CHAPTER 8
KELSIE POV:
Kakauwi ko lang ng bahay galing sa Kumpanya kung saan nagtatrabaho si Elaine.
Narinig ko sa usapan ng mga ka-trabaho ni Elaine kanina sa Kumpanya nila ay nasa hospital daw si Elaine at sa makalawa daw ay pwede na daw syang lumabas. At Yung lalaki daw na sumaksak sa kanya ay nasa kulungan na daw.
Argg! Wala talagang kwenta Yung lalaking yon. Sabi ko patayin pero bakit Ngayon Buhay pa rin?!
Pagbukas Ako ng pinto ay bigla namang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito ay sinagot Ang tawag ng Isa ko pang tauhan.
"Hello madam, Okay na ho ang pinag-uutos nyo." Sabi nya sa kabilang linya.
Pagkalabas ko ng Kumpanya kanina ay tinawagan ko na ang attorney ko at ipinasama sa kanya ang isnag tauhan ko which is itong kausap ko para pagkasa-walang bisa ang Kasong isinampa sa tauhan ko at makalaya ito.
"Good. Tulungan mong gamutin ang mga sugat nya then punta kayo Dito sa Bahay dahil may pag-uutos Ako sa inyo sa makalawa." Sabi ko.
"Sige po." Sagot nya kaya pinatay ko na Ang phone.
Inis akong dumaretso sa kwarto.
Ikaw talagang babae ka! Nang-gigigil Ako Sayo!!
.
.
.ELAINE POV:
KINABUKASAN ay Nagising Ako dahil sa ingay ng katok sa pinto. Kaya ginising ko si Kuyang natutulog sa gilid ko.
Si Inay ay natutulog sa Sofa rito sa loob ng Hospital room. Hindi ko na sya Inaba at si Kuya ang ginising.
"Hmm?" Ungot nya.
"May kumakatok." Sabi ko kaya Minulat nya ang Mata nya.
Kahit pungas pungas at Tayo Tayo ang buhok pa ang itsura nya ay tumayo na sya para pagbuksan kung sino ang nasa labas.
Pagbukas non ay bumungad si Kuya Felix na parang namomoblema.
"Pre, aga naman ng pagbisita mo sa lamay? Buhay pa ang kapatid ko." Sabi ni Kuya kaya binato ko sya ng unan.
"Kuya!"
"Hehe, Joke lang, Bunso." Tawang Sabi nya bago humarap Kay Kuya Felix. "Good morning, pre ano nga pala sadya mo?" Seryosong tanong ni Kuya.
"Si Wilbert nakalaya!" Giit na Sabi nya kaya nagulat kami ni Kuya.
"Bakit?!"
"Paano?!"
Sabay na tanong namin ni Kuya. Napa-upo Ako sa higaan ko dahil sa Galit.
"May nagpiyansa at nag-ayos ng Kaso nya. Si Atty. Santos!" Inis na sabi ni Kuya Felix. "Alam nyo?! Sadya to eh! Sinadya to! At Yung attorney na Yan?! Feeling ko kasabwat Yan eh!" Galit naman na Sabi nya.
"Teka pre! Paano mo naman na Sabi Yan?!! Alam mo ang kapalitan sa Oras na mali ang hinala mo?!" Sabi naman ni Kuya sa kanya.
Kahit Ako natatakot para sa trabaho ni Kuya Felix dahil pag mali ang hinala nya ay pwede syang matanggalan ng lisensya bilang pulis.
"Alam ko! Pero Kasi?! Dumaan ang maraming taon na Wala na namang tumangka sa Buhay ni Elaine pero Ngayon?! Tapos Yung Attorney na Yan?! 1 week palang naka-kulong si Wilbert laya agad?!" Galit na sabi nya.
Bumaling sakin si Kuya Felix.
"Elaine, may naka-lagay ka ba na pwedeng gumawa Sayo nito?" Tanong nya sakin kaya umiling Ako.
YOU ARE READING
TIME TRAVEL (SEASON #2) [COMLETED]
Mystery / ThrillerSeason #2 ng Time Travel. Kung hindi niyo pa nababasa ang Season #1? Ay basahin niyo na para sabay sabay tayong malito at maging detective ng wala sa oras haha. Main Characters. Same as Season #1 but we added more characters here.