dedicated kay Pau :) new friend ko sya dito sa wattpad at sa twitter dahil kami ay JAMANTHA's :)
Chapter 10 - Hopeless Romantic
Natalie's POV:
After magshower at mag ayos ng sarili, bumaba na ko. Ang balak ko sana ay dumiretso sa kitchen para mag breakfast pero nang marinig ko ang boses nya at ang pagtugtog nya ng gitara mula sa living room e napatigil ako at parang kusang naglakad ang mga paa ko papunta doon.
Nagpaalam ka hindi ako handa
Bumabaha sa aking unan
anong gusto kong mangyari
wala na ngang masabi
dahil bigla kang nawala
papawiin daw ang luha
hinding hindi naman pababayaan
Hayy ang gwapo gwapo nya talaga lalo na pag kumakanta sya..Nakakainlove naman talaga sya e.. Hindi ko tuloy mapigilang di mapangiti habang pinapanuod ko sya.
Hindi ko na namalayang napansin nya na pala ko at at nakatitig na rin sya sakin habang kumakanta pa rin sya..
aalalayan daw hanggang sa mawala
ang sakit na nararamdaman
ito ba ang iyong diskarte
para lang masabi na ok lang ang lahat
basta papawiin.. papawiin..
papawiin daw ang luha
hinding hindi naman pababayaan
aalalayan daw hanggang sa mawala
ang sakit na nararamdaman
ito ba ang iyong diskarte
para lang masabi na ok lang ang lahat (2x
"uy bestfriend!" nawala yung smile ko nang matauhan ako dahil sa pagbato nya sakin ng throw pillow.
Tapos na pala sya kumanta, pero ako ngiting ngiti at titig na titig pa sakanya. Sana hindi nya halatang kinikilig akooo! pakshet kakahiyaaaa!
"uhh, oy! hehe.. feel na feel mo pagkanta no?" iniwas ko tingin ko sakanya.
"at ikaw feel na feel mo pagtitig sakin!" tawang tawa sabi nya..
"hindi no! feeling mo naman! hmp! magaling ka lang kumanta. yun lang yon!" defensive yata ako masyado
"alam kong magaling ako, sabi nga nila pwede na kong pumalit kay Jake Vargas sa pagiging hopeless romantic e!" pagyayabang nya
"yabang mo talaga kahit kelan! para sabihin ko sayo di mo kalevel si Jake Vargas no!" ang totoo nga nyan mas napapakilig mo ko kesa sakanya e! ay tokwa erase erase!
"to naman.. hindi man lang suportahan ang gwapo nyang bestfriend.." nag akto pang nagtatampo
"tse! dyan ka nga muna, mag bebreakfast lang ako sa kusina" tatalikod na sana ako pero biglang dumating si Mommy at si Debbie na may dalang chocolate cake at juice.
"No need to go to kitchen Ate!, here's your food dyan ka na lang kumain.."
"ha? ay hindi na.. dun na lang ako baka magkalat pa dito e.."
"sinabi nang dito na eh!" tinatarayan na naman ako ni Debbie =____________=
"tama sya dito na lang Nat, share pati kayo dyan ni Troy." pati naman tong nanay ko kampi sakanya, ano ba ko dito?
"wow! mukhang masarap Tita ah! thank you po ah!" tuwang tuwa naman si Troy na kakain na naman sya dito.
"syempre naman, pinaghirapan kaya namin yan ni Mommy, tikman mo kuya Troy! masarap ba?" excited na tanong ni Debbie.
Tinikman ni Troy ang cake "wow! Ikaw na talaga Debbie! pwede ka na mag asawa!"
"talaga Kuya? kyaaaaahh!" kinilig naman si Debbie sa sinabi ni Troy
"tse! asawa naman agad Troy?" - Mom
"hahaha! sorry po, I mean boyfriend!" -Troy
Binatukan ko nga.
"sinabi ng bata pa eh! boyfriend naman agad sinasabi mo!"
"aray ko! nagjojoke lang ako bestfriend, wagas naman makabatok.. baka mabawasan kagwapuhan ko nito eh." hinimas nya batok nya.
"hahaha! you're so cute together talaga, perfect!" - Debbie
Pinanlakihan ko sya ng mata, ang kulit talaga!
"haha! perfect.. bestfriends!" pagtatama nya sabay kindat sakin. "tara na nga Mommy, luto na po ulit tayo sa kitchen."
"Buti pa nga, at kayong dalawa kain lang kayo ha?" - Mommy
Pagkaalis ni Mommy at ng makulit na si Debbie.
"cute daw tayo together!" -Troy
Napatingin ako sakanya. Ano ibig nya sabihin?
"perfect Bestfriends!" inunahan ko na, yun din naman sasabihin nya e, mas masakit pa marinig kapag galing sakanya.
"matagal na nating alam yon. haha! tara kain na tayo, gutom ako e.!" nagsimula na sya kumain ng cake.
Napatitig na lang ako sakanya.. Kapag ganitong nasa ibang bagay ang atensyon nya sinasamantala ko na ang pagkakataon.. tinititigan ko talaga sya..
God knows how much i love this person..
Pero alam Niya rin kung gaano ko pinigilan ang sarili ko na mahalin sya.. pero wala pa rin.
Patuloy pa rin akong nagmamahal at patuloy pa ring nasasaktan..
A/N
inlove ako kay Jake Vargas kaya andyan ung name nya.. haha..
pls vote comment and become a fan!
thank you!
enjoy reading! :)
-RAiNE <3
BINABASA MO ANG
I WISH IT WAS ME
Teen FictionI WISH IT WAS ME written by itsmeRAINE Copyright © 2012 by Raine All Rights Reserved. FB account: Raine Watty Twitter : @itsmeRAINE143