Gusto ko lang iwelcome ung HS Classmate/friend ko, writer na rin sya dito. Hi Bely! welcome to wattpad! :))
* * * * *
Chapter 33 - Confused
Natalie's POV
Bago ako matulog nang gabing yun ay ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na iiyakan si Troy. One last cry ko na yung kagabi. Promise mag momove on na talaga ko. Hahayaan ko nang ma-fall in love ako kay Ivan. Ayoko nang masaktan, gusto kong sumaya kasama si Ivan. Pakiramdam ko nga konting konti na lang mahal ko na sya. Hindi naman malayong mangyari kasi tuwing kasama ko sya..kinikilig talaga ko ng sobra at nararamdaman ko kung gaano nya ko kamahal!..
Kaya desidido na talaga ko na kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para kay Troy..
May Chloe na sya..
May Ivan na ko..
Bestfriends kami forever! Period.
* * *
Troy's POV
"uy bestfriend, may kwento ako sayo! Grabe sobrang memorable nung birthday ni Chloe para sakin..birthday nya tapos sinagot nya ko at syempre nagdate pa kami! Perfect na talaga!"
Kroo.kroo.kroo
Aish! Kulang na lang yan yung marinig ko mula sa paligid. Sobrang tahimik naman kasi ng taong kasama ko ngayon.
Sino pa ba?
Eh di si Nat!
Tss. Kanina pa ko salita ng salita dito pero patango-tango lang sya habang gamit ang cellphone nya.
"NATALIE DE TORRES!"
"a-ay ano ba!! Troy naman wag ka ngang manggulat!"
"anong nanggulat? Eh kanina pa kasi ako kwento ng kwentong dito, wala man lang akong marinig mula sayo..tss are you with me?"
"w-wala. Ah I mean..oo wala nga..may katext ako eh sorry naman.."
"tss. Sino ba yan?"
"si Ivan.."
Ahh..kaya naman pala.. Yung manliligaw naman pala ang katext kaya nakalimutan yata nya na may kasama sya sa kwarto nya.
Magtatampo na ba ko?
Dapat hindi kasi naiintindihan ko sya dahil ako mismo nangyari na sakin yung makalimutan sya dahil sa taong mahal ko.
So gay. Tss. Makapagdota na nga lang, hahayaan ko na lang sya makipagtext sa Ivan nya.
"bestfriend, pagamit ng computer ha?" pumwesto na ko sa computer table kahit hindi pa sya nagrereact.
"sige.."
Ang tipid naman sumagot. Mukhang feel na feel nya pakikipagtext dun sa Ivan nya.
Napangiti ako sa nakita ko pagka-on ko ng computer nya. picture naming dalawa ang nasa wallpaper.
"ang gwapo ko talaga!.."
"ha?" napansin nya yata ang tinitingnan ko at ang bilis nyang nakarating sa pwesto ko.
"ang panget! Papaltan ko na dapat yan eh, nakalimutan ko lang. sandali lang ha.." ginamit nya sandali yung computer at pinaltan ang wallpaper nito..ng picture nila ni Ivan.
"bakit mo pinaltan? Okay na eh..ang cute kaya natin dun! Tapos pinaltan mo pa nang sainyo ni Ivan.tss.."
"yan na lang para mas maganda..okay na gamitin mo na, arte nito.." bumalik na sya sa pwesto nya at nagtext na ulit.
BINABASA MO ANG
I WISH IT WAS ME
Teen FictionI WISH IT WAS ME written by itsmeRAINE Copyright © 2012 by Raine All Rights Reserved. FB account: Raine Watty Twitter : @itsmeRAINE143