68

22K 476 46
                                    

Kahit umaalog alog ang paligid ko ay hindi ko maiwasang ngumiti. Ang sarap pala na kahit sa maikling panahon, nawawala ang sakit na nararamdaman ko.

"Lasing ka na Roshan. Matulog na tayo." yaya ni Tris. Tumayo naman si Kelly para alalayan ako.

"Ayoko munang umuwi."

"Hindi ka uuwi, Roshan. Dito ka na matutulog. Bukas ay ihahatid kita sa bahay niyo ni Kai."

Umiling ako. "Ayoko muna dun, napapagod na ako."

"Roshan...."

"Mahal ko siya, pero nakakapagod din pala." the pain starts to kick in again. Ngumiti ako. "Ngayon lang 'to, bukas okay na ulit ako."

"After Neytiri died, did you ever have time for yourself?" tumitig ako kay Tris pagkatapos niyang tanungin 'to.

Umiling ako. "I had to be Kai's legs. I had to help him be..." my tears fell. "Okay lang naman, mahal ko eh. Kaya lang..."

"Nakakapagod?" tumango ako sa sinabi ni Kelly.

"Pareho kaming hindi okay eh, pareho kaming nag hihilahan pababa. Akala ko basta magkasama kami, okay na." I said honestly.

"Sasama ka sa kanya sa America?"

Sa susunod na buwan ay tutulak kami sa America para ipagamot si Kai. He's very eager to regain his locomotion. He wants to be admitted in the greatest and most outstanding hospitals there.

"Syempre." sagot ko.

"Paano ka?"

"Paanong ako?" mahina kong tanong at tinungga ang alak.

"Tangina naman, please for once isipin mo naman yung sarili mo. Don't be too selfless." iyak ni Tris.

"Sorry." yuko ko.

"You're broken too Roshan, and you barely have time for yourself. If you devote your whole life to save Kai....you'll drown." humagulgol ako sa narinig mula kay Tris.

"Hindi ko kayang mawalay sa kanya. Hindi naman ganun kahirap, kinakaya ko pa naman."

Lie.

At home, I can barely function well. Kai can't either. Lalo na dahil nahihirapan siyang kumilos, lalo na dahil sinisisi niya ang sarili dahil sa nangyari kay Neytiri.

"Kai, anong ginagawa mo? Huwag mo ng ipilit, please." saad ko nang makita siyang nahulog dahil pinipilit niyang maglakad.

"Tangina naman!" sigaw niya at pinaghahampas ang kanyang paa. "Why won't you move?!"

Dinaluhan ko siya para tulungan. "Magpahinga ka muna, halika nagluto ako ng paborito mo."

"Sorry kung nagiging pabigat lang ako sayo." his tears fell. "I'm fucking useless." agad akong umiling.

"No, Kai. Don't ever think of that." hinaplos ko ang kanyang mukha. I kissed him. "I love you so much, please don't think that you're a burden."

"I'll try harder next time. I promise, makakalakd din ako. I'll still wait for you in the aisle, right?"

Tumango ako. "Promise yan ah? Pero sa ngayon magpahinga ka muna."

Naiyak ako ng maalala ang paghihirap namin ni Kai. Magkasama nga kami sa isang bubong, pero parehas naman kami parang patay na nabubuhay lang para miraos ang araw.

"Two broken souls can't heal each other, babes." pareho kaming napatingin ni Kelly kay Tris. "Mas lalo kayong masisira kung pinipilit niyong ayusin kahit hindi naman kaya."

"I can't lose him." iyak ko.

Hinawakan niya ang aking kamay. "It's better to lose someone than to lose yourself. And it's Kai we're talking about, I know he'll understand. You both need time."

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon