CHAPTER 16

119 5 0
                                    

FLASHBACK

9 YEARS AGO

JASPER JEAN MARIANO-WATSON POV

Ang sakit ng ulo ko ng magising ako potek sobrang sakit na nga ng ulo ko ang sakit pa ng nasa pagitan ng mga hita ko.

WAIT! WHAT? Napadilat ako dun ko napansin wala ko suot kahit ano at may nakadantay na braso sakin tinignan ko naman kung kanino at lalo nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang Hari ng mga ulupong na tulog na tulog at nakayakap pa sakin. Napapikit nalang ako ng mariin bago dahan dahan alisin ang mga braso ni Kiefer na nakadantay sakin. Nang maalis ko to ng hindi siya nagigising ay agad ako tumayo at nagbihis.

Paglabas ko ng kwarto ni Kiefer ay agad ako bumaba nakita ko naman ang mga ulupong tulog pa din kaya agad na ko umalis sa Mansyon ni Watson. Potek nahihirapan ako maglakad sa sakit na nasa pagitan ng mga hita ko pero pinipilit ko pa rin idiretso ang lakad ko. Buti nalang may dumaan na taxi kaya nagpahatid na ko sa bahay. May pambayad ako ng taxi umumit ako ng 1k sa wallet ni Kiefer siguro naman okay lang yun asawa ko naman na siya.

AYY P*TA ASAWA KONA SI WATSON? WAIT! ANONG KATANGAHAN ANG GINAWA MO JASPER JEAN!! KAKALBUHIN KA TALAGA NG DEMONYO ESTE NI KUYA ANGELO NIYAN!

Pagbaba ko ng taxi nagdadasal na ko wala sana si kuya angelo sa loob at pilit dini diretso ang lakad ko, sa kamalas malasan naman di yata talaga ko favorite ni Lord kasi nakaupo sa gitna ng sala si Kuya Angelo at nakatingin agad sakin ng masama nasa tabi niya si Tita Gema na nakangiti sakin na para bang sinasabi niya na "I got your back Jayjay ko" si Aries naman masama din ang tingin sakin.

"ku-kuya hehe good morning" ngiti ko sabi, potek kinakabahan ako mukha magbabye na ko sa kilay ko ah.

"ANO ORAS NA JASPER JEAN!?" nakakatakot na sabi ni Kuya

"Ah eh ano wala ko dala relo tsaka lowbat phone ko hehe, akyat ako sa taas kuya check ko sa orasan dun" ngiti ko sabi na lalo naman nagpakunot ng noo ni Kuya

"Puro ka talaga katarantaduhan noh!" sigaw naman sakin ni Horoscope, sapakin ko kaya to

"Aries!" saway naman ni Tita Gema, napanguso nalang ako si Tita lang talaga ang kakampi ko dito huhu.

"JAY, SABI MO HANGGANG 10 PM KA LANG ANONG ORAS NA? INUMAGA KANA SA LABAS UWI BA YAN NG MATINO BABAE!" nakakatakot na sabi ni kuya angelo

"ka-kasi kuya ano ano kasi lasing kasi sila walang magaalaga" nakayuko sagot.

"HINDI MO NAMAN TRABAHO ALAGAAN ANG MGA YUN! ANO KABA YAYA OH BAKA NAMAN YUN ANG PANGARAP MO SA BUHAY MAGING YAYA LANG" inis na sabi ni Aries sakin sinamaan ko naman siya ng tingin, bwusit to!

"Aries sumosobra kana ah, nagpaalam si Jayjay sakin" sabi ni Tita Gema bago lumapit sakin at hinawakan ang braso ko "tigilan niyo na si Jay tumawag siya sakin kagabi para sabihin di siya makakauwi nawala sa isip ko sabihin sayo Angelo" pagsisinungaling ni tita para sakin napangiti naman ako mas love talaga ko ni tita Gema kaysa kayla Kuya at Aries huh, advantage ko yun.

bumuntong hininga na lang si Kuya Angelo "sige na magayos kana may pasok ka pa mamayang hapon" tumango naman ako at agad naglakad ng diretso paakyat kahit gustong gusto kona ngumuwi kasi potek ang sakit. Bat ganto to? Pagtapos ng sarap hirap naman ganun bago pa ko makapasok sa kwarto ko hinila ko ni Aries paharap sa kanya.

"Did Kiefer do something to you?" seryoso sabi niya na nagpalaki sa mga magaganda kong mata. "Chill Kuya Aries, wala noh" simple ko sabi kahit lalo sumakit ang mga nasa pagitan ng hita ko sa ginawa niyang paghila at pagikot sakin

"Siguraduhin mo lang Jay, kung hindi ako mismo kakalbo sa kilay mo" banta niya bago pumasok sa kwarto niya nagbuntong hininga nalang ako bago pumasok sa kwarto ko.

TIME TRAVEL (SEASON #2) [COMLETED]Where stories live. Discover now