13

55.7K 921 426
                                    


"Sure ka na bang hindi ka sasama?" tanong sa akin ni Tris habang naglalagay ng makeup sa kanyang mukha.

It's friday night at naghahanda sila upang mag party sa Elios Bar.

Umiling ako at humiga sa kama. "Yup. Baka ma-wasted ako kung sasama ako. It's better to be safe than sorry. May date pa ako bukas."

"Come on Tris, ganyan talaga kapag may fiance na." pang-aasar ni Kelly.

"Shut up babes! Next week sasama ako for sure! Malapit na rin naman mag sembreak, halina't mag party overload." sambit ko.

"Party overload ka diyan eh hindi ka nga sasama ngayon? Sus. Nagbabago na talaga kapag inlove. Party girl Roshan no more." patawang banggit ni Kelly at dinaluhan si Tris upang mag-ayos na rin.

Tumayo ako sa kama at binatukan silang dalawa.

"Kayo ang nagpumilit sa akin noh. At saka, hindi ko pa naman na try iyong polo na sinasabi niya. Masaya rin bagong experience." nakapamewang kong sabi.

"Sige sabi mo eh." sabay tawa nilang dalawa.

Hihiga na sana ulit ako sa kama nang marinig ang impit na sigaw ni Kelly.

"Babes what the fuck? What happened?" at nagmamadali akong tumungo sa kanya.

"Fuck! Fuck! Fuck!" she hysterically shouted at nagtatalon pa.

"Kelly?" litong natong naman ni Tris.

"Shit! Babes! Andito raw siya! Shit! Matagal na pala!" sigaw niya at niyugyog kaming dalawa dahil sa sobrang tuwa.

"Sino? Si Doc A?" tanong ko.

"Hoy! Ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng ganon." sigaw niya sa akin.

"Possessive bitch." sabay irap ko.

"Oh! Nasaan daw at nang mai-confine ka na?" pabiro namang asik ni Tris kaya't nagtawanan kami.

"Hindi nga rin alam ng source ko. Teka, i confirm ko pa."

"Di na raw crush oh! Sus Kelly ikaw talaga!" sambit ko.

"Hindi naman na talaga noh, nakikibalita lang. Nasa Pilipinas na pala iyon." at umirap pa ang gaga habang may kung anong inaatupag sa cellphone niya.

"Sige sabi mo eh."

"Late na tayo Kelly, tara na." sabay hila sa kanya ni Tris.

"Ingat kayo girls! Enjoy!" sigaw ko sa kanila.

Pagkaalis nila ay natuloy na ang paghiga ko sa kama. Bukas na ang date namin ni Kai kaya kailangan fresh ang beauty ko.

Actually, it's the first time I rejected a party offer kaya hindi makapaniwala ang dalawa. Dati kasi ako ang pasimuno at laging nag-yayaya.

Well, maybe it's the start of a change?

Nagising na lamang ako nang tumunog ang aking alarm clock. Dali dali akong tumayo at nagtungo sa banyo upang maligo.

I saw Tris and Kelly on their respective beds, ano kayang oras umuwi ang dalawang ito? Upon checking the time, it's 8 am.

Alas nuebe kami magkikita ni Kai kagaya ng napag-usapan. Halos araw araw na rin kaming magka text at tawagan. He really has a comfortable company, kaya naman hindi ako nahirapang makasundo siya.

After I cleaned myself ay nagtungo na ako sa closet upang mag bihis. I've already chosen my outfit days before pa para hindi na hassle.

Simple white shirt at pants lang naman ang suot ko since hindi naman ito formal date. I also wear high boots to feel the vibe of the polo sports.

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon