Dedicated to Lexiene, welcome to wattpad. May dedication na ko sa lahat ng LG. Hintayin ko na lang story nyo ah! Yung Inside My Heart, Our Worlds Collide at IDK His Name.. :) Haha mga title pa lang wagi na! :)
* * * * *
Chapter 16 – Morning Angel
Natalie’s POV:
Parang sinaksak ang puso ko sa nakita ko mula sa kinatatayuan ko..
Hindi ko alam kung nasan ba ko.. pero isa lang ang sigurado ko..
Sila yun..
Ang Bestfriend ko..
At ang kaibigan ko..
Si Troy at Chloe..
They’re kissing each other..
Totoo ba to?
Sana nananaginip na lang ako..
Sana magising na ko..
“Hoy!”
Huh? Sino yon?
“Uwaaa!”, naiyak ako..di ko na alam nangyayari.. ang sakit kaya ng nakita ko.. ngayon ko lang nailabas nararamdaman ko.. “huhuhu..”
“O, anong nangyari? Binabangungot ka ba?”
Huh? Teka nasa langit na ba ko? Bakit may gwapong anghel sa harapan ko?
Pinitik nya noo ko. “Ouch!” aba ayos tong anghel na to, FC masyado!
“Hoy!”
0____0
“Troy??”
Anong ginagawa nya dito? Diba nga nakita ko sila ni...
Kung ganon panaginip nga lang! hay salamat.. nakahinga ako ng maluwag.
“Tss..buti na lang pala ginising na kita..ano bang panaginip yan at umiiyak ka?..”
Si Troy talaga ‘tong nasa harapan ko..Pinunasan nya luha ko. Grabeng panaginip yon..napaiyak ako..
Hindi ko napigilan ang sarili ko..niyakap ko sya..
“Takot na takot ka ah..ano ba napanaginipan mo?..” nag aalala nyang tanong, hinagod nya pa likod ko.
Umiling ako. “W-wala yon.”
“Ano nga kasi yon?”
“Eh kasi ikaw dyan eh!”
“anong ako?”
“Ah wala! Sabi ko bakit ka ba nandito? Bakit ikaw ang nanggising sakin?.”
“Buti nga ginising pa kita eh. Alamo ba kung anong oras na?.”
Tiningnan ko ang alarm clock ko sa may bed side table.
0__0
9 o’clock??
“Bakit ganyan ang oras?”
“..malay ko..”
“Bakit ba di nag alarm ‘tong alarm clock na to?”
“..ewan..”
“Bakit puro ganyan mga sagot mo?”
“..ewan ko rin..este eh sa hindi ko alam eh!”
BINABASA MO ANG
I WISH IT WAS ME
Teen FictionI WISH IT WAS ME written by itsmeRAINE Copyright © 2012 by Raine All Rights Reserved. FB account: Raine Watty Twitter : @itsmeRAINE143