53

27.3K 652 625
                                    

Nakatulala ako habang pinagmamasdan ang kaibigan. Sunod sunod ang kanyang paglalagay ng alak sa aking baso.

"Hinay lang Tris. Ayaw kong malasing. Susunduin ko pa bukas si Neytiri." saad ko habang ibinabalik sa kanya ang shot glass.

"Eto naman." hagikhik niya at ininom ang tagay.

"Teka nga, ako ang may problema dito bakit ikaw ang nagpapakalasing?" sambit ko at pinunasan ang tumulong alak sa kanyang bibig.

"Hays." aniya ang nagkalumbaba sa mesa.

"You okay Tris?" tanong ko.

"You okay Roshan?" saad niya at pinandilatan ako ng mata. "What the hell is happening to us?" she mumbled.

"Growing up happened." ani ko at ininom ang huling shot.

"What's your plan now babes? Now that you've got your own place?" she asked, sleepily.

Pinagmamasdan ko ang kapaligiran. Ang maliit na unit na ito ang nagsisilbing bagong tahanan ko. Namin ni Neytiri.

It's been a week since I've lived here.

"I'm glad Neytiri's with Kai now kaya mas nakapag focus ako sa paglilipat." sagot ko.

"What about Aiden? Does he know this place? What if he wants to meet Neytiri? Hindi mo naman dapat siya ipagkait sa kanya." sunod sunod niyang sambit.

With my stay here, nakapag isip isip naman ako kahit papaano. I tried to assess our situation and come up with a way to handle this.

"May mga pag ibig talaga na kahit anong pilit, hindi maari." I sighed. "I tried my best, Tris. Pero wala eh." I knock on my chest.

"Kahit anong pilit ko, hindi niya magawang mahalin si Aiden." turo ko sa puso. Nagsisimula na namang mag tubig ang aking mata. "Pero hindi ko naman ipagkakait si Neytiri, minahal niya na yung bata...I just need time."

"That sucks huh?" iling niya at niyakap ang tuhod.

Madilim na. Patay ang ilaw at ang tanging liwanag namin ay ang buwan sa langit.

Maliit lang ang nakuha kong unit, mayroon lang din itong isang kwarto. Pwede na ito dahil kaming dalawa lang naman ni Neytiri ang titira dito.

Apartment building type ito kaya naman maingay rin sa kapaligiran. Nasa ikatlong palapag ang kinahihimpilan namin ngayon. Pwede na sa presyo, limang libo kada buwan.

May ipon naman ako mula sa pagpipinta at tatanggap na lang ulit ako ng maraming commision. Ngayong linggo ay naka dalawampung commission ata ako, mas nakaka gawa rin ako tuwing nasa puder ni Kai ang anak.

"I wanted to stay. I really wanted to. But...that would be unfair to him. Dahil alam ko sa sarili kong hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya sa akin." tumabi ako sa kanya at niyakap rin ang tuhod.

"I want to be real to myself. I wanted to be independent. Hindi yung umaasa sa iba, lalo na sa kanya." dagdag ko.

"Anong sinabi niya noong umalis ka?" tanong niya at tumingin sa akin, her eyes are half closed.

"He does not talk to me. But these past few days I kept on receiving texts from him saying I should go home." my tears fell.

"What did you say?"

"I told him we need space. We need time to take in everything. To think and reflect." ani ko sa mababang boses.

"I want us to talk again kapag nakapag isip isip na kami pareho. Yung parehas maayos ang utak namin." dagdag ko. "He said he will wait, until I'm ready. Kasi raw handa na siya para sa akin."

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon