wan

2.7K 99 32
                                    

Dedicated kay ohhmyselu. Kamsahamnida Saeng for the cover!! Saranghaeyooo~ Ang ganda eh~

❌❌❌❌❌

ByunBaekHyun•

Whoo! Sa wakas uwian narin! Nakasurvived ako sa challenge ng school! Sumali kaya ako sa Survivor Philippines? Edi nadiscover pa ng buong Pinas ang beauty ko.

Asan na ba yung higanteng yun? Andito ako ngayon nakatayo sa school grounds, naghihintay kay Chanyeol. Nagtitinginan naman sakin yung mga estudyanteng dumadaan. Tsk, ang ganda ko talaga. Ako lang naman kasi ang nag-iisang Diva dito sa school namin, ang V-Paco University. Taray ng name noh?

Hindi nagtagal nakita ko narin si Chanyeol kasama ang girlpren niyang malandi. Naknang. Sakit sa mata. Nakita niya ako kaya nagpaalam agad siya dun sa girlpren niya na si, ano nga pala ulit name nun? Oh I don't care! Hindi worth it ang name sa beauty ko!

Lumapit na sakin si Chanyeol at sabay na kaming naglakad pauwi. Sa iisang bahay lang kami nakatira eh, actually 12 kame dun.

" So kamusta ang monthsary niyo? " Tanong ko, monthsary kasi nila ngayon ni, name nun? Ay ewan. Nakalimutan ko nga diba.

" Ni Tam Ody? Shet Baek! Ang saya kanina! Doon kami sa janitor's room! " Ayun Tam Ody nga pala ang name. Jongina ang baho ng name niya.

" Anong rank? " Tuwing nagkakagirlpren kasi siya tinatanong ko kung anong rank. Means kung gaano kagaling dun sa 'chuchu'. 1 ang hindi magaling at 10 ang wild and yummy.

" 8, grabe ang hot niya! " Yuck eeww kadiri! Hindi na ako nagtanong at hinayaan na siyang magsalita. Kwinento niya sakin kung paano sila nagchuchu kanina. Pakyeol siguro kung wala kami dito sa public halos detalyado niyang ikwkwento sakin yun! My innocent ears! Yan, natuto tuloy ako ng libre. Hihihi~

Nakarating na kami sa bahay. Gabi na kasi uwian namin eh. Yung ibang kasamahan namin andito na, at yung iba wala pa kasi may tinitira pa ata. Agad akong umakyat sa kwarto at nagpalit ng damit. Pagbaba ko nakita ko si Chanyeol na nakaupo sa sofa at nagtetext.

" Busy ka dyan ah? "

" Nakipagbreak na ako kay Tam eh. " Ano? Break? Sila? Tumayo ako at huminga ng malalim bago sumigaw.

" JONGINA PARK CHANYEOL! NAKIPAGBREAK KA NANAMAN! MAMAYA TALAGA PAG AKO HINDI NAKATULOG NG MAAYOS DAHIL SA KAKASIGAW NG TAM ODY NA YAN SA LABAS NG BAHAY! SISIGURADUHIN KONG SA LABAS KA MATUTULOG!!! " Natakot naman siya sa akin kaya kinuha yung maliit na unan at pinangtakip sa sarili. Tignan mo 'tong gagong toh. Ang laki laki niya pero maliit na unan ang ginamit.

" CHANYEOOOOOOOOOOL! "

Napakagat labi naman ako ng marinig ang sigaw na yun. JONGINA YAN NA NGA BA ANG SINASABI KO! Nasa labas ngayon ni Tam Ody at sumisigaw ng Chanyeol. Ganyan lagi ang mga babae ni Chanyeol tuwing nakikipaghiwalay siya. Magsstay sa labas at sisigaw na nagmamakaawa na bumalik siya. Huta gaano ba kasi kasarap si Chanyeol at ayaw nilang makipaghiwalay? Matikman nga minsan. Pwe.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang KaiSoo. Tungunu san naman kaya nagtirahan ang dalawang toh at ngayon lang dumating? Kahapon kasi dun sila sa Storage Room ng school. Hindi manlang nilinis ang mga puti, hindi na nahiya.

" Chanyeol may babae sa labas umiiyak, hinahanap ka. " Sabi ng Kyungsoo at umalis ng sala. Tumingin naman ulit ako kay Chanyeol.

" Sinasabi ko sayo Park Chanyeol! Paghindi mo napaalis yan sa labas ka matutulog! Sige ka walang cr dun hindi ka makakapagmaster— "

" Oo na! Eto na nga! Lalabas na! " Sabi niya at lumabas na ng bahay.

Kanina tuwang tuwa siya at kwinento pa sakin ang chuchu nila ngayon naman parang wala lang at nakipagbreak na siya agad. Hay kawawa naman yung mga nagiging girlpren niya. Ay hindi swerte pala kasi natikman nila ang isang Chanyeol. Nagtataka lang ako kung bakit tuwing monthsary nila tsaka siya nakikipagbreak. Ewan. Tss ang importante break na sila! Huahuahua!

Pumunta nalang ako ng kusina para uminom ng tubig. Nakita ko doon si Kyungsoo na busy sa pagcecellphone. Himala! Hindi sila magkasama ni Kai! Napakanta tuloy ako.

" Kyungsoo kumain kana? " Tanong ko sa kanya.

" Yup. " Sabi niya ng hindi parin inaalis ang tingin sa cellphone niya.

" Anong kinain mo? " Napatingin naman siya bigla sakin ng ngiting ngiti. Nananakot ba toh? Ang creepy ng smile nya pramis. Kumuha nalang ako tubig at nilagyan ang baso ko. " Gatas, " Sagot niya. Gatas nakakabusog ba yun? Tatanungin ko pa sana siya ng magsalita ulit.

" ni Kai. "

❌❌❌❌❌❌

Oh diba kurnee. Huehuehue.

Byun Baekhyun's Property [CHANBAEK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon