CHAPTER 3

134 7 0
                                    

CHAPTER 3

ELLIE POV

"Doc, ano to??Bakit nag kakaganyan ang kaibigan ko??" Tanong ni Elaine at naluluha parin sya.

Agad kong hinimas ang kanyang likuran bago nag salita.

"Bunso, siguro kailangan mo munang bigyan ng oras si Yam kasi kagigising nya lang."Sabi ko at pinapakalma sya.

"Tama ang kuya mo Ms Rodriguez. Tsaka magandang balita na gumising na si Ms Cortez kagagaling nyalang sa comatose kaya ang kanyang memorya ay pansamantalang nawala. Yung kanyang brain ay nag dedevelop pa lamang pero di mag tatagal ay makikilala kana rin ni Yam.Maybe not now,but soon!!." Sabi ni Doc tumango sya at agad syang nag pasalamat sa Doctor bago pinuntahan si Yam.

Tulala ito at naka tingin sa labas ng bintana naka upo sya sa kanyang higaan.

Nilapitan nya si Yam habang naka ngiti pero kita ko sa kanyang mata ang isa isang pag patak ng luha nya patungo sa kanyang pisngi.

Nag alala ako sa kapatid ko.

"Yam."Tawag nya dito at umupo sa tabi nya.

Tinignan naman sya ni Yam.

"Okay lang oh kayo?"Tanong ni Yam sa kanya at agad nyang pinunasan ang luha ni Elaine kaya mas lalong humagulgul si Elaine habang naka tingin sa kaibigan nya.

"*Sniff*, Oo naman. Alam mo Yam nawala man ang memorya mo pero andito parin ako at hindi kita susukoan. Sana maalala monarin ako alam mo miss na miss na kita."Sabi ni Elaine walang reaksyon si Yam at tumango lamang sya.

"Talaga po bang kilala kita?"Tanong nito tumango naman si Elaine.

"Oo, kilala mo ako kasi bestfriends tayo eh,alam mo nag papasalamat ako sayo, in the same time nakukunsensya rin. Alam mo kong bakit? Dahil niligtas mo ako sa kapahamakan at niligtas mo ako sa kasamaan ni Kim."Sabi nya ngumiti naman ako..

Pero nawala ang ngiti ko.

Anong Kim? Teka saan si Kim?

Napapansin ko na nawala nalang si Kim na parang bula hindi na sya nagpakita.

Habang nag uusap sila sinabihan ko si Elaine na lalabas muna ako at bibili ng amin makakain ngumiti naman sya at tumango kaya lumabas na ako.

Bumili ako sa di kalayuan sa hospital at babalik  na sana ako ng may isang babae ang napasigaw.

"Mag nanakaw!!Tulong!!"Sabi nya kaya dalidali kong hinabol ang mag nanakaw at nakita ko syang napa ngisi sa akin habang hawak hawak nya ang isang bag na pang babae.

Sa di kalayuan may isang kutse ang nag mamadaling nag maneho at hindi nakita ng lalaki yun kaya nabangga ito kaya nawalan sya ng malay.

"Buti nga sayo."Sabi ko at nilapitan sya. Agad kong kinuha ang bag ng babaeng ninakawan nya"Manong pwedi poba patawag ng police? Sila narin oh bahala sa lalaking ito,nag mamadali kasi ako"Sabi ko agad naman pumayag si manong at agad na akong umalis.

Dalidali kong pinuntahan ang babae at nagulat ako ang putahi na akin binili ay nasa kamay ko parin bitbit ko akala ko kanina nong hinabol ko ang mag nanakaw ay nabitawan ko ito.

Nong naka lapit na ako sa babae ay agad kong inabot ang kanyang bag.

Napa ngiti syang tumingin sa akin.

"Thankyou."Sabi nya at sa di kadahilanan dahilan ay bigla nya akong hinila palapit sa kanya at hinalikan nya ako sa labi ko mismo. Kaya sa gulat ko ay nabitawan ko ang bitbit ko at kumabog bigla ng mabilis ang akin puso.

Naramdaman ko nalang na dumaplis ang labi nya sa labi ko.

Nong nagising ako sa katotohanan ay bigla ko syang tinulak palayo sa akin at pinunasan ko ang labi ko.

"Miss, hindi ko alam na ganyan ka kaaggresive ganito ba ang sukli mo sakin? Ang halikan ako? Pwest hindi ako natutuwa!!"Sabi ko at kinuha kona ang akin nabitawan kanina at kaagad na akong umalis.

Humingi sya ng tawad at may sinabi pa sya habang palayo ako sa kanya ngunit hindi na ako nag abala pang lingonin sya.

Ninakaw nya na ang first kiss ko!!

.
.
.

BLASTER POV:

"Niyaya moba ako dito upang mag paka lasing?"Tanong ni Kuya felix kaya ngumiti ako at bumalik sa akin ginagawa.

Uminom lang ako habang sya naman ay naka tingin lang sakin. Biglang may tumawag sa kanyang cellphone hindi koyun narinig dahil hindi naka loud speaker ang phone nya.

"Sige" Yun lang ang narinig ko sa boses ni kuya Felix at binaba nyana ang tawag.

"Pwedi bang mag bago kana??Blaster, gising na si Yam binalita sa akin ni Elaine, alam ko magagalit sya kapag malaman nyang sinabi ko ito sayo pero kailangan morin malaman. Ito na ang pagkakataon mo upang bumawi kay Yam at ng mapatawad ka nya. Wag puro kalasingan ang laman ng utak mo!"Sabi ni Kuya Felix kaya bigla akong napa tayo.

G-gising na sya?

Aalis na sana ako ng bigla nag salita ulit si Kuya Felix.

"Bukas kana pumunta don,lasing kana oh."Saway nya sakin pero umiling ako.

"Gusto kolang syang makita.Tsaka hindi pa ako lasing kunte pa lamang ang akin nainum."Sabi ko.

Pero nararamdaman kona na kunteng inum nalang ay malalasing na ako.

Hindi ako papayag na hindi kami magka bati ni Yam.

.
.
.

THIRD PERSON POV:

Ilang araw na ang nakalipas at pwedi ng maka uwi si Yam.

Laking tuwa ni Elaine naibsan ang kanyang lungkot dahil kahit papaano eh bumalik na ang kaibigan nya.

"Ms. Rodriguez may kasama ba si Ms Cortez sa kanyang bahay?"Tanong ng Doctor umiling si Elaine.

"Wala po syang kasama dahil nasa abroad ang kanyang mga magulang kaya minsan doon sya natutulog sa bahay namin minsan sinasamahan korin sya sa kanilang bahay."Sabi ni Elaine.

Ilang minuto bago nag salita ang Doctor.

"Wag nyo monang hayaan na mag isa si Ms. Cortez sa kanilang bahay dahil baka ano ang mangyarie sa kanya lalot pa hindi pa sya naka alala. Kaya mas mabuting don muna sya sa inyong bahay. At magandang pagkakataon ito upang mas lalong bumilis ang pagbalik ng kanyang memorya kapag palagi nyo ipa-alala sa kanya ang mga alaala na nalimutan nya."Sabi ng Doctor kaya tumango naman sya.

"Maliwanag po."Sabi ko.

Nong aalis na sila sa Hospital ay bigla nalang tumigil sapag lalakad si Yam at bigla nalang napa hawak sa kanyang ulo at napa sigaw ito ng napakalakas.

"Arhhh!!."

Dalidali syang tinulungan nila Elaine at Ellie at pinaupo muna sa bakanteng upoan

"Yam, okay kalang?"Tanong ni Elaine sa kaibigan nya.

"Elaine? Anong ginagawa ko dito sa hospital?"Tanong ni Yam kay Elaine kaya napaluha ito dahil sa saya

"Bumalik na ang ala-ala mo Yam."

TO BE CONTINUED...

TIME TRAVEL (SEASON #2) [COMLETED]Where stories live. Discover now