tu

1.8K 90 22
                                    

•ByunBaekHyun•

" Gatas, " Sagot niya. Gatas nakakabusog ba yun? Tatanungin ko pa sana siya ng magsalita ulit.

" ni Kai. Hihih-- AY ALAGA NI KAI! Ano ka ba naman Baekhyun! Gaano ba kalaki ang butas ng kamay mo at nalaglag mo ang baso?!! " Pasensya na Kwago tungunu ka kasi!! Kung hindi ka ba naman kasi malandi hindi ako magugulat sa sinabi mo! Nabitawan ko tuloy yung baso. Takte yan.

" Kasing lake ng butas ng pwet mo. " Tas inirapan ko siya. Tapos ang kwago tinawanan lang ako. Gago toh ah. Nagulat naman kami nang biglang pumasok si Chen na may hawak na walis " Nasan ang magnanakaw?! Nasan?! Napapalibutan na namin kayo! 69 kami! "

Binatukan naman siya ni Kyungsoo " Loko walang magnanakaw. Nabitawan lang ni Baekhyun yung baso. OA ha. " at bumalik nanaman siya sa pagcecellphone niya. Tas bigla siyang nagselfie, takte gumawa nalang kaya siya ng IG. Tamad. Napatingin naman ako kay Chen na nakatingin sakin. Tinaasan ko ng isang kilay.

" Tanga mo. " ABA ASDFGHJKLSGALQPKDGNX!!!!!!!!!!

" Gago! Paano ko hindi mabibitawan kung ipagsigawan ni Kyungsoo na kinain nya yung tamerd ni Kai! " Napatingin naman bigla si Chen kay Kyungsoo busy parin sa pagseselfie. Tsk, confidence siya sa fes niya. Eh ako pagnag update ng IG, nagiging DP ng bayan. Ganda ko kasi eh.

Bumuntong hininga naman si Chen, " Tsk. Baekhyun di ka na nasanay. Alam mo bang isang araw nung absent sila ni Kai, tas naiwan sila dito sa bahay. Nagpasabog sila-- "

" OO NAGPASABOG KAMI DITO SA KUSINA! " Sigaw ni Kyungsoo tapos tinakpan ng kamay niya ang bunganga ni Chen habang sinuntok suntok ito.

" Takte Kwago! Hindi na kayo nahiya! Pati ba naman kusina tinirahan niyo! " Pero parang multo lang ako at hindi nila ako pinansin. Huhu! Ilang salita din yun! Nagsayang ako ng laway ko, ginalaw ko ang bibig ko at inisip ko ang sasabihin tas hindi lang nila papansinin o narinig manlang? Ano yan, terms and conditions? Hindi pinapansin, laging nilalagpasan? Masaquette! Huhuhu! Tas nagaacting na ako dito ng pang Oscars Awards for Best Actress hindi parin nila ako pinapansin!

" ARAAAAAAAAY! " Sigaw yan ni Kyungsoo kasi kinagat ni Chen yung kamay nito para alisin sa bigbig niya. Yak Chen magsisi ka! Puno ng tamerd germs yang kamay ni Kyungsoo noh!

" DUN SILA GUMAWA NG HIMALA SA KWARTO NIYO NI CHANYEOL TAS NATALSIKAN NG TAMERD YUNG EYELINER MO! KAYA NAWAWALA KASI TINAPON NILA! BAKA RAW KASI MAAMOY MO YUNG BAKAS! " Sigaw ni Chen na nagpatigil kay Kyungsoo sa paghipan ng kamay nya. Tanga hinihipan, kinagat yan hindi napaso gagu lang.

Eyeliner? Ko? Tamerd? Tinapon?
Nagpeace sakin si Kwago at nagsorry.

" AAARRRGGGHHH!!!! TUNGUNU MO KYUNGSOOO!! MATANGGAL SANA YANG MATA MO!!! PAKYEOL HINDI NA BERHEN YUNG EYELINER KO TAS TINAPON NIYO PA!! ALAM NIYO BANG YUN YUNG PINAKAFAVORITE KO KASI MAY GLITTERS DIN YUN???!!!! JONGINA KA!!! " Dahil sa galit ko agad kong kinuha yung favorite spatula niya atsaka pinutol ito. Agad naman siyang umiyak. Nakakadiri lang kasi naunang tumulo yung uhog bago yung luha. Nagwalk out ako sa kusina at dumiretso sa kwarto ko. Nakasalubong ko naman si Kai sa hagdan, huta kung swerte nga naman.

" Bakit kayo sigaw ng sigaw? May sunog ba? "

" Oo may sunog at ikaw yun! PAKYU SAGAD. "

Pagdating ko sa kwarto ko nakita kong wala pa si Chanyeol. Roommate ko kasi siya, kaya nga close kami diba. Humiga na ako sa kama.

Jongina talaga yung dalawang yun! Kung may botohan lang ng pinakamakati at malanding couple inonominate ko sila! Huhuhu! Eyeliner koooo! Limited edition pa naman yun! Masakit talagaaa!

Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok si Chanyeol. Sinabi niyang umuuwi na daw si Tam Ody. Buti naman at makakatulog ako ng maayos tonight.

" Oy Baek alam mo namang loyal ako sa mga naging girlfriend ko diba? "

" Hindi ah. " Aminado lang po.

" Hindi. Loyal talaga ako. Pero bakit ganon? Ang bilis kong magsawa? Tinatry ko naman silang mahalin pero, hindi ko alam. Hindi ako nakokompleto eh. " sabi niya.

Kasi ako lang kokompleto sayo Chanyeol. Akin ka lang. Sakin hindi ka magsasawa. Takte alam kong hindi ka bulag eh bakit hindi mo parin nakikita pagmamahal ko sayo? Try mo ngang manghiram ng mata kay Kyungsoo baka sakaling makita mo na.

" Ewan ko sayo. Geh matutulog na ko. "

Tumalikod na ako sa kanya. Hindi narin naman siya nagsalita. Chanyeol okay lang maggirlfriend ka ng kahit ilang gusto mo. Magsasawa ka rin naman sa kanila eh. Maghihintay ako, maghihintay akong mahalin mo ko, yung tipong hindi mo ko pagsasawaan. Dahil simula pa lang noon, you're already my property.

Matutulog na sana ako nang biglang may marinig akong sigaw ng babae galing sa labas kaya napaupo ako. At kilala ko kung sino dahil sa sinasabi nito na, " CHANYEOOOOOOL! BUMALIK KA SAKIN! " Pakyeol talaga, sagad.

❌❌❌❌❌❌❌

Si Tam Ody po yung sumigaw sa huli. Huehue :3

Byun Baekhyun's Property [CHANBAEK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon