CHAPTER 1

147 9 0
                                    

CHAPTER 1

THIRD PERSON POV:

"Babe, hindi moba ako kayang ipaglaban sa kanila? Bakit ang hirap sayo ipakilala ako sa kuya at Nanay mo?" Seryusong tanong ni Oliver

Kaya tinignan sya ni Elaine ng seryuso din at napa buntong hininga bago nag salita.

"Sa pag kakaalam nila patay kana. At tsaka napakilala na kita noon sa kanila ayaw kong magulat sila lalo na yung Nanay ko at baka ikasama pa yun ng pakiramdan nya. Akala koba ikaw ang makaka intindi sa akin pero bakit ang hirap hirap sayo intindihin yun?" Sabi ni Elaine at napa luha ito.

Hindi nya alam kong ano na ang nangyayarie kay Oliver sa pag kakaalam nya ang bait bait ni Oliver at hindi nya kayang saktan si Elaine ng ganun. Maintindihan nya si Elaine kasi nag iisip sya ng matino pero ibang iba ang oliver na nasa harapan nya.

Tila ang hirap hirap nya sabihan at pakiusapan.

Pag katapos ng usap nila tumungo si Elaine sa hospital kong saan  naka comatose si Yam.

"Yam." Hinawakan nya ang dalawang kamay ni Yam at napapaluha ito sa kalagayan ng kanyang kaibigan na isang buwan ng walang malay.

"Kong nagising kalang sana may pag sasabihan na sana ako ng akin mga problema, meron sana ako kasandal sa akin mga problema at gagaan ang pakiramdam ko. Sana ay magising kana ng tuluyan at ng may kasama na ako muli. Hindi kona sya na intindihan, hindi kona na intindihan si Oliver nag iba na sya iba iba na sya ngayon kong meron man ako gustong ma kausap ay ikaw yun Yam kailangan kita."Sabi nya at napa luha nalang sya ng tuluyan.

Hinihiling nya na sana ay magising na ng tuloyan ang kanyang kaibigan.

.
.
.

ELLIE POV(KUYA NI ELAINE)

Habang kumakain kami sa hapag kainan ay nakita ko si Elaine na mukhang malungkot ito at malaki ang problema nya.

"Oi oi ano yan ah? Bat malungkot ang makulit kong kapatid? Hindi yata ako sanay dyan ah."Sabi ko at pinisil pisil ko yung kanyang pisngi upang matuwa naman sya.

"Kuya naman."Sabi nya at naiinis itong tinignan ako

"Ellie, alam munamang malungkot ang kapatid mo binibiro mopa. Ikaw talagang bata ka."Saway ni Nanay sa akin kaya ngumiti ako

"Inay, kaya ko nga sya kinukulit kasi hindi ako sanay itong bunso ko eh malungkot, smile kana Elaine."Sabi ko kaya ngumiti naman sya ngunit alam kong sa kaluob luoban nya ay malungkot parin sya

Pagkatapos namin kumain niyaya ko sya na mag pasyal kami sa labas upang kalimutan nya muna ang mga problema nya.

"Alam mo bunso, wag mo munang isipin si Yam magigising rin sya panigurado. At si oliver parin ba?Matagal na syang patay bunso, humanap ka nalang ng iba na makapag pasaya sayo."Sabi ko kaya napa hinto sya sa pag lalakad at tinignan ako.

Imbes na ngumiti sya ay hinampas hampas nya ang dibdib ko at napa luha ito.

"*Sniff* ,akala moba madali lang??Kuyaaaa hindi mo alam ang pinag dadaanan ko ngayon!!! Gumuguho na ang mundo ko ngayon, kong alam molang kong gaano kasakit ang pakiramdam ko ngayon."Sabi nya at tumigil sya sa pag hampas sa akin.

Napahilot sya sa kanyang sintado at napa upo sa bench.

"Pasensya bunso."Sabi ko at niyakap sya ng mahigpit. "Pero pakiusap? Pwede bang wag kang maging malungkot? Kaya kita dinala dito kasi alam ko dito ka gagaan at kahit panandalian lang ay sana makalimutan mo yung mga problema mo." Sabi ko tumango sya.

Agad kaming pumunta sa park at nag enjoy naman sya sa mga laro pumunta kami sa mga rides.

Napapansin ko lang habang nag lalakad kami ay tila parang may sumusunod sa amin.

Napatingin ako sa di kalayuan sa kahoy ay may isang lalaki ang naka tago don at nong tumingin sya sa amin ay biglang lumaki ang akin mata.

Si si Oliver bayon?

TO BE CONTINUED...

TIME TRAVEL (SEASON #2) [COMLETED]Where stories live. Discover now