7

67.7K 1.1K 156
                                    


The makeup and hair stylist arrived and started to fix my dirty self, just like what my mom said.

Dirty whore.

If you just payed attention to me while growing up, hindi na ako maghahanap ng ibang tao para lamang mapansin ako.

If you just gave me love and affection, hindi na ako manlilimos pa sa iba.

You've turned me into this, you've created this Roshan.

And wala kayong magagawa kundi tiisin ako. Cause in the end, it's all your fault.

"Done! Wow Ms. Davis! You look stunning." sabay palakpak ng isang makeup artist.

"Thank you po." I smiled at them.

I looked at the mirror. Indeed, I am very beautiful.

Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero, with my face structures and inborn fox eyes, maganda talaga ako. Sabi nga ng iba, hindi ko na kailangan ng makeup dahil madadala na ito ng mukha ko.

"Mr. Cueves will surely love you, Miss. Congrats din pala sa nalalapit niyong wedding." the hairstylist greeted me.

I laughed mockingly. Oh no! You got it wrong.

"It's just a date po. And I am too young to marry." sagot ko sa kanila.

"Hindi ka rin sure Miss. Paano kung sobrang pogi rin ni Sir? Edi nalaglag panty mo." sabay tawa nila.

I've seen and been with much more handsome guys, and they're all my side dishes.

Kung maghahanap ako ng main course, hindi lang sapat na pogi o mayaman siya.

He has to be more.

"Ms. Roshan, tawag na po kayo ni Madame. Naghihintay na daw po ang maghahatid sa inyo." sambit ng isa naming maid.

"Sure ate. Will be outside in a few." I looked at myself again and checked everything. I am wearing a black tube dress with a slit. May dala rin akong fluffy white coat to match my outfit. I also have black heels, a purse and some silver jewelry to complete the look.

Okay! Ready to go.

Nang nakalabas ako ay sinalubong ako ng aking ina.

"That's good. The stylists did you well huh? Nagmukha ka ng tao."

I wonder, is there a time where she even complimented me? For sure, none.

Sumakit ang puso ko ng maisip iyon. All my friends, schoolmates and other people can easily compliment me, pero bakit sila parang kay hirap?

Bakit parang hirap na hirap silang magsabi ng magagandang salita tungkol sa akin? I am that bad?

Kasi mismong pamilya ko, ayaw sa akin.

Mismong pamilya ko, tingin sa akin parang isang bagay na pwede mo na lang itapon pag nagsawa ka.

Is that the reason why they wanted me in this marriage?

It's like hitting two birds with one stone, I'll be able to marry a super rich man that can benefit them, and I'll be out of their damn life.

Ang sakit! Hindi ko na nga sila kasama palagi, parang ayaw pa rin nila akong makita.

They want me out of their life and it hurts me so much.

Tumulo ang mga luha ko habang papasok sa sasakyan.

In the end, Roshan. The only person who will be there for you, is yourself. Sa lahat ng sakit at paghihirap mo, sarili mo lang ang kasama mo.

Pinahid ko ang luha ko at itinaas ang aking noo.

If they don't want to be then so be it.

I am Elizabeth Roseann Davis, men flock in front of me. My friends adore me. I love myself.

I don't need my family as much as they don't need me.

Ayaw ninyong mapahiya? Let's see.

Nakarating na kami sa Okkada kung saan kami mag dinner ni Mr. Cueves. I don't even know his face, paano ko siya makikilala? Ugh fuck this!

I went to the elevator, and after a few minutes a few people went in too.

May narinig akong nahulog sa sahig at bago ko pa malaman ay naramdaman ko na lang ang pag-hawak sa aking hita.

"Ano ba? Bastos!" sigaw ko sa lalaking katabi ko.

He's wearing a black tuxedo and uhm well, he's handsome? But the hell?

"What Miss?" he coldly pierced his eyes on me.

"Anong what ka diyan Mister? You fucking touched me. Bastos ka. Nasaan ang security?" sigaw ko.

I may be a lust machine but I don't tolerate harassment!

Lumabas na ang mga tao sa elevator, papalabas na rin siya ngunit pinigilan ko.

May ilang tao rin ang nakiki-tsismis sa nangyayari.

I spread my arms widely para harangan siyang lumabas. Nakakawala ng poise pero bahala na! This guy should be punished!

Bastos! Akala mo kung sino. Pwes, mali ka ng kinalaban ngayon.

"Hindi ka lalabas hanggat walang security." pagpigil ko sa kanya.

"And what do you want? Play hide and seek with the security?" he asked huskily.

Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko dahil sa tono niya. He's hot, but well manyak.

"Anong hide and seek? Papunta na sila dito. Oh! ayun na!" sabay turo ko nang matanaw ang security.

You'll be in jail bastard.

"Kuya eto p-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sumarado na ang elevator.

What the hell?

Narinig ko ang paggalaw ng panga niya. He smirked.

"I told you." he looked at me as if I am a joke.

"You did not tell me anything. Shut up." I said irritated.

Pagkabukas ng elevator sa itaas na palapag ay hinila ko na siya. I cornered him at one side habang hinihintay ang securtiy na maka-akyat.

Because I'm too close to him, naamoy ko ang halimuyak ng kanyang pabango. Very manly huh?

A mix of sweet and daring scents glided through my nose. Mukhang bagong shave din siya. Ang bango naman nito!

Ay, erase Roshan. This guy's a maniac! Huwag mong paganahin ang kademonyohan ng isip mo.

Utak muna bago ang perlas!

"Are you still not done? I have an appointment and I am late." tumingin siya sa relo at akmang aalis.

Hinawakan ko agad ang kanyang braso at pinigilan siya.

"No, stay here." sambit ko habang patuloy na nakahawak sa kanya. Hindi ako bumibitaw, para akong tutang nakasabit sa kanyang amo.

After a few seconds ay dumating na ang security.

"This is the maniac bastard. I hope you'll lead him go to jail." sambit ko sa guard habang itinulak ang manyak papalapit sa security.

"Mr. Cueves!" sigaw nila, na may halong gulat.

"Sorry Ma'am, sigurado po ba kayong siya iyon? Siya po si Mr. Cueves po at isa siya sa mga boss namin dito." sambit ng isang guard.

"Boss?" and did I hear him right? Mr. Cueves?

The fuck?

That man is Mr. Cueves?

Oh! Help me.

He looked at me and smirked.

I am fucked up. 

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon