siks .1

1.6K 74 8
                                    

•ByunBaekHyun•

" Guys! Mawawala muna ako sa inyong patingin! Magbabakasyon lang ako saglit sa lolo ko! " Kasalukuyang andito kami sa sala at nakatingin kay Chanyeol habang sinasabi ang paglayas niya. 2 months na ang nagdaan at bakasyon na namin.

Masaya dahil tapos na muna ang mga libro. Nakakainis dahil sila parin. Oo futa wala paring forever!

" Walang may pake. " Epal naman ni Chen habang bored na tinignan saglit si Chanyeol at nagsimulang magcellphone.

Nasabi ko na bang andito rin ngayon sa bahay namin si Lhuve? Hayzxcs. Oo andito siya at naiirita ako. Nakaupo siya sa tabi ni Chanyeol. Mas lalong nakakaputs.

" Sinasabi ko toh dahil alam ko namang mamimiss niyo ko eh! " Confidence na sabi ni Chanyeol. Alam naman pala niyang may makakamiss sa kanya bat pa siya aalis? Bubu talaga, pasalamat siya lab ko siya.

" Gagu walang makakamiss sayo! Mas gusto pa nga namin yun eh! " Sigaw ni Chen at binato ng maliit na unan si Chanyeol. Tumama naman ito sa muhka ni Chanyeol kaya nagtawanan kami.

Pagsasalo na nga lang ng unan hindi pa masalo. Paano pa kaya kung ako na?

" Denial mo Chen! Grabe ha sweet! Kinikilig ako! " Sabi ni Yoda at sinubukang magmuhkang babaeng kinikilig.

" Puta Chanyeol wag mong subukan! " Sigaw ni Kris at parang takot na takot makita si Chanyurr na subukan.

" Basta! Bukas ang alis ko! " Paulit ulit?! Aba kelan pa siya natutong mag-unli? Hindi ako na-inform kaiyak naman.

" Kelan ka babalik? " Tanong ni Kyungsoo na naging dahilan para tumayo ang higante at ngumiti ng abot sa malalaki niyang tenga habang pumapalakpak.

" Sabi sa inyo guys may makakamiss sakin eh! " Tinuro niya si Chen at pinagmamalaking may makakamiss nga sa kanya. Napairap nalang si Camel sa kanya.

" Pakyu! Nagtatanong lang ako para malaman kung ilang araw ako malaya! " BOOM BASAG ANG EGGYEOL! Natawa nalang ulit kami. Ayan kasi masyadong assuming, anong napala sa huli? Sakit!

" Ano tingin mo sakin kulungan?! "

" Masakit mang aminin pero oo. "

" Sa gwapo kong ito! Kulungan tingin mo sakin?! " Bigla namang nag-acting si Sehun na nasusuka. Nakigaya narin yung iba. Ang galing talaga magjoke ni Yoda!

" Oo na hyung ang gwapo mo na, tss. " Pilit na sinabi ni Tao. Paano niya nagawang sabihin ang mga ganong bagay?! Masama magsinungaling aba!

" Aray! Huhuhu! Ang sakit! " Acting ni Chanyeol na parang nasasaktan at hinawakan pa ang dibdib niya kung saan nakapwesto ang puso. Futa wag na wala ka namang puso!

" Eh baliw pala toh eh. Sinabihan na ngang gwapo nasasaktan pa. " Sabi ni Luhan at sumiksik ulit kay Sehun. Aba kelan pa naging clingy si Luhan.

" Hindi yun! Siguro alam nyang joke lang yun. " Sabi ni Lay. Buti hindi siya nakakalimot ngayon.

" Hindi! Sabi kasi nila diba, 'truth hurts'. Kaya ako nasasaktan kasi totoo. " Iba na talaga ang tama ng higanteng ito. Puro hangin na ang nasa ulo, wala nga kasing utak.

" Saan ba nakatira lolo mo? " Tanong ni Suho habang hawak ang black card niya. Aba! Tungunu pala 'tong pandak na 'toh eh! Eh kung hablutin ko kaya yan bigla! Nangiinggit lang ganon!

" Ha? Dun sa motel sa Makati, dun niya natira lola ko. " Kalivougan lvl. 696969

" Tungunu Chanyeol! Hindi 'nakatira' as fvcked! Nakatira kung saan ang bahay! " Sabi ni Xiumin habang pinalo ng malakas sa braso si Chanyeol. Ayan ang nababagay sayong gago. Masyado mong ineexposed pagiging byuntae mo eh. Naiisip ko tuloy na soulmate tayo.

" Ah yun ba? Pasensya na. HAHAHA! Ang greenminded ko pala! " Ngayon niya lang narealize through the years? Congrats!

" Futa proud ka pa. Oh saan nga? "

" Sikretong malupet! " Papaluin sana siya ulit ni Xiumin kaya nagseryoso na siya. Seryoso ba talaga? " Hindi joke lang! Doon sa Cordillera sa pinakamalaking kweba dun. Dun nakatayo ang mansyon ng lolo ko. "

" Sinong tao naman ang sira ulong magpapatayo ng mansyon sa loob ng kweba? " Biglang sabi ni Kris. Nga naman? Ang tanga naman nun atsaka paano magkakasya ang isang mansyon sa isang kweba? Nakakagago lang.

" Lolo ko. " Napa-facepalmed nalang kami.

" Sabi ko nga hindi ka makakausap ng matino. Punyetang buhay toh, bakit pa kita nakilala?! " Sigaw ni Chen habang nakataas ang dalawang kamay at kulang nalang lumuhod. Ganon na ba talaga kamalas ang buhay ni Chen?

" Kasi gwapo ako. Paki connect nalang! "

" Magimpake ka na nga lang at lumayas ka na! " Tumayo na si Chen at halatang inis na talaga siya sa kalivougan at kalokohan ni Chanyeol. Nahiya naman ang yoda sa mga pinaggagawa ng camel.

" Magbabakasyon lang ako hindi lalayas! Bakit ba parang sobrang malas ng buhay niyo nang makilala niyo ko?! " Tumayo narin si Chanyeol at lumapit kay Chen. Parang nagch-chest bump lang sila.

" Talagang malas! Hindi na kami minsan makatulog at makapagpahinga dahil lagi kayong nagsisigawan ni Baekhyun! " Nagulat ako nang banggitin ng camel ang maganda kong pangalan.

" Oy punyeta bakit ako napasama dyan?! " Sigaw ko sa kanila. Aba gagu pala sila eh! Kitang nananahimik na nga ako idadamay pa ako sa kagaguhan nila!

" Gagu oo aaminin ko sa umaga maingay kami! Pero sa gabi hindi na! Siguro naman kilala mo kung sino ang maingay sa gabi diba! " Sagot ni Chanyeol kay Chen at sabay na tumingin kay Jongin. Futa bakit ba lagi nalang akong hindi pinapansin ng mga hayop at elyen na toh! Nagulat lang naman ako kasi naspecial mention yung name ko! Hindi pala ako papansinin. Saklap talaga mga beh. Sino may lubid dyan?

" Oy mga pakker kayo! Pigil na nga lang yung ingay namin kami pa sisihin niyo! " Sabi ni Jongin at tumayo narin at nakisali sa chestbump nila. Kayo nalang mag-imagined kung paano nagchestbump ang tatlong tao.

" Wow pigil na pala yun! Kaya idol kita eh! "

" Oo nga! Hehehe! Ang galing! Rinig na rinig hanggang dulong kwarto! Pigil nga yun brad! "

" Aba! Eh asdgjjkklcnm ... "

" asfhkkjfs blah blah blah ... "

Could someone can tell me how on earth can we stop this fvcking noise of ours?!

❌❌❌❌❌❌❌

Walang kwenta, puro kakornihan at daldal ang chapter na ituuuu~~~

Byun Baekhyun's Property [CHANBAEK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon