lang nakapag update . enjoy reading po! ^u^
* * * * *
Chapter 41 - I Won't let you go
[Natalie’s POV]
“halika na, umuwi na tayo” matigas ang pagkakasabi nya at matalim din ang tingin nya kay Ivan.
“ano? bakit ba?”
“pinapasundo ka na ni Tita”
Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya. “imposible, nagpaalam ako ng maayos kay Mommy. Troy ano ba ‘to? Umuwi ka na nga”
“uuwi ako kasama ka”
“Troy hindi naman yata maganda yang ginagawa mo. Date namin ‘to kaya dapat ako ang maghahatid sakanya pauwi.” Sa tono ng pananalita ni Ivan, nagpipigil lang sya.
“hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? PINAPASUNDO na sya SAKIN ni Tita, ano okay na?”
Naramdaman ko yung tension sa pagitan ni Troy at Ivan. Pinabalik balik ko ang tingin ko sa kanilang dalawa. Parehong matalim ang tingin nila sa isa’t isa. Balak ba nilang mag-eskandalo dito? Ang dami ng nakatingin..nakakahiya na..
“Troy, Ivan, please umayos nga kayo. Troy iwan mo na ko, uuwi naman ako mamaya eh, pakisabi na lang kay Mom—“
“hindi ako aalis dito nang hindi ka kita kasama.”
“Troy!”
“ako na ang maghahatid sakanya pauwi” hinawakan ni Ivan ang kanang kamay ko. Pero naramdaman ko rin ang paghawak naman ni Troy sa kaliwang kamay ko.
“ako ang inutusan ni Tita para sumundo sakanya”
“ako ang kadate nya kaya ako ang maghahatid sakanya”
“AKO!”
“AKO NGA!”
“enough! Para kayong mga babae! Nakakairita! Bahala kayo sa buhay nyo, wala akong sasamahan sainyo!” tumakbo na ko palabas ng restaurant. Psh. Kakahiya, pinagbubulungan kami ng mga tao. Bahala na nga silang dalawa dun. Nakakainis!
Dali-dali akong pumara ng taxi pero bago pa ko makasakay ay may humigit na sakin papasok naman sa isang kotse at pinaandar nya na ‘to ng mabilis.
“argh! Troy, palabasin mo ko dito! Para kang kidnapper nakakaasar ka!!!”
“wag na wag ka na ulit makikipagdate sa Ivan nay un ha! Nabubwisit ako!”
“wala akong pakialam sayo! Ang sama ng ugali mo, kumakain kami ni Ivan tapos bigla bigla ka na lang dadating para sunduin ako! Tell mo Troy, kelan ka pa naging ganyan? You ruined my date! I hate you!”
“Don’t hate me please, ginagawa ko lang naman ‘to dahil..”
“dahil ano? dahil masama ang ugali mo! Pakialamerong palaka!”
“palaka? Ako palaka? Sa gwapo kong ‘to? Hahaha!”
“stop laughing! Galit nag alit ako tapos tatawa-tawa ka pa dyan! Sh*t lang Troy ibaba mo ko dito ngayon na!”
Bigla nyang inihinto ang kotse. Lumapit sya sakin..
Sobrang lapit..
Yung tipong amoy na amoy ko na sya..
BINABASA MO ANG
I WISH IT WAS ME
Teen FictionI WISH IT WAS ME written by itsmeRAINE Copyright © 2012 by Raine All Rights Reserved. FB account: Raine Watty Twitter : @itsmeRAINE143