CHAPTER 3 - NEW FRIEND

559 17 8
                                    

Dedicated sa aking nag iisang SOUL SIS , si ChandrekaMontebon.. Thanks sa pag support. isang certified wattpad adik din sya.. hehehe! i love you soul sis :)))

************************************************************************************************************

CHAPTER 3 - NEW FRIEND

NATALIE'S POV:

Nasa university na ko 8 a.m pa lang, excited eh. Gusto ko sana kasabay pumasok si Troy kaso 10 a.m pa daw pasok nya siguro tulog na tulog pa yon.

First subject pa lang may kaibigan na ko, o di ba ang friendly ko talaga. Nakatabi ko sya at nagkakilala agad kami. Maganda sya, ka-height ko din, ang ganda nya pag nakasmile at para syang manika.. (^.^)

" Hi, pwede ba ko tumabi sayo?" tanong nya sakin..

" ah oo naman, wala pa namang nakaupo dyan eh.." sagot ko.

" Thanks!.."

Nakatitig lang ako sa kanya.. hala! Natomboy na yata ako..

" ahmm.. may dumi ba ko sa mukha?" napahawak sya sa mukha nya..

" Ah wala! Hehe.. napatitig lang talaga ko sayo.. mukha ka kasing manika, ang ganda mo.."

" Hahaha, sabi nga nila.."

"P-pero wag mong isipin na tomboy ako ha?.."

" haha! Of course not.. di ka mukhang tomboy no.. ang ganda mo rin kaya."

" haha! Thanks naman.. "

"..hmmm you know what.. tingin ko magkakasundo tayo! By the way I'm Chloe Stefanie Lee."

" I'm Natalie de Torres. You can call me Nat. "

Nagshake hands kami.

" so, may iba ka na bang kakilala dito bukod sakin?.. ako kasi wala eh kahit dun sa place namin.." nalungkot sya..

" Bakit? Bago lang kayo dito?"

"Oo, nagtransfer kami dito from Korea last month lang.. ang hirap nga mag adjust eh although tumira na din kami dito nung bata pa ko."

"So mas gusto mo talaga sa Korea?"

" Yeah. Pero ung daddy ko nag decide na bumalik kami dito for a business purpose.. nadedepress ako kaya di ako lumabas ng bahay for a month, kaya wala pa kong friend. "

"ahh.. well pwede mo naman akong maging friend. ."

" Talaga?" (^.^)

"Oo naman, from now on ako na bahala sayo at bawal ka rin magmukmok sa bahay nyo, dapat mag enjoy ka kahit andito ka sa Pilipinas.."

"Thank you ha. Naexcite naman ako!"

Natapos ang kwentuhan namin nang dumating ang Professor namin. Wala pa namang klase kasi puro introduction pa lang kaya habang nagpapakilala ang mga classmates naming nagkwentuhan ulit kami. Ansaya pala nya kausap. Kahit half- Korean sya magaling din naman sya mag tagalog. Nakakapagtawananan agad kami, tama nga ako sa first impression ko sa kanya, mabait sya, magkakasundo talaga kami.

*****

Sa next subject magkaklase pa rin kami ni Chloe, pero introductions pa lang din kaya nagdaldalan lang kami kaya naman ilang oras pa lang ang dami na naming alam yungkol sa isa't isa.

During lunch break, hindi ko akalaing may makakasama pa kaming kakilala ko. Actually di lang basta kakilala kundi manliligaw pa.

Andito kami ngayon sa canteen ng university. Oorder na dapat kami ng may umagaw ng atensyon ko..

"Nat!"

Parang pamilyar yung boses..lumingon ako..

Sabi na nga ba eh.. si Ivan nga..

"Oh Ivan.. ikaw pala.. ano ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

" Dito rin ako nag enrol para makasama pa rin kita. "

" Ikaw talaga.. ayan ka naman eh" ang hirap nya kausapin pag nagpaparamdam sya..hindi ko naman kasi masungitan at masabihang 'hindi kita gusto Ivan.. si Troy ang mahal ko'.. mabait kasi sya.. hindi ko sya kayang saktan..

"I'm just telling the truth Nat.."

"Ah.. Ivan si Chloe nga pala.. new friend ko.. Chloe si Ivan friend ko.."

"Hi Chloe!" - Ivan

"Hello Ivan!" - Chloe

" Friend lang ba talaga girl?.. kasi bagay kayo.. you look good together, ang gwapo nya o!" bulong sakin ni Chloe na feeling ko nman pakinig ni Ivan.

" Friends kami.. pero sige na nga..nanliligaw sya.." fine ano bang masama kung sabihin diba, hindi naman yun ang secret ko..

"Yieee.. ngayon pa lang kinikilig na ko.. Ivan di pa kita kilala ha, pero if ever maging kayo na nitong kaibigan ko don't you ever hurt her or else I will punch you! Yong sobrang lakas."

"haha! Nakakatakot ka pala.. pero don't worry hindi ko sya magagawang saktan.." sincere na sabi ni Ivan..

"wow! Well lets see.. so order na tayo guys? - Chloe

" Ako na bahala sa food nyo.. dito na lang kayo at ako na bahala okay? " pag volunteer ni Ivan.

" Talaga?, thanks Ivan ha.." - Chloe

"Sure ka Ivan?" - me

" Oo ako na bahala Nat"

"okay, thanks.. "

Bakit ba kasi ang bait ng taong to sakin.. di ko tuloy mabasted eh.. feeling ko tuloy paasa ako..

After naming kumain, pumasok na ulit kami sa kanya kanya naming klase. This time hindi ko na classmate si Chloe.

Nalaman ko naman na Engineering ang course ni Ivan at dahil dito isa lang ang masisigurado ko, kahit nasa magkaiba kaming department lalapit at lalapit pa rin sya sakin.. ganon sya kakulit este ganon pala sya katyaga sakin..

I WISH IT WAS METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon