tin

1.3K 66 26
                                    


•ParkChanYeol•

Andito ako ngayon sa park dahil napagdesisyonan kong mag-excercise dahil baka hindi na ako maging healthy. Kakatapos ko lang magjogging at naupo sa isang bench. Hay kapagod ng buhay. Ngayon lang ulit ako nakapagexercise dahil sa dami ng problema ngayong mga nakaraang araw. Buti nalang tapos na siya.

Thanks to my bestfriend Baekhyun, bihira nalang talaga ang mga tunay at hindi plastik na kaibigan ngayon. Nang dahil sa kanya hindi tumagal ang pananakit sa akin ni Angelea, natigil yun. Im really lucky for having him, kahit na greenminded pa siya. At kahit na lagi niyang iniisip na ang hina ko sa english at hindi ako matalino. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko na yun.

Tahimik kong pinagmamasdan ang paligid nang may biglang tumawag ng pangalan ko. Paglingon ko, si Angelea.

Tumayo ako sa bench at akmang aalis pero hinawakan niya ang kamay ko na agad kong hinila palayo. " Didn't I said that don't you ever show your face to me?! "

" Please C-chanyeol. Nagmamakaawa ako. Kahit huling beses nalang 'toh. " Ayan nanaman siya. Iiyak nanaman. Eto ang ayaw ko sa kanya, masyado siyang mahina.

Araw-araw nalang siya ganito, tinatadtad ako ng text, tinatawagan oras-oras, laging minemention sa mga sns accs at sinusundan ako. I glance at her and I saw how broken she was. Pulang pula ang mga mata kakaiyak, she's so skinny too, ang laki rin ng pinayat niya.

Seeing her in this state pains me, pero hindi ako ganon katanga.

I've experience this once, I won't let myself experience this for the second time.

Pero sobra na 'toh. Hindi ko naman siya bibigyan ng chance diba? Papakita niya lang sakin ang totoo. There's no harm in trying right?

" How can I sure that what you're about to say is true? " Sabi ko na napangiti naman siya ng konti.

" I can give you a proof. Thank you. "

×××××××

" Kyungsoo! " Pagdating ko sa bahay agad akong dumiretso ng kusina para makita siya. Kailangan ko siyang tanungin ng mga bagay bagay.

" Oh Chanyeol bakit? " Sagot niya na hindi manlang ako tinitignan dahil busy sa pagbabasa ng libro na Harry Potter. Seriously? Ngayon lang ba umuso sa kanya yan?

" Pwede ko bang itanong kung anong ginawa niyo ni Baek last Thursday? " At dun sa sinabi ko napaangat na siya ng tingin sa akin at napabuntong hininga. Parang medyo natense din siya. Bakit?

" O-okay. Uhmm where will you want me to start? " He's stuttering. He knows something na ayaw niyang ipaalam. I know this expression.

" Yung dun nalang sa pagda-drawing nyo. " I said in a serious tone.

" Uhmm. " Lumunok muna siya bago magsalita. " Okay yun nga dahil wala kaming nagawa, ayun natripan namin magdrawing. Tapos nung nagutom kami kumain na kami. Tapos umakyat na kami. Pero nakalimutan ko yung vitamins ko, kaya nag-insist siya na siya nalang kukuha. " He continued. " Himala nga eh tinulungan niya ako. Tapos after nun, medyo inantok ako. Nakaidlip ako ng saglit, paggising ko andun parin siya. Nagda-drawing. Ayun! " Huh? Yun na yun? Hindi kaya nung mga oras na tulog si Kyungsoo tsaka umalis si Baek? Pero saglit lang naman daw siya nakatulog diba? Pero pwede naman din na ibahin ni Baek ang oras. Sino ba ang paniniwalaan ko? Baka naman niloloko lang ulit ako ni Angelea para masira ang friendship namin? Arrgghh fuck! I need more proofs.

" Geh, salamat. " Sabi ko at aalis na sana ng bigla niya akong batukan. Napatingin naman ako agad sa kanya habang hawak ang batok ko. With my expression why-did-you-do-that face.

" Aba walanghiya ka rin higante ka ah!! Pagkatapos mo ako pagsayangin ng laway ko salamat lang makukuha ko?! Hustisya huy! Dahil dyan ikaw magtapon nito! Dali layas na tsupi!! Shu!! Shoo!! " Sabi niya at binigay sakin ang isang malaking bag na color black na puro basura. Ang baho naman nito! Lumabas na ako at nagpunta sa garbage can pero kung minamalas nga naman natapilok pa ako sa bato.

Napasigaw ako sa sakit. Ang tanga nung bato pa harang-harang sa daan. Buti nalang napahawak ako sa bukasan ng basurahan atleast hindi ako natumba pero ang baho. Tapos nadulas pa ang kamay ko kaya pumasok yung kamay ko sa loob. Kadiri mga pre!

Aalisin ko na ang kamay ko pero may nakapa akong malambot. Parang kasing lambot ng damit. Tinignan ko naman yung loob, " Teka, bakit parang may damit dito? " sabi ko at kinuha yung nakaplastik. Hindi ako nagkamali damit nga. Pero hindi pa siya mabaho kaya naamoy ko na, " Amoy Baekla toh ah. Saglit-- "

" Maghalungkat ka. Hanapin mo sa mga damitan niya. Promise, hindi ka madidismaya dahil sigurado akong makakakita ka ng kapareha ng damit niya nung lalakeng hinalikan ako. "

Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina. Nilabas ko ang damit sa plastic at hindi ako nagkamali. Kapareha ito ng damit na humalik kay Angelea. At amoy niya yung pabango ni Baekhyun. Hindi, hindi kaya parehas lang sila ng style ni Baek? Pero bakit nandito 'toh? Atska bago pa 'tong damit.

Impossible niyang gawin yun dahil bestfriend ko siya. Lagi niya akong sinusuportahan sa lahat kaya impossible talaga. Atsaka kung ginawa niya man yun bakit ngayon lang? Marami na akong naging ex pero ngayon lang. Kaya impossible.

" Kyungsoo? " Bumalik ako sa kusina para natungin ulit si Kyungsoo.

" Bakit? Bumalik ka nanaman! " Inis na sabi niya at binaba ang librong Harry Potter. Wag muna siya sanang magtransform into satansoo.

" Gusto ko lang sanang tanungin kung anong vitamin mo. Nagiging unhealthy na kasi ako eh. " Dahilan ko, pero nagiimbestiga talaga ako. May gusto akong ipagkumpara.

" Flanax ang vitamin ko bakit? " Natawa naman ako sa sinabi niya. Flanax daw?!

" Flanax? Sabi ko na nga ba matanda ka na talaga-- ARAY!! " Sinuntok niya yung braso ko. Feeling ko pilay na ako.

" Gago! Pampalakas yan! Para mas maraming rounds kaming magawa!! " Mas malivouge po siya sa akin maniwala kayo.

I hissed in pain. Ang sakit ng suntok niya! " Oo na! Sorry na! Eh anong kulay nalang nung capsule na yun? "

" Orange kulay nun. Kaya medyo nagtaka ako kung bakit parang iba yung kulay na binigay sakin ni Baekhyun. Pink yung kulay eh. Pero baka nahilo lang ako at nacolor blindness kasi nauntog ako sa pader nun. " He paused and tsked. " Tanga ko noh? Oo na wag mo na sabihin! Atsaka bakit ba ang dami mong tanong?! Hay makalayo na nga sayo! " Sabi niya at umeexit na ng kusina. Nainis sakin. Masama na palang magtanong? Lumapit naman ako sa malaking ref namin at binuksan ito. Hinanap ko ang Flanax na vitamin ni Kwago at nakita ko ito. Binuksan at orange nga ang kulay. Binalik ko ito at akmang isasarado na ang ref nang may nahagip ang mata ko ang nasa dulong gamot. Kinuha ko ito.

" Sleeping Pills? "

Kinabahan ako sa nakita ko. Dahan dahan kong binuksan at, kulay pink ang capsule nito. No, no, no! Coincidence lang naman siguro diba? Hindi parin ako naniniwala! Kailangan ko parin ng confirmation! Ano ba talaga ang totoo? Isa lang naman ang paraan eh, ang tanungin siya. Pumunta na ako ng kwarto namin para hanapin siya.

" Baek? " Tawag ko pero wala siya. Nakita ko naman ang cellphone niya sa kama niya. Kinuha ko ito pero may password.

" Ano kayang password nito? " Ano kaya? Pin number ang password niya at 4-digits lang. Akala ko mawawalan na ako ng pag-asa pero sinubukan kong ilagay ang '6969' at biglang nagbukas. Hindi inakala na magbubukas yun ah! Ang pogi ko talaga.

Agad akong pumunta sa messages. Puro kaibigan niya ang nandoon at halos lahat kilala ko. Pero may nakita akong name na hindi ko kilala, 'Kim Taehyung' Hindi ko alam pero kinabahan ako ng mabasa ko ang pangalan na yun. Pagbukas ko, isang message lang ang nakalagay. Send siya nung araw bago ako umuwi. At nang mabasa ko ito. Napatigil ako. Pakiramdam ko tumigil din ang oras sa nabasa ko. Ayaw magsink-in sa akin nung nabasa ko o kaya hindi ko lang matanggap. Bakit?

Why Baekhyun? Why?


❌❌❌❌

Ayan na! Alam na nya! Hehehe.

Byun Baekhyun's Property [CHANBAEK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon