38

40.2K 987 724
                                    


"Eto kaya? Parang mas maganda ito?" sabay abot ko sa isang pajama. "Ay hindi, mas cute toh."

"Aiden alin mas gusto mo?"

"The princess one is much prettier." sagot niya sa akin.

"Hmm. Pero mas cute itong hello kitty eh." simangot ko.

"Then choose that. Or choose both." aniya.

"Hindi pwede, limited lang naman budget natin." binalik ko ang pajama na may hello kitty.

"It's fine Roshan, para naman sa baby natin." kinuha niya ang kakabalik kong gamit at nilagay sa basket namin.

"You sure?"

"Oo naman, just get whatever you want for our little Neytiri."

I giggle and excitedly stroll around the store.

Namimili kami ngayon ng mga gamit ni baby. Malapit na kasi siya lumabas.

And as we agreed - Neytiri Roseann D. Salvatore ang magiging pangalan niya.

I am so excited for her arrival pero hindi ko maipagkakailang kinakabahan at natatakot ako.

Nanood kasi ako ng mga videos about sa panganganak, parang ang hirap at kay sakit.

Saludo ako sa lahat ng nanay na naiiraos ang ganitong bagay. It takes courage and determination.

Para maibsan ang pangamba ay patuloy ako sa pagpipinta. I tried to sell one of my painting online para makadagdag sa ipon namin, and guess what?

Pinagkaguluhan ito.

I was so shocked. Some even offered a higher price for my work.

Dahil doon ay mas nagkaroon ako ng motibasyon mag pinta. Gamit ang nakuhang pera ay bumili ako ng ilang karagdagang materyales.

Marami rin ang nagpapa-commission sa akin.

It was so overwhelming.

Ang saya sa pakiramdam na na-appreciate na nila ang gawa ko.

And it's like hitting two birds with one stone. Nalilibang na ako, kumikita pa.

Aiden is also very supportive of me.

He even asked me to paint a portrait of our little family kapag lumabas na si baby. Syempre umoo agad ako.

Marami pa akong pending works na kailangang gawin, and when I have time, sisimulan ko na ang request niya.

Pagkauwi namin ay agad na akong naghanda sa pagpipinta. Si Aiden naman ang nag ayos lahat ng napimili namin.

Syempre trabaho ko na rin ito, sobrang saya nga na hindi ko na kailangang iasa ang lahat ng gastusin kay Aiden. I can now support myself and our family.

"Huwag masyadong magpagod." he then kissed my forehead.

"Yes po, and don't worry. Painting is therapeutic to me, hindi ako na stress dito." I smiled while slowly moving my hand to the canvas.

The client asked me to paint a portrait of his daughter who will turn 18 next month.

Kadalasang puro portrait ang tinatanggap ko, mas gamay ko kasi ang ganon.

Nang mapagod ang kamay ay nagpahinga na ako.

Ganoon lang lagi ang routine ko.

Gigising, maglilinis ng bahay, magluluto at magpipinta.

Minsan, kapag hindi busy si Tris sa school ay bumibisita siya rito. Kaso finals na rin kaya medyo abala iyon.

Namiss ko nga ring pumasok minsan, pero atleast ngayon, nagagawa ko na ang gusto ko talaga - ang mag pinta.

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon