CHAPTER 35- Expectation

388 11 12
                                    

Chapter 35- Expectation

[Troy’s POV]

Ang bilis ng panahon. Malapit na ang 1st Monthsary namin ni Chloe. Okay naman ang kami sa loob ng buwan na ‘to. Okay lang, meaning minsan masaya, minsan hindi dahil hindi naman nawawalan ng away o tampuhan. Pero normal naman yun sa isang relationship diba?

Pero bakit ganon… I can’t totally say na masaya ako. Hindi ko alam pero mahal ko naman sya..

Kaya lang minsan kasi..or should I say madalas.. na may hinahanap akong iba..

Ibang tao..

“Dude, may naghahanap na chicks sayo sa labas!” si Dave, blockmate ko.

Napataas agad ako ng ulo mula sa pagkakaubob ko sa arm chair ko. Hindi pa ko tulog, may gumugulo lang sa isip ko. Wala namang Prof kaya wala kaming ginagawa.

“s-sino? Si Nat ba?” yun agad ang naitanong ko.

“teka..si Natalie? Yun ba yung bestfriend mong maganda?”

“Oo!”

“ayy hindi sya eh..hmm maganda pero siguro one of your girlfriends lang..Pare hanggang ngayon ba naman?”

“Tss. Isa lang girlfriend ko. Pwede ba..o sya wag ka ng magulo, tutulog ako!”

Tss. Baka naman nga isa lang yun sa mga girls na may gusto sakin. Psh matutulog na lang ako.

Nakaupo pa rin ako pero yung nakasandal at parang pahiga na. Tinakip ko yung libro sa mukha ko.

Maya-maya naramdaman ko na lang na may nag-alis ng libro biglang pumitik ng nook o.

Bwisit! Sino ba ‘to—

O_O

“C-Chloe?”

Nakasimangot sya. “tinulugan mo lang ako, pinatawag na nga kita eh!”

Napatayo na ko. “C-chloe!”  shit. Girlfriend ko pala ang naghahanap sakin. Gago ko! “a-ah sorry..uhm bakit ka nandito?”

Napahalukipkip sya at mukhang irita na.

“I just want to be with you habang vacant time namin..okay lang pala kasi wala rin kayong klase, pero ikaw, nakakainis ka!”

Napakamot ako sa batok ko. Pano ba ‘to?

Hinawakan ko sya sa kamay at isinama palabas ng room.

“ano ba, wag na nga. Okay na tumulog ka nalang!”

“Chloe, let me explain first okay?”

Umiwas sya ng tingin.

“Hindi ko naman alam na ikaw yung nasa labas kanina eh..akala ko one of the girls lang na may—“

“nadisappoint ka kasi hindi si Nat ang naghahanap sayo..tama ako diba?”

“a-ano?”

“I heard you.. nung nalaman mo na hindi si Nat, ni hindi ka na tumingin..”

Teary-eyed si Chloe. Niyakap ko na lang sya.

“Chloe, ganito kasi yun..ineexpect ko na si Nat kasi..kasi anu, may hiniram sya sakin na isosoli nya dapat sakin ngayon..yun lang naman yun..”

I WISH IT WAS METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon