CHAPTER 14

138 4 0
                                    

CHAPTER 14

ELAINE POV:

Hapon na pero Hindi ko parin maisip kung ano ang nangyari at Anong delikado sa sinasabi ni Mark?.

At kung bakit at paanong nangyaring Buhay si Mark?.

Mula kahapon ay hindi ko na Nakita pa si Oliv.

Hindi ko maisip kung Anong nangyari Kay Oliv? Hindi naman sya Ganon sakin dati? Tutal mas gusto pa nga nya na nasa tabi nya Ako lagi eh. Tapos Ngayon? Hindi ko na talaga sya maintindihan.

"Ano ba talagang nangyari Sayo, Oliver?"

"Bakit? Kailangan mo pa akong pagtangkaan? May ginawa ba Ako Sayo?"

Napa-luha nalang Ako dahil sa mga iniisip ko at sinasabi ko.

Gusto kong kalimutan Muna ang sakit na nararamdaman ko kaya naligo Muna Ako bago bumaba.

"Inay, Alis lang ho Ako?" Paalam ko Kay Inay.

Nagtatahi sya ng butas na short ni Kuya sa sofa. Tumingin sya sakin.

"Sige, mag-iingat ka.." Sabi nya.

Ngumiti Ako at hinalikan sya sa pisnge bago lumabas ng bahay.

Pumunta Ako sa Isa sa mga favorite naming tambayan ni Yam. Ang Library.

Dito ko sa library nilalabas lahat ng problema ko at Dito ko rin nakakalimutan ang mga problema ko. Dahil sa pagbabasa.

Habang nagbabasa Ako ay may napansing akong pamilyar na pumasok sa loob ng Library.

Yinuko ko ang mukha at tinago sa binabasa kong libro pero ang mata ko ay nagmamasid sa kanya.

Jelai Sanchez...

Anong ginagawa nya Dito? Diba nasa ibang bansa to?

Inilis ko nalang ang mga nasa isip ko. Sinundan ko ang bawat galaw nya. Hanggang sa tumayo sya sa harap mismo ng mesa ko.

"Miss, pwedeng maki-upo?" Paalam na Sabi nya.

Hindi ko alam kung Anong gagawin ko at sasabihin ko.

Kapatid ng boyfriend ko ang nandito sa harap ko mismo!

"Hmm" Yan nalang ang nagawa ko. Habang Hindi parin tumingin sa kanya.

Umupo sya sa harap kong bangko at nagbuklat din ng Libro.

"Anong name mo?" Tanong nya kaya kinabahan Ako.

"E-el--" Hindi ko matuloy kung sasabihin ko ba or Hindi na pero "Ella"

Wala na akong choice kung Hindi magsinungaling sa kanya. Kahit ayokong magsinungaling ay Wala Akong choice dahil alam kong Malaki ang Galit nya sakin.

Dahil Ako ang sinisisi nya sa pagkamatay ng Kuya nya.

"Nice to meet you, Ella" Sabi nya.

"Hmm"

"Btw, I'm Jelai."

"Nice to meet you too" Sabi ko.

Hindi na sya nagsalita kaya kunwari ay nagbabasa ako at mabilis na tinapos.

Tumayo Ako pero Hindi ko parin inaalis ang libro sa mukha ko. Lumakad Ako Hanggang sa makarating sa mga Cabinet para ibalik ang libro at mabilis na umalis ng Library.

Tumakbo Ako Hanggang sa makarating Ako sa isang mc donalds malapit sa hotel.

Pinunasan ko ang pawis at Huminga ng malalim.

Ilang Oras pa ang lumipas ay nagtagal Ako Dito sa Mc Donalds. Hanggang sa makita ko ulit sya na may kinakausap sa harap ng hotel.

Niyakap nya ang lalaki at ng lumingon ang lalaki ay dun ko napagtanto na si Oliver ang lalaki.

TIME TRAVEL (SEASON #2) [COMLETED]Where stories live. Discover now