CHAPTER 9 - Debbie Anne
Natalie's POV:
"Ateeeee!"
Nagising ako sa sigaw na yon, ang lakas ng boses nya, parang sa mismong tenga ko lang sumigaw e.
Hirap na hirap akong imulat ang mga mata ko pero pinilit ko na rin para maharap ko 'tong nanggising sakin.
Pagmulat ng mata ko, tama nga hinala ko, sa tenga ko lang sya sumigaw at face to face kami ngayon.
"ano ba Debbie, bakit naman ganyan ka kung manggising.." malumanay pa rin pagsasalita ko kahit ganon ginawa nya.
Ang tinutukoy ko nga pala ay si Debbie Anne, younger sister ko. She's 15 yrs. old at mas mabait ako sakanya. Hindi naman sa pagmamayabang pero sya kasi may pagka straight-forward, sinasabi nya kung anong nararamdaman nya kaya minsan dahil sa ugali nyang yun ay may nasasaktan at nakakaaway sya unlike me, ako masyadong mabait kaya nga hindi ko mabasted si Ivan e. Ayaw kong makasakit ng damdamin ng ibang ng tao lalo na ang mga mahal ko.
Si Debbie, sya ang nag iisa kong kapatid, super close kami pero kagaya ng ibang magkapatid nag aaway at nagkakatampuhan din kami pero nagbabati din pagkatapos mag usap ng maayos. Sabi nga namin dalawa na nga lang kaming magkapatid mag aaway pa ba naman kami ng todo.
"Sorry Ate! e kasi naman anong petsa na? hello mamaya tutulog na lang ulit saka ka pa gigising, bad habit yan Ate!" may pagkabakla din tong isang to e.
"Oo na eto na po, babangon na.. aga aga pa e tsaka weekend naman, hinayaan mo na lang dapat ako e." dinaig nya pa si Mommy, parang mas ate sya sakin e.
"ssshh! wala ka bang naririnig?" biglang sabi nya
"ha?, Debs, dinig na dinig ko nga e. sigawan mo ba naman ako sa mismong tenga ko"
"ay naku hindi yun. quiet muna ok? May naririnig ka bang parang nag sastrum ng gitara?" nakasmile sya sakin.
Tumahimik naman ako at pinilit kong bumangon. Lumapit ako sa pinto at dinikit ko ang tenga ko para marinig kong mabuti.
"Si Troy yun. Ang aga aga pa andito na sya.."
"uyyy si Ate, deep inside kinikilig sya.. di lang pinapahalata.. naku ha, kitang kita ko kaya sa mga eyes mo!, nagti-twinkle twinkle!"
"psh, ano bang pinagsasabi mo dyan.." pinilit kong wag mapangiti, ayaw ko talagang aminin sakanya yung feelings ko kay Troy e pero ang talas ng pakiramdam nya at lagi nya ko tinutukso pag kami lang..
"Alamo Ate, mag artista ka na lang.. sigurado ako award winning actress ka! ang galing mo kasi umarte at mag pretend na the best bestfriend in the world kay *ehem ehem* you know who! pero ang totoo hindi naman talaga pang isang bestfriend ang feelings mo for him..pero sorry ka kasi ako halata kita at hindi mo ko mapagtataguan ng mga ganyang secrets!" ^_____^
"o tapos ka na?" tinanong ko sya na parang wala lang kahit tinatamaan na talaga ko ng mga sinasabi nya..
"oo, bakit?"
"alamo pwede kang talk show host, chismosa ka kasi!"
"I'm not chismosa! ang gusto ko lang naman sabihin e you can share it with me naman e! wag mo kasing itago yan,andito naman ako, iwas effect ka naman dyan e!" medyo maarte rin sya pansin nyo?
"wala akong aaminin Debs, masyado ka lang praning to the point na pati sakin kung ano na iniisip mo."
"psh. ang gulo mo kausap, sinasabi mo pang praning ako, e ikaw na nga tong gustong tulungan dyan para sana di mo solohin ang sakit na nararamdaman mo tuwing maririnig mong tinatawag ka nyang bestfriend!"
"ang dami mong sinasabi, lumabas ka na nga at ako magsashower na ko, ginising mo na nga ako, kung anu ano pang kabaliwan ang sinasabi mo. Bata ka pa hindi mo alam yang sinasabi mo.."
"Naku, yun ang di mo alam, baka nga mas magami pa kong alam kesa sayo eh! haha!"
"anong sabi mo?" ke bata bata pa baka may boyfriend na to ah!.. baka di lang nya sinasabi samin.
"joke lang! hahahaha! Ate sabi ko lalabas na ko at ikaw magshower ka na, amoy panis na laway ka pa, eewww, after mo maligo, bumaba ka na at hinihintay ka na ni bestfriend Troy mo! hahaha!"
"baliw!"
"hahaha! denial queen!" after nya sabihin yun binato ko sya ng unan pero pinto na lang ang tinamaan kasi ang bilis nya talaga lumabas.
Hay naku.. si Debbie talaga, ganyan talaga sya sakin. Palagi nya ko pinapaamin tungkol sa feelings ko for Troy eh ayaw ko nga aminin baka madulas ang dila nya at masabi kay Troy.. Alam nyo na lahat ng pagtatago gagawin ko wag lang nya malaman ang totoo..
Kaso ang talas talaga ng pakiramdam ng kapatid kong yan!
Aish! makaligo na nga at maharap na yang Troy na yan! yang gwapo at mahal kong ... erase erase.. Yang bestfriend ko! ^___________________^
A/N:
ganyan lang pala tlaga ang haba ng isang chapter ko.. HAHA.. anyways sorry kung nagyon lang nakapag-update, tinapos ko lang talaga ang final exams namin.. kyaaaaahhh bakasyon na kami.. pero pasukan na ulet sa june.4 ahaha.. trisem eh!..
sana po may mag vote and comments.. please pagbigyan nyo na ko... (*_*)
enjoy reading! :)))
-RAiNE <3
BINABASA MO ANG
I WISH IT WAS ME
Teen FictionI WISH IT WAS ME written by itsmeRAINE Copyright © 2012 by Raine All Rights Reserved. FB account: Raine Watty Twitter : @itsmeRAINE143