60

25.9K 600 184
                                    

"Naglilinis na ako Tris. See you later." ani ko sa telepono.

"See you babes! Sabay na kami ni Kelly pupunta diyan ah. We'll bring drinks and chips."

"Okay, ako bahala sa ibang pagkain." ngiti ko.

I don't know how Tris convinced Kelly to be here. But I am happy that she will join us later. I wish we can fix things already.

Maaga pa naman kaya naglilinis muna ako ng bahay. Sakto at wala dito si Neytiri, hindi ko muna siya aalalahanin sa ngayon. She's with her dad at bukas pa uuwi dito. Miss na miss ko na siya. I can't wait for tomorrow.

I went to my work place kung saan ako nagpipinta, nilinisan ko rin ang lugar. Tinanggal ko ang mga newspaper sa sahig at kiniskis ang ilang natalsikan ng pintura.

Mabuti na lang at hindi ako nauubusan ng commision paintings, iyon na lang kasi ang inaasahan kong bubuhay sa amin. Kai offered help but I rejected it. Gusto ko sariling pawis ang dugo ko, ako mag isa ang magbabangon sa sarili ko. Tinatanggap ko naman ang tulong niya kapag patungkol sa anak, pero kung para sa akin ay tinatanggihan ko.

Pagkatapos maglinis ay nagluto na ako ng tanghalian. I called Neytiri and bonded with her for a while. Nakatulog na rin ako dahil sa antok.

Hapon na ng magising ako. I started preparing essential things for later. Bumili na rin ako ng alak at nagluto ng pagkain namin. Chicken lollipop lang naman at shanghai para sa pulutan namin mamaya.

Naligo na ako at nag ayos ng sarili.

Alas syete ng tumawag si Tris na papunta na sila.

I was nervous. I was meeting Kelly after many months. Hindi ko alam kung anong iaakto ko kapag kasama siya. Yes, she's my best friend, but after a long time, it was tainted. Hindi na rin kami ganon ka close katulad ng dati. We're awkward and uncomfortable with each other.

But I am open to fixing it. I hope she is too.

Pagkatapos ng ilang oras ay nakarinig ako ng katok sa pinto. Pinunasan ko ang aking pawis at pumunta sa pintuan.

"Babes!" maligayang saad ni Tris at niyakap ako.

"Hi babes! Pasok kayo!" ani ko. Natanaw ko si Kelly sa likod. "Hi Kelly!"

"Hello Roshan." pagbati niya. Agad siyang kilaladlakd ni Tris sa loob.

"Wow! Handa na ang lahat!" sigaw ni Tris. "Nagdala kami ng ibang pulutan." aniya at nilagay ang bitbit sa mesa.

"Upo kayo. Upo ka Kelly."

"Thank you."

We're sitting on the mat here in my sala. Nasa lamesa ang mga pagkain at inumin namin. Pinatay namin ang ilaw para mas ma feel ang ambiance.

"Cheers to our graduation! And cheers for mother Roshan!" Tris exclaimed.

I raised a toast for them. "Congrats uli sa inyo." masaya kong saad. Magkatabi si Kelly at Tris samantalang ako ay nasa harapan nila.

"Bar na lang! Ugh! Malapit na! I really need this break!" she shouted out of frustration. Kelly laughed.

"Baka makalimutan mo yung nireview mo pag nasaling ka." pagbibiro niya. I laughed too.

I remember when we joined forces just to tease Tris. Time flies real quick huh?

Nanlumo si Tris. "Hindi naman siguro. I still can remember the fundamentals of accounting." she joked. "Ikaw, kumusta pag rereview mo?"

I played with my glass while they were talking. "I stopped." napatingin kami ni Tris sa kanya.

"Ha? Tapos ka na mag review? Pahingi naman brain cells diyan oh."

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon